Chapter I
Korosu HighAuriel
“Mistress, nandito na po tayo.”
Bahagya kong ikinagulat ang biglaang pagsasalita ni Manong Danny. Nagising ako n'yon sa pag-iisip.
Nang silipin ko mula sa bintana ang lugar na tinutukoy ng matanda, isang napakataas na bakod na gawa sa konkreto ang bumungad sa 'kin. Its entirety, covered with moss, and vegetation. Long thick vines are hugging and crawling on the old wall's battered surface. It was such an uncanny sight.
Nakadagdag ang nakikita ko sa kuryosidad na kanina ko pa nararamdaman. Bago kasi namin narating ang lugar, masukal na kagubatan muna ang sumalubong sa 'min.
Saglit lang ay nilapitan kami ng isang unipormadong lalaki. “Registration form.” Mukha 'tong sundalo dahil sa suot habang nakasukbit sa balikat nito ang isang riple.
Marahan kong ibinaba ang bintanang salamin at iniabot ang hinihingi nito. Nang masigurado ang mga impormasyon sa kapirasong papel, agad nito 'yong ibinalik nang walang sinasabi saka sinenyasan ang kasama sa loob para buksan ang gate na pihadong mabigat dahil yari sa makapal na bakal.
Mabilis na pinaandar ni Manong Danny ang sasakyan at sa pagpasok, bukod sa mga nagkalat na unipormadong mga lalaki, gubat na naman ang nakaabang sa 'min.
“May alam po ba kayo tungkol sa ideyang 'to ng mga magulang ko?” 'Di ko napigilang tanong bago ako sulyapan ng matandang driver mula sa rear view mirror. “Balak ba nila akong pag-aralin sa isang military school?”
Muntik pa 'tong matawa sa tanong ko. “Naku Mistress, wala ho silang naikuwento sa 'kin. Ang alam ko lang ho ay gusto nilang ihatid ko kayo rito,” nakangiti niyang sagot habang sa daan lang nakatuon ang atensyon.
Sampung taon nang nagmamaneho si Manong Danny para sa pamilya namin at malapit siya sa mga magulang ko kaya ang akala ko'y may nabanggit ang mga 'to sa kanya.
Baffled, I gave my attention back to the forest along the path. Hindi malinaw ang ibinigay na paliwanag ng mga magulang ko tungkol sa eskuwelahang gusto nila para sa 'kin. All they've mentioned is, I'll be staying there until I graduate. A decision I didn't contradict. Ni minsan, wala pa 'kong sinuway sa kahit anong kagustuhan nila.
Halos nasa kinse minutos ang byinahe namin mula sa mataas na bakod hanggang sa mismong gate ng eskuwelahan. Ang arko kung nasaan ang pangalan n'yon ay napupuluputan ng mga baging kaya hindi ko man lang nasilip. Agad akong ibinaba ni Manong Danny. Saka 'to dumiretso sa dorm para ihatid ang mga gamit niya.
Tahimik kong sinumulan ang paglalakad habang pinipilit unawain ang desisyon ng mga magulang ko. As I stride, the students loitering about were very noticeable.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017