Brenna's POV
Ano kaya ibig sabihin ng mga post-it note na binibigay niya.
"Psst! It's your turn" Sabi ng babae sa likod ko. Awh! It's my turn to get my food na pala. Kumuha na ako ng food at ubos na ang adobo, bwesit! Matakaw sa adobo mga studyante dito. Kumuha nalang ako ng chapsuey,kanin,nilagang manok at juice. Puno na halos ang mga upuan sa canteen, saan ako uupo? Lumingon-lingon ako at may isa pang seat na vacant pero nandoon si Zander >.< No choice! Dun nalang ako.
"Wala bang uupo dito?" Tanong ko kay Zander sabay turo sa vacant seat.
"May nakita ka bang umuupo diyan? Wala diba? Edi wala!" Sabi niya habang nginingitian ako na parang baliw.
"Ang pilosopo! Kala mo kung sinong pogi." Sabi ko sa mahina na boses at tumingin siya agad saakin.
"Anong sinabi mo?" Tanong niya saakin habang tinititigan ako.
"Ah wala! Sabi ko na ang sweet mo dahil nag-iwan ka pa ng vacant seat. Thank you pala haa!" Sabi ko habang pinipigilan ang inis ko.
"No problem! Sanay naman akong palaging may umuupo sa harap ko." Sabi niya at natigilan ako.
"Halata naman! Diba Mr.Playboy?" Sabi ko sa kanya habang tumatawa.
"Halata naman pala eh! Dapat di ko na sinabi." Sabi niya at pinapamukhang bobo ba ako nito
Kumain nalang ako na di siya pinapansin kasi ewan ko nalang kung makikipag-away pa ako nito.
Nicolase's POV
Did I make the right decision na agawin si Sandra sa kamay ni Glenn? Ah! Whatever, wala rin namang mawawala kung gagawin ko yun.
Nasa basketball court ako ngayon sa school at nagsho-shooting kasama ang iba kong kabarkada, biglang dumating ang kabarkada ni Glenn at naka Jersey rin sila. Lumapit sila saakin at inagaw ni Glenn ang bola na nasa kamay ko at tinignan ko lang rin siya na ginagawa yun.
"How about let's play , ONE on ONE?" Tanong ni Glenn saakin habang tinititigan ako.
"Oi, ano ba yan! Unfair naman, nag basketball jersey pa kami tapos makiki-1on1 ka lang?" Sabi ni Zander na parang atat ata.
"Sorry! Need ko lang kasi ng Overflowing entrance with you guys kaya dinala ko kayo." Sabi ni Glenn sabay nagbow sa barkada niya.
"Baliw na talaga 'tong lalakeng 'to!" Sabi ni Zander sabay pumunta sa may bench sa tabi ng court.
"One on One? What's your bet?" Sabi ko sa kanya at tinignan niya lang ako.
"I'll give you one wish kapag mananalo ka! Anything, kahit ano pa I-wish mo pero kapag nanalo ako then join to my team. Agree?" Tanong ni Glenn saakin at parang good deal yun ah.
"Deal! Good Luck." Sabi ko sabay pasa niya ng bola saakin.
Lumingon ako pakaliwa at nakita si Sandra na papunta sa isang sulok at gusto ata niyang tignan ang labanan namin kaya mas nilakasan ko ang loob ko kasi nandyan siya.
Nagsimula na ang laban namin at di naman pala ganoon kahirap kalaban 'tong si Glenn, bagay ang moves sa junior na level.
"Timeout muna!" Sabi ni Glenn at parang grabe ang paghingal niya. Tinignan ko kung nagmamasid parin ba si Sandra at oo nga nagmamasid parin siya pero nakaupo na siya.
"Game!" Sigaw ni Glenn at pinaghandaan ko na sarili ko dahil 30 Points lang ang deal namin at 25 ang score ko habang 23 kay Glenn.
Nagpatuloy na kami sa paglalaro at *tshuk* sablay tira niya! Naagaw ko na sana ang bola pero bakit pa ako lumingon kay Sandra, ayan tuloy naagaw niya. Na shoot niya yun at 25:24 na score namin. 5 Points nalang talaga at panalo na ako! Nagpatuloy kami hanggang sa makashoot ako ng apat at nakashoot rin siya ng lima, 29:29 na kami.
"Timeout muna!" Sigaw ko at takbo agad ako sa may table sabay uminom ng tubig. Napansin ko na ang rami pala nang tao na nasa basketball court at naghihiyawan sila kay Glenn at saakin din. Hinanap ko kung saan nakaupo si Sandra at nakita ko siyang nakaupo parin pero parang tinititigan niya si ....Glenn habang ngumingiti-ngiti. Di ako nawalan ng pag-asa at mas pinatibayan pa ang loob ko, I need that one wish!
"Tara Game!" Sabi ko at dahil timeout so nasa akin ang bola kaya finocus ko ang paningin ko sa ring, tumakbo na ako at umiwas-iwas ako sa mga pagharang ni at dumiretso sa ring at...................................................... *SHOOT* YES!!! Nang na shoot ko na yung final ball na kailangan ko ay grabe ang paghiyaw ng mga tao na nasa loob ng basketball court.
"Nicolase! Nicolase!.." Hiyaw ng mga studyante at ngumiti rin ako sabay wagayway sa kamay ko. Liningon ko ang paningin ko para tignan kung andoon pa ba si Sandra pero bigla na lang siyang nawala sa kinauupuan niya pero mas importante ngayon ang wish ko.
"Pano ba yan? Talo ka ata?" Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko pawis sa katawan ko.
"Ano wish mo para mabili ko agad?" Tanong niya saakin habang nagpupunas din siya nang pawis pero parang naiinip rin siya.
"Di naman mabibili ang hihingiin ko eh! Pano ba yan?" Sabi ko sa kanya habang nginingitian ko siya para mas mainis.
"Ano na! Wag kana magpa hard-to-get." Sabi ni Glenn at ako pa hard-to-get ha?
"My wish is to................date Sandra!" Sabi ko sa kanya habang ngumingiti.
"A-a-a-ano?" Parang nagulat ata siya sa sinabi ko.
"Ayaw mo? Wala naman siguro kayong relasyon diba? School's Prince at Princess lang naman connection niyong dalawa." Sambit ko habang naiinip na talaga ata siya.
"Wow! I didn't expected that wish ha pero I'm sorry but I have to say no with that." Sabi ni Glenn at agad nag walk-out pero hinarangan ko siya.
"Wait! Wait! Wait! Di naman siguro pwede yang wawalk-out ka agad na di ko pa sinasabi ang wish ko." Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang galit.
"Sorry pero in that case, di ako papayag sa wish na yan!" Sambit niya saakin habang pinipigilan ata ang galit at unti-unting lumalakad paalis.
"Dahil ba gusto mo siya?" Pahabol na sigaw ko sa kanya at natigilan siya.
"Bakit? Makakakain kaba kung gusto ko siya?" Di na ako nagulat sa sinabi niya dahil halata naman na may gusto talaga siya sa kay Sandra.
"Hindi! Bakit? May sinabi ba ako? Ang hirap tignan na nasasaktan ang isang babae dahil sa mga pinaggagawa mo." Sagot ko sa tanong niya at patuloy na siyang umalis.
------------------------------------------------------
This is intense <3 Abangan ang susunod na kabanata!
BINABASA MO ANG
Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)
Teen Fiction[COMPLETED] Si Glenn Wadson ay anak ng isang Prominenteng Pamilya, si Glenn ay isang Playboy pero Crush ng Bayan at isa rin siyang Studyante sa isang Pribadong Paaralan. Si Sandra ay isang studyanteng Nerd at Mahiyain pero Matalino kahit may Kahirap...