XXXV: Kill Break

85.7K 3.1K 151
                                    

Chapter XXXV
Kill Break


Auriel




Nang makarating sa hagdan papunta sa third floor ng dorm,  sumilip muna ako bago sinenyasan ang presidenteng naiiling na sumunod sa 'kin pababa. May nadaanan kaming mangilan-ngilang ka-faction sa ibang floor pero hindi kami nahirapang lumabas nang walang nakakahalata kung sino siya.



Habang naglalakad, titig na titig ako sa hawak na leaflet ng lahat ng events habang iniisip kung alin sa mga 'yon ang magandang unahin. Hindi ko mahingan ng opinyon ang presidente dahil parang wala naman siyang pakialam sa nangyayari.



Tatlong minuto na kaming nasa harap lang ng entrance ng west wing bago walang sabi-sabi niya 'kong hinila.


“T-teka, sa'n tayo pupunta?”


“Mauubos ang oras mo sa katatayo lang. Sumunod ka na lang sa 'kin.”



Dahil sa totoo naman ang sinabi niya, nagpahila na lang ako hanggang sa narating namin ang theatre ng campus. Hindi ko naitago ang tuwa nang malamang ginawa pala nilang sinehan ang tatlong malalaking teatro ng eskuwelahan. Parang wala tuloy ako sa K-High.



Foreign fantasy film, local romance film at asian horror film, ang nasa poster sa gilid na naka-schedule ipalabas mayamaya at mag papaulit-ulit hanggang ala sais.




“Bumili muna tayo ng pagkain,” yaya ko sa presidenteng tahimik lang nang makita ko ang foodstand sa tabi ng ticket booth.



Pagkatapos umorder ng sandwiches, popcorn at sodas para sa 'ming dalawa, pabunot na sana ako sa bulsa nang abutan niya agad ng pera. Tinanggap ko na lang muna 'yon at ipinambayad.



“Babayaran kita.” Akmang itutuloy ko na ang pagdukot sa wallet ko pero pinigil niya ang kamay ko, kinuha ang ilan sa mga binili ko at hinila ako malapit sa ticket booth.



“Choose a movie,” utos niya.



“Sa horror tayo. Dito ka na lang, ako na ang pipila.” Nakita ko pa ang pagkagulat niya sa napili kong panoorin bago ako dali-daling nagpunta sa dulo ng linya.



Hindi na siya nagsalita at ipinagpatuloy na lang ang kanina niya pang pananahimik.



Pagbalik ko, nakangiti kong ipinakita sa kanya ang dalawang ticket na ako naman ang nagbayad. “Wala na 'kong utang sa 'yo.”



Inignora niya ang sinabi ko at walang paalam na kinuha ang palad ko at inilagay ro'n ang perang kanina pa yata nakahanda sa kamay niya. “I'll treat you today, Auriel.” Hinila niya na naman ako pero papasok na sa teatro kaya hindi na 'ko nakasagot pa.



Saktong pagpasok namin, namatay ang ilaw. Ang malaking screen na sadyang ikinabit para lang sa pagdaraos ng Kill Break ang pinanggagalingan na lang ng liwanag. Para talaga kaming nasa sinehan. Dahil sa dilim hindi ko namalayan ang baitang na natapakan ko na pala. Mapapaupo na sana ako sa hagdan kundi lang sa mabilis na pag-alalay sa 'kin ng presidente.




“Tumingin ka sa dinaraanan mo,” paalala niya bago ako hawak kamay na hinatak paakyat hanggang sa dalawang bakanteng upuan. Halatang sanay na agad sa dilim ang mga mata niya.




Mula umpisa hanggang sa natapos ang pelikula, walang salita ang lumabas sa bibig niya. Panaka-naka ko siyang sinisilip habang nanonood. Palagi lang na walang reaksyong nakatutok ang mga mata niya sa screen.



“Baka mas gusto mong nasa dorm ka lang? tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. “Hindi na kita pipiliting—”



“Do you think I'm the type who can be forced to do things that I don't want to do, Auriel?” putol niya. “I gave you permission.”



Gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. “Mag-ikot naman tayo.” Dumiretso ako sa mag boutique na natanaw.



Sinimulan namin sa east wing na puno ng estudyante dahil sa dami ng pabalik-balik sa mga shop.




“Parang puro branded stores lang ang naririto,” puna ko pagkatapos madaanan ang ilang clothing, shoes at bag stores. Napansin ko rin ang dalawang costume stores sa second floor.




“Ask Ms. Balmaceda about that,” tipid na sagot ng presidente na kung hindi magsasalita ay hindi ko mararamdaman na kasama ko.



“Kaninong ideya ba ang mga activities sa Kill Break?”



Hindi siya sumagot. Bahagyang bumilis ang paghakbang niya na para bang iniiwasan ang tanong ko. Sinubukan ko siyang sabayan pero napahinto ako nang  mabangga ang isang lalaking tadtad ng hikaw ang tenga.  Bigla na lang kasi 'tong huminto sa daraanan ko.



“Sorry, hindi ko sinasadya.” Pinili kong humingi na lang ng paumanhin kahit hindi ko naman talaga kasalanan.



Pinandilatan ako nito ng mata. “Nakasalamin ka na pero bulag ka pa rin!” Akmang itutulak ako nito pero may mabilis na humila sa braso niya at binaluktot 'yon papunta sa likod.




“Paharang-harang ka kasi sa daan.” Malakas na itinulak ng presidente ang lalaki na saka niya lang din binitiwan ang braso. Sinalo naman 'to ng iba pa nitong kasama.




“Gago ka ha!” sigaw ng isa sa kanila na tumawag sa pansin ng ilan sa paligid.




May isa namang bumulong sa lalaking itinulak ng presidente bago nito kami hinarap at dinuro. “Pagkatapos ng Kill Break!” pananakot nito saka sila naglaho sa pagitan ng mga estudyanteng nagsisimula nang palibutan ang eksena.



Walang ginawa o sinabi ang presidente pero nakaramdam ako ng panlalamig habang nakatingin sa walang ekspresyon niyang mukha.






Alas-singko na ng hapon nang maisipan naming maglakad na pabalik sa dorm. Puno ng panghihinayang kong pinasadahan ng tingin ang fliers ng events noong mga nakaraang araw. Binuksan ang swimming pool at nagtayo rin ng mga amusement rides na ngayong araw ay wala na. Hindi ko man lang nasulit ang Kill Break.




“Prepare your costume for the party,” biglang sabi ng presidente na ikinagulat ko. Tiningnan ko siya nang may halong pagtataka. “Here.” Binaliktad niya ang hawak kong leaflet para sa events ngayong araw at itinuro ang huling event mamayang gabi.


Kill Break Finale: Costume Party at 7 pm till midnight.



Nanlaki ang mata ko matapos basahin ang naka-print.




“See you by the gym tonight, Auriel. Hihiramin ko muna 'to,” tukoy niya sa salaming suot bago siya nawala papasok sa west wing.






K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon