Fistball or Fishball? (Chapter 18)

294 19 0
                                    

Sandra's POV



Habang sinusuntok-suntok yung manyak na muntik na akong gahasain kanina, tinatakpan ko nalang mata ko kasi di ko gustong makita na may nag-aaway. Ilang sandila ay biglang tumahimik ang lugar, wala na ang manyak at yung lalakeng tumulong sa akin kaya tumakbo ako ng mabilis pauwi. Nang dumating ako sa bahay, di ako mapakali sa nangyari at di rin ako makatulog nang mahimbing pero pinigilan ko sarili ko sa pag-isip sa nangyari kanina.


Kinabukasan, nang dumating ako sa school ay nakakapagtaka kasi lahat sila nakatitig sa akin na parang may nagawa akong dapat di ko ginawa. Pumunta ako sa classroom at nagmadali, nakita ko si Nicolase at nagtanong ako kung anong nangyayari at pinakita niya ang picture na nasa tablet niya. Teka! Ako yun ah at ba-ba-bakit may picture sila sa nangyari kahapon? Yung muntikang panggagahasa sa akin.



"Ano ibig sabihin nito? Ba't parang nag aano kayo?" Tanong ni Nicolase sa akin na parang gulat at di makapaniwala.



"I-i-i-i don't know what is happening pero mali to! Di to tama, ako ang naging biktima pero parang ako pa minumukhang suspect."  Sabi ko kay Nicolase para maintindihan niya na innocente ako



"Akala ko pa naman na iba ka sa kanila pero isa ka rin palang di mapagkatitiwalaan." Sabi ni Nicolase sa akin at sabay nag walk-out.



"Wait Nicola-" May sasabihin sana ako tungkol sa nangyari pero di niya na ako pinansin at nagpatuloy ng lumakad.



Pumunta ako sa rooftop para umiyak at habang umiiyak ako, biglang dumating si Jino at binigyan ng panyo.



"Salamat Jino!" Sabi ko habang hinihimas niya likod ko para at least di na ako masyadong masaktan.



"Ganyan talaga buhay e! Wala naman sana tayong ginawang masama pero ginagawan talaga tayo ng kasalanan ng mga tao kaya tahan ka na. I Believed that your innocent and you don't need to tell me what happened because I already know that it's not your intentions kaya huminga ka ng malalim at masdan ang napakamagandang araw sa kalangitan." Sabi ni Jino at ngumiti siya sa akin, pinasahan ko rin naman siya ng ngiti.



"Whoever did this will take my revenge! Di na to nakakatuwa eh, if mahuhuli ko siya.....I don't know what will happen kasi di na talaga ako aatras pa." Sabi ko habang nakatingin sa sinag na araw.



Hinatid ako ni Jino sa Classroom ko at nagpaalam agad ako sa kanya ng dumating na ako sa room namin. Napaisip ako na kung gusto ko mahuli ang kumuha ng picture sa akin then isa lang ang may alam kung sino yun at walang iba kundi ang tumulong sa akin kahapon pero paano ko malalaman kung sino siya?



"Sandra! Pinapapapunta ka sa guidance office." Sabi ng kaklase ko at pumunta naman ako sa guidance office.

Mr. Bully's Heart (It's Not Love, It's a joke MR.PLAYBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon