Chapter XXI
The Secretary's Trump CardYasmin
“Hindi ka ba makikialam? Sinabi ko naman na sa 'yo kung sino ang nakakita sa 'tin,” diretsahan kong tanong kay Stephan.
“Wala 'kong balak pakialaman ka,” sagot niya nang nakapikit pa rin. “I know you can handle things on your own.”
Just as how it has always been, Stephan empowered me with his simple words and his trust in my capabilities. Hindi niya gustong ipinararamdam sa 'kin na wala akong kayang gawin.
“Tungkol naman sa Tagahatol, pinag-iinit niya ang ulo ko. Nabawasan na naman ang Bloodlust dahil sa—” Napahinto ako sa sasabihin pa dahil sa biglang paghalik sa 'kin ni Stephan.
“Sshh, curse only when you moan,” saway niya pa. “Ako na ang bahala sa Tagahatol.”
Alam kong kaya niyang tuparin ang sinabi pero hindi ko kayang pigilin ang sarili. I want to personally catch the idiot who's messing with my faction.
“Dapat yata mas matagal kitang halikan para mabura 'yang nakakatakot na ekspresyon sa mukha mo,” he added laughing.
Sinimangutan ko siya bago ako nagpasyang tumayo na. “Tara na, masyado na tayong matagal na wala sa opisina. Baka hanapin tayo ng demonyong bantay.”
Nauna na 'ko kay Stephan at binuksan ang pintuan ng fire exit. Naramdaman ko na lang ang pagsunod niya sa 'kin. Saglit lang, nakabalik na kami sa student council office. Naabutan na rin namin do'n ang vice president.
“Hindi ko man lang natulungan si Dianne,” walang anu-ano'y halos pabulong na sabi ni Auriel pero sapat para marinig namin. “Alam ko rin na lumabag si Brenda.”
Ito pala ang isusunod ng Tagahatol kung nagkataon. Mabuti sana kung gano'n nga ang mangyayari. Ibinaling ko ang tingin sa student council president.
“Damn it, Auriel! Bakit ngayon mo lang sinabi?!”
It was the first time I heard the president call anyone by first name. Natulala naman sa naging reaksyon ng presidente ang babaeng may sa-pusa bago siya hinatak ng una patayo.
“Miss Balmaceda, gather everyone in the gym. May klase man o wala!” utos pa nito sa 'kin bago sila magkahawak kamay na lumabas ng opisina.
Walang tanong na tumayo sina Xander at Stephan para sumunod sa gym. Mag-isa ko namang tinungo ang broadcasting room na nasa ikaapat na palapag ng main building.
“Classes are suspended starting now till tonight. Everyone, assemble in the gym within five minutes. Order from the student council president,” anunsiyo ko sa mikropono.
Mula sa kuwartong 'yon, dinig ko ang nagtatakbuhan at nagkakagulong mga estudyanteng palabas ng mga classroom. Bawal ang mabagal kapag presidente na ang nag-utos. They have to be in the gym within the given time or there will be consequences.
Mabilis na naipon ang lahat. Pati mga guro ay kompleto. Iglap lang, napuno ng ingay ang kabuuan ng gym. Dumiretso ako sa entablado papunta sa upuang nakalaan para sa student council. Umarko na lang ang kilay ko nang makitang naro'n din si Auriel kasama namin.
“Kailan ka pa naging miyembro ng student council?” sarkastiko kong tanong na hindi naman nito pinansin.
“Listen up! To whoever you are that's boldly disrespecting the authority of the student council, make sure you are ready,” pukaw ng presidente sa harap na agad nagpatahimik sa ingay at nagparamdam ng takot. Halata 'yon sa mata ng mga estudyanteng halos hindi na makatingin ng diretso sa kanya. “You may have started this, but it's me who's going to finish it!” Iyon lang at muli nitong kinaladkad pababa ng stage si Auriel na parang panlampaso.
“Narinig mo 'yon, Tagahatol?” dagdag ni Stephan na agad lumapit sa mikropono. “Better change your alias,” humahalakhak pa niyang babala.
Sinundan ko ng tingin ang dalawang papalayo. The president is too obvious. He doesn't know how to hide he cares about the silly girl who caught his attention.
I now have a trump card against him. It'll be a fair fight.
“Hindi na 'ko umaasang may makikita pa tayo,” sabi ni Stephan bago humikab.
I silently agreed. Pagkatapos kasi ng sinabi ng presidente kanina, siguradong hindi na mangangahas magparamdam ang Tagahatol.
“Though pointless, we still need to look around.”
“Is that your sense of duty talking, Yas?” natatawang anas ng katabi ko.
“No, this is my selfishness talking.”
Lalong napahalakhak si Stephan sa naging sagot ko.
Chances might be low, pero baka sakaling may pagkatanga ang Tagahatol at muli pang magpakita.
Sa gitna nang paglalakad, sabay kaming napahinto ng ilang segundo bago ako mabilis na napatakbo pasuong sa madilim na pasilyo sa harap. Nasilip ko pa ang seryosong ekspresyon ni Stephan bago 'to mabilis tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin. Iikutan niya at aabangan sa kabilang dulo ang aninong kasalukuyan ko nang hinahabol na dahil sa dilim ay hindi ko mabistahan kung lalaki ba o babae.
Nang matanaw si Stephan na matuling papasalubong sa 'min, napahinto ang anino. Sinamantala ko ang pagkakataon at inihagis ang patalim ko papunta sa kanya. Saglit naman nito akong sinulyapan bago umilag at walang hesitasyong tumalon mula sa corridor patawid sa isang mataas na puno sa tapat ng palapag. Iglap lang, nakababa 'to at gumugulong sa damuhan na naglaho papasok sa Forest Park.
“May ninja pala sa K-High?” Normal na talaga kay Stephan ang haluan ng biro ang mga sinasabi. “Pero hindi tayo sigurado kung ang Tagahatol nga ba 'yon o hindi,” giit niya.
“That could be just some random student.”
“Not really just some random student.” Nakangisi na si Stephan nang lingunin ko. “But a student in the kill ranking.”
He could be right.
Lalakad na sana kami paalis kundi lang parehong natigilan nang mapansin ang isang silweta galing sa unang palapag. Huminto 'yon malapit sa lugar kung saan nilamon ng dilim ang pinaghihinalaan naming Tagahatol.
“Akala ko ba tayo lang ang mag-iikot ngayong gabi? Bakit nandito ang presidente?” tanong ni Stephan na siya ring unang pumasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mistero / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017