Chapter XXXII
A ThreatCanary
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga trabahador na nagpapasok ng mga gamit at materyales sa loob ng gymnasium. Ang nagdaang madugong gabi ay pihadong mabubura agad sa isip ng mga estudyante dahil sa inihahanda ng student council para sa pag-uumpisa ng Kill Break kinabukasan.
Namataan ko ang captain na minamandohan ang mga gumagawa ng stalls, pati na ang mga nagsasaayos at nagpapaganda ng mga classroom.
“Matatapos ba 'to sa oras?” Boses ni Yasmin na nakatayo na pala ilang dipa mula sa 'kin.
“Probably?” Katabi nito si Stephan na walang sawa sa pag-ngisi.
“They will. K-High hired more than a hundred personnels to finish everything in time,” singit ni Xander na kasama rin pala nila. “And will add more whenever necessary.”
“And whose idea is this?”
Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng kanina pa yata nakatayo sa gilid na ngayon lang namin napansin.
May sa ahas talaga ang Eunice na 'to.
Walang sumagot, sa halip ibinaling ng lahat ang paningin nila sa papalapit na student council president.
“Mr. De Silva, take charge of the people here in the gym and in the theatre,” utos ng kadarating lang kasabay nang pag-aabot ng ilang papel sa bisi presidente na agad din namang kinuha ng huli. “Ms. Balmaceda,” baling na nito sa tinutukoy. “Asikasuhin mo ang mga taong naglilinis at naghahanda ng mga classroom mula sa first floor at second floor ng bawat wing. Also, check the boutiques and restaurants that'll open tomorrow. Feel free to add or reduce their number in your own volition.”
Nagniningning ang mga matang tinanggap ni Yasmin ang mga papel.
“Lastly, Mr. Sebastian, check the amusement rides in the open field and the preparations in the swimming pool. Make sure everything is in good shape and functional.”
Walang reklamong kinuha lang din ni Stephan ang mga papel. “Roger that.”
“Wow! K-High is going to be an amusement park for a week?” excited na singit ni Eunice. “Kudos to the student council. Hindi na magiging boring ang Kill Break.”
Ipinagwalang bahala ng captain ang narinig na papuri at naglakad na palayo.
“I'll make sure to add boutiques with designer clothes, shoes, and bags. Ito ang pinakanagustuhan kong trabahong ibinigay niya,” daldal ni Yasmin kay Stephan habang papaalis sila.
Si Xander ay tumungo na rin sa
unahan ng gym at ginawa ang iniuutos ng presidente.“Sa'n ka pupunta, Ms. Stalker manager?”
Hindi na 'ko nag-abalang lingunin pa ang babaeng ahas na mag-isang naiwan sa puwesto nito.
Kagaya ng inaasahan ko na, nadatnan ko ang captain na nagbabasa sa library. Solo niya ang buong aklatan. Halos lahat kasi ng estudyante, nagpapahinga dahil nga sa katatapos lang na Kill Off. Buong gabing nanatili ro'n ang captain.
Mabilis na lumipas ang isang araw. Kinaumagahan, opisyal na nagsimula ang Kill Break. Lahat ng estudyante, masayang nag-gala at nag-ikot sa campus nang walang kahit anong inaalala.
“Ngayon ko na lang uli magagamit ang credit card ko!”
“Prada, Chanel, Versace, are my favorite brands. What's yours?”
Narinig kong usapan ng ilan sa pasilyo na nagpaalala sa 'kin na puro nga pala galing sa may sinabing pamilya ang mga nag-aaral sa K-High.
Sa kabila ng mga nakahandang aktibidad, ingay at mga tawanan sa paligid, hindi ako naging gano'n kainteresado sa Kill Break. Nasa iisang tao lang ang interes ko at alam kong hindi ko siya makikita sa gitna ng kasiyahan. Wala sa personalidad niya ang makigulo sa mga ganitong okasyon.
Tinungo ko ang library. Naabutan ko uli ang presidente ro'n. Binabasa pa rin niya ang mga makakapal na libro tungkol sa lason at halamang gamot. Gano'n lang uli ang ginawa niya buong magdamag.
Muling dumaan ang ilan pang araw. Tuloy lang sa pagpapakasaya ang karamihan habang ang presidente, tuloy lang din sa pagpapabalik-balik sa library, sa greenhouse at sa dorm clinic.
Anim na araw na ang nakalilipas mula nang huli naming nakitang gising si Auriel. Pang-anim na araw ko na ring sinusundan lang ang bawat kilos ng captain.
Gaya nang mga naunang araw, sumilip ako sa aklatan. Wala ang presidente. Napahinto ako sa gagawing paghakbang nang magkasalubong kami ng tingin ni Yasmin na akmang papasok sa restroom.
Yasmin
Matapos saglit na magtama ang mga mata namin ng territory manager ng Hell's Scythe, nag-iwas lang ako ng tingin at tumuloy sa restroom. Dumiretso ako sa harap ng salamin at nag-ayos. Sinipat ko ang red sleeveless dress ko na inihanda ko talaga para sa Kill Break.
Pagkatapos ayusin ang sarili, pumasok ako sa cubicle na inabot lang ng ilang minuto. Paglabas, inis na napatitig na lang ako sa salamin.
“Bloodlust will be mine.” Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang. “Don't glare at me,” natatawa nitong awat sa 'kin. “Binasa ko lang kung ano ang nakasulat.” Kibit-balikat 'tong dumaan sa likuran ko papunta sa isang cubicle.
“Bloodlust will be mine.”
Tumikwas ang kilay ko dahil sa dumating na nagbasa rin ng nakasulat sa salamin.
The two read the threat like it's just some billboard advertisement. They're the one's I often see together with Auriel Fortalejo.
Nasa'n na nga ba ang babaeng 'yon? Namatay na ba nang tuluyan?
Kinapa at sinuri ko ang mga letrang nasa salamin. Hindi ako pwedeng magkamali, lipstick ang ginamit na panulat. Nang mailapit ko 'yon sa ilong ko, nasamyo ko agad ang pamilyar na amoy. Chanel.
“Ms. Stalker manager, is that you?” sigaw ni Eunice Ferrer mula sa kinalalagyan na naunang pumasok kanina.
“Mas mukha kang stalker,” sagot naman ng kanang kamay ng presidente bago isinara ang pinto ng cubicle. “Kung nasa'n ako, nando'n ka rin.”
Isa ba sa kanila ang nagsulat o nagkataon lang na nandito sila?
I may not be certain if they're involve, one thing is for sure, someone's really after my faction.
Naunang umalis si Canary Salazar. Walang lingon-lingong nilisan nito ang restroom. Saka lumabas sa cubicle ang naiwang Hell's Scythe.
“I expect that what you told me during Kill Off is true,” anas ko.
Ngiti lang ang itinugon sa 'kin ng kinakausap na nakasandal sa dulong cubicle. Her personality somewhat resemble Stephan's which creeps me out. Tama na sana ang isang Stephan lang sa buhay ko.
Ibinalik ko ang mga mata sa salamin at muling ininspeksyon ang suot ko bago 'yon itinutok uli sa nakasulat do'n. Wala akong balak sirain ang araw ko dahil lang sa written threat na nasa harap ko. Idinikit ko ang dulo ng daliri sa isa sa mga letra saka 'yon inilapat sa labi ko para kapalan ang sarili kong lipstick.
I'll show my dress to Stephan. Sana lang, 'wag niyang punitin mamaya.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017