Years Later.. (Chapter 34)

139 4 0
                                    

Sandra's POV


Agad akong lumabas sa kotse ni Nicolase ng makaapak na ito sa parking lot. Nilibot ko ang buong airport ngunit walang bakas ni Glenn ang aking nakikita pero di parin ako tumigil sa paghahanap, lumibot ng lumibot ako ng hindi ko nalang namalayan na malapit na pala magtanghali. 


"Tara na, magtatanghali na. Wala na siya, nakalipad na yun." Tumigil ako sa paghahanap at bumalik nalang sa kotse. Wala akong masabi o wala akong kinibo, nakaupo lang ako sa loob ng kotse habang umuulan ako ng luha.


5 Years later...


"And Cut! Let's have a short 20-minute break. Thanks Ms.San, you really worked hard today."


"Yeah, thanks Direk." Sagot ko sa compliment niya. Cheering me up is really a good thing, specially action scene 'tong finifilm namin ngayon.


"Teka lang, alam mo ba na may magcacameo saatin ngayon?" Tanong ni Direk at nagtaka agad ako. Ilang araw na kasi ako di nagsosocial media.


"Sino?" 


"It's a good thing na di mo alam. Baka magulat ka kung makikilala mo siya, sikat na sikat 'to sa ibang bansa." 


"Yeah, leave it like that. Mauna na nga pala ako Direk, gutom kasi si akech. Haha!" Pagbibiro ko.


"Breeeeennn!(Sigaw)" 


"Sandyyy! (Sigaw)" 


At ayon nga, nagkaharapan ulit kami ng kaibigan ko after na umalis sina Zander papuntang Mindanao.


"Kayo pa pala?" Pagbibiro ko.


"Gusto ko na rin makipagbreak sa lalaking 'to eh. Di ko lang kaya kasi mahilig dumikit." Pang-iinis ni Brenna kay Zander.


"Nagsalita!" Sabi ni Zander at napatawa lang ako sa dalawa.


"Upo muna tayo dun, magshoshooting narin kasi kami mamaya." Pag-aanyaya ko at umupo na kami sa may bench.


"I'm really proud talaga sa'yo gurl. Naging artista ka, like what? Di ko nga maisip noon na magiging artista ka pala." 


"Nga eh, di ko rin maisip yun. Probably because sa tulong din ni Zander, nagsimula kasi 'to noon sa air-" Napatigil ako dahil di ko gustong maalala ulit yun. 


"Oh sorry, di ko sinasadyang pag-usapan natin yun." Sabi ni Brenna pero nginitian ko lang siya.


"Okay lang, wala yun. Past is past, the past will never be a part of my present." Daing ko.


"Talaga lang ha?" Pang-iinis ni Zander.


Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon