LXX: The Calm Before The Storm

73.1K 2.4K 145
                                    

Auriel



NAGSIMULA at nagdaan ang ilan sa mga klase ko nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko walang pwedeng makasira ng araw ko ngayon.




“You look like someone on drugs,” puna ni Stephan na bigla na lang sumulpot at sumabay sa 'kin sa paglalakad.



“May nangyari siguro sa kanyang maganda kagabi,” makahulugang sabi ni Canary na dinaanan lang kami at naunang pumasok sa opisina dala ang ilang kahon at mga sobre.



“Seriously—”



Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni Stephan dahil nagmadali na 'kong sundan si Canary sa loob. Napahinto ako sa mismong pinto nang mahuli ng mga mata ko na may ibinulsang maliit na kahon si Luciel mula sa mga bitbit ni Canary kanina na nakatambak na sa mesa.




“Was that a ring, Pres?” gulat na tanong ni Stephan na naunahan pa 'kong makapasok at nakakita rin sa ginawa ni Luciel.




Parehong sinusuri nina Xander at Canary ang mga sulat at iba pang package ng mga estudyante pero ang huli lang ang nakitaan ko ng interes na marinig ang sagot.



“Fish extract for a certain experiment,” ani Luciel.



“Science. I like that subject specially Chemistry.”



Hindi ko alam kung bakit pero parang seryoso ang dating sa 'kin ng simpleng sinabi na 'yon ni Stephan.



“Looks like we can agree on one thing, Mr. Sebastian,” nakangising tugon ni Luciel.



Matapos mag-usap ng dalawa, wala ng masyadong nagsalita sa loob ng silid hanggang sa tumayo na ko at nagpaalam kay Luciel dahil may susunod pa 'kong klase. Nagpaalam din ako sa iba na matipid na tugon lang ang iginanti. Puro sila abala sa mga bagay na nasa harapan nila. Pati si Stephan na madalas wala sa opisina noon ay palagi ko nang nakikita sa loob at tahimik na tumutulong kay Canary.




Pagdating ko sa classroom, dumating din agad ang guro at sinimulan ang klase. Pinilit kong ituon ang konsentrasyon sa leksyon pero palaging nababalik ang isip ko sa kahon. Naglalakad na 'ko sa pasilyo pabalik ng opisina ay 'yon pa rin ang laman ng isip ko. Hindi ko rin alam kung bakit.




Natigil lang ako sa pag-iisip nang may tatlong mabilis na dumaan sa harap ko. Napahinto ako nang mapansin na miyembro sila ng Mercenaries. Parang kidlat na dumaan din ang mga miyembro naman ng Day Watchers pahabol sa mga nauna. Nakitakbo na ako kasama nila hanggang sa ang mga hinahabol namin ay dumiretso papasok ng Forest Park. Walang hesitasyong sumuong kami sa kasukalan. Sa bilang naming dalawampu mataas ang tyansa na mahuli namin ang mga hinahabol.




Dahil masyadong natuon ang isip ko sa paghahanap, hindi ko na namalayan na nahiwalay na 'ko sa iba. Inikot ko ang mga mata sa paligid. Saka ko lang namalayan na narating ko na ang dulo ng Forest Park. Napalingon ako sa bumubukas na pintuan ng purgatoryo dahil na rin sa ingay na nilikha ng bakal na pinto.




“Stephan, ano'ng ginagawa mo d'yan?” tanong ko sa kanya na nakatayo na sa labas ng bukas na pintuan.




“Shit!” gulat niyang naisigaw. “You almost gave me a heart attack.”


Hindi ako nagsalita kaya napilitan siyang sagutin ang tanong ko.


“I'm cleaning all the mess I made inside before.” Saka lang ako napatingin sa basahang hawak niya na pulang-pula marahil dahil sa dugo. “Matagal na hindi magagamit ang lugar na 'to.”


“Kailangan mo ng tulong?”


“No, I can handle this.” Itinaas niya ang isang pang lampaso at timba na nasa tabi niya. “Ako ang nagkalat, ako ang dapat maglinis.”


“Kapag kailangan mo ng tulong nasa opisina lang ako.”



Ginantihan niya ang pagkaway ko bago naglakad pabalik sa loob ng purgatoryo. Hindi ko na siya tinanong pa tungkol sa Mercenaries dahil tiyak na hindi niya nakita ang mga 'yon.



Hindi ko masabi kung nahuli ba ng Strike Corps ang tatlo. Pagkalabas ko kasi sa gubat ay wala akong naabutang kahit sino. Itinuloy ko na lang ang paglalakad patungo sa opisina ng student council. Imbes na pihitin ang seradura pabukas ay idinikit ko ang tenga sa pinto. Narinig ko kasi ang mahinang boses ni Xander.



“Tonight at ten, we'll meet Stephan,” maikling pahayag ni Xander na alam ko na kung ano ang tinutukoy.




Pumasok ako sa opisina pagkatapos ng ilang minuto at nagpanggap na walang narinig.



Lumipas ang oras hanggang sa dumating ang gabi. Bago matulog ay nag-usap uli kami ni Luciel tungkol sa kung anu-ano. Hindi ko binanggit sa kanya na may alam ako dahil siguradong hindi niya 'ko papayagang sumama sa kanila.




Habang nakahiga at nagpapanggap na tulog, narinig ko ang mahinang yabag at ang marahang pagbukas ng pinto hanggang sa 'yon ay nagsara. Kahit madilim, malinaw kong nakita ang oras. Kinse minutos bago sumapit ang alas diyes. Sigurado akong pupuntahan muna ni Luciel si Xander bago sila lumabas ng dorm.




Mabilis akong bumangon. Sinilip ko muna ang labas bago ako tumakbo papunta sa kuwarto ni Canary. Balak ko sanang sabihin sa kanya ang nalaman pero nabigo ako nang katukin siya at walang nakuhang sagot. Baka kasama 'tong rumoronda ng mga Night Watchers lalo na't kabilang si Eunice sa grupong nakatalaga ngayong gabi.




Wala akong pagpipilian kaya mag-isa ko na lang na inabangan sina Luciel sa labas ng dorm. Minuto lang ay nakita ko na silang naglalakad papunta sa West Wing kung saan sinalubong sila ni Stephan.




“Ready?” nakangising tanong nito sa kanila.




“Ready as a pig about to be slaughtered,” sagot ni Xander.




“Is that suppose to be a joke, Xan? Hindi ako natawa.”




“Goes to show that we have the same sense of humor.”



Humalakhak bilang tugon si Stephan habang naglalakad na sila patungo sa hagdan paakyat.



Ingat na ingat ako sa bawat kilos. Wala akong balak magpahuli. Halos pati paghinga ko ay pinipigil kong marinig nila. Hindi biro ang patagong sundan ang mga kagaya nilang matalas ang pandinig at pandama.



Gusto ko ring malaman ang mga impormayong pwedeng makatulong sa 'min para matukoy kung sinu-sino ang mga Mercenaries.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon