Chapter XLVI
Death Threats are my
Love LettersEunice
Ang sarap pagmasdan ng mukha ni Janina. Bakas na bakas ang takot niya habang walang patid sa pagsigaw ang mga ka-faction niya tungkol sa magiging bagong Bloodlust.
My new favorite girl is such a cutie!
“Captain,” tawag sa 'kin ng isa na nakapagpatigil sa hiyawan. Isinenyas nito ang bintana.
Awtomatikong kumurba ang mga labi ko nang masilip kung sino ang naghihintay sa 'kin sa labas, sa gitna ng napakalakas na pagbuhos ng ulan.
Dumampot ako ng payong sa istante at tinungo ang gwapong bisita ko sa labas. Him, standing just a few centimeters outside the line that separates Bloodlust's territory from the campus made me giggle.
Dire-diretso akong naglakad palapit sa kanya. “To what do I owe the pleasure, Mr. Sergeant at arms?” Sinadya kong tumapak sa labas ng nasasakupan ng Bloodlust.
Isang patalim agad ang mabilis na lumipad sa direksyon ko na akin lang ding sinalo.
“Ang init naman yata ng ulo mo kahit ang lamig-lamig?”
Hindi siya sumagot. Iglap niyang inagaw sa 'kin ang ibinatong patalim at walang tigil na iniunday 'yon. “I'll send you to where Yasmin is!”
Napangiti na lang ako habang iniiwasan ang tuloy-tuloy niyang pagwasiwas sa hawak. Stephan is really one of the strongest. Lalo pa at iba ang aura niya ngayon. Seryoso ang eskpresyon at pulido ang bawat galaw. The way he glares at me with murderous eyes makes my whole body tingle!
Hawak ang payong, sumayaw kami sa ilalim ng ulan. It felt so romantic; dancing in the rain with death.
“Literally, I killed her, but Auriel made Yasmin an easy target,” bulong ko sa tenga niya nang makalapit pagkatapos bahagyang itulak ang kamay niyang may patalim gamit ang hawakan ng payong. “Hindi naman mamamatay si Yasmin kung hindi siya naging pabaya dahil kay Auriel. Auriel led her to death.”
Natahimik siya pero patuloy lang sa pagtitig sa 'kin nang masama.
“I love your eyes, Mr. Sergeant at arms. Nakakasindak tumingin ang mga mata mo.” Pasimple ko siyang isinilong sa 'king payong. “I'll share a little secret.” Inilapit ko uli ang mga labi ko sa tenga niya at ibinulong ang isang sikretong hindi naman sa 'kin.
Sandali siyang nagulat pero bumalik din agad ang nakakamatay niyang ekspresyon. “After I'm done with them, rest assured that you'll be next!”
Nakaramdam ako ng kilig. Gumapang 'yon sa buong katawan ko. Gusto ko talaga ang sensasyong hatid ng isang lalaking seryoso sa pananakot.
“Your death threat is like a love letter, how sweet.”
“The love letter that you'll deliver to Yasmin in the afterlife!” dagdag niya na na mababakasan pa rin ng galit.
Hindi ko napigil ang matawa. “Balak mo palang gawin akong mensahera.” Pagkatapos ng sinabi, ibinaling ko ang paningin sa 'di kalayuang puno. “How about you, Mr. Vice President? Do you also want me to send a message to Ms. Secretary for you?”
Xander
Nang marinig ang sinabi ni Eunice Ferrer, lumabas na 'ko sa likod ng sinasandalang puno.
Kitang-kita sa mga mata ni Stephan ang galit para sa kaharap. Nakakahinayang na hindi ko narinig ang ibinulong sa kanya nito kanina dahil sa lakas ng ulan.
“I hope you won't end up like Yasmin,” mahina kong anas kay Stephan na dinaanan lang ako.
“So, what can I do for you, Mr. Vice President?” usisa ni Eunice.
“You have to sign some papers.” Itinaas ko ang dalang case na may lamang mga dokumento. “Or would you rather talk to the President?”
Humagikgik siya. “Of course not. I'd love to talk to the guy that I last danced with.” Humakbang na siya papasok ng dormitoryo na sinundan ko.
Sa loob, nagkalat sa dorm hall ang mga miyembro ng Bloodlust. Tahimik sila pero ramdam ko ang pagsunod ng kanilang mga tingin.
“Is the clinic good enough or would you prefer my room?” tanong ni Eunice nang pagbuksan ako ng pinto ng dorm clinic. There was a hint of mischievousness.
Mabilis akong pumasok sa loob.
“This is good enough,” sagot ko bago naupo.Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Sinasadya niya ang panunudyo. She then, took a stool and sat beside the table. Inilabas ko ang mga papel at ipinaliwanag sa kanya ang nakasaad sa lahat ng mga dokumento na sigurado akong naintindihan niya naman kahit puro ngiti at tango lang ang isinagot niya.
“Wala akong ballpen,” nakangiti niyang putol sa sariling pagbabasa.
Iniabot ko na lang ang ballpen ko na galing sa bulsa. There were a number of pens sitting in the pen holder right beside the desktop bookshelf on that same table which I know she's aware of, but chose to pretend she can't see them.
She's really fond of teasing people.
“Salamat, Mr. Vice President.” Sinimulan niyang pirmahan ang mga papel na magpapatunay na siya na ang bagong captain ng Bloodlust. “This one, I won't sign.”
Nangunot ang noo ko nang makita kung aling papel ang itinaas niya. “So, you're refusing to be a part of the student council?”
“I'm not refusing. I just don't want to be the secretary. May karapatan naman akong tumanggi, 'di ba?”
“Well, yes. Being a faction captain doesn't necessarily mean you have to be in the student council,” paliwanag ko habang isinasalansan ang mga papel.
“But, I do want to be in the student council,” makahulugan niyang dugtong na nakapagpakunot na naman ng noo ko.
“Can you be more clear?”
“I want to be the student council president,” walang takot niyang pahayag.
Saglit kaming nagtitigan bago ako nagsalita uli. “I'm willing to compete with you for that same position.”
“Now, that's more exciting.” She sound pleased that there's competition.
Sa pinto agad ako dumiretso pagkatapos ipunin at ibalik sa dala kong case ang lahat ng papel. Pinihit ko ang seradura bago siya sinulyapan. “Ipararating ko sa presidente ang naging sagot mo.”
“Mr. Vice President, why are you such a mystery?” pahabol niyang tanong na pumigil sa paglabas ko na sana. Amusement was in here eyes.
“It wouldn't be a mystery anymore if I tell you, won't it? By the way, congratulations on becoming Bloodlust's new captain,” huli kong sinabi bago isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017