XXIV: VIP Treatment

96.7K 3.7K 1.1K
                                    

Chapter XXIV
VIP Treatment


Canary




Ano'ng nangyari? Pinatay ba 'yan ng presidente?”


“Bubuhatin ba 'yan kung patay na?”


“Sana all binubuhat ng student council president.”


Nakadagdag sa inis na nararamdaman ko ang bulungan ng mga estudyanteng nakakasaksi sa parehong eksenang nasa harap ko ngayon: seryoso at walang reaksyong mababanaag sa mukha ng captain habang maingat na buhat si Auriel na walang malay sa hindi malamang dahilan.


Hindi ko magawang iwan sila kaya sumunod ako hanggang dormitoryo. Nakalampas na kami sa palapag kung nasaan ang kuwarto ni Auriel ay tuloy pa rin sa paglalakad ang presidente.


“C-Captain, saan n'yo siya dadalhin?” lakas loob kong tanong nang akmang hahakbang na paakyat sa huling palapag ang lalaki.


“Sa'n sa tingin mo, Ms. Salazar?” sagot nitong hindi man lang ako binalingan ng tingin. “She's burning with fever and needs constant attention.”


“B-bakit hindi na lang sa dorm clinic n'yo siya dalhin, captain?”


“Will you look after her?” Matalas na tingin na ang ibinato sa 'kin ng kausap.


Pasimple kong iniiwas ang mga mata. Abala ako sa mga susunod pang araw dahil sa mga responsibilidad ko bilang territory manager. Isa pa, hindi ko rin naman maaatim alagaan ang babaeng kinaiinisan.


“I'll assume that your answer is no.” Ipinagpatuloy na ng captain ang pag-akyat sa madilim na hagdan papunta sa fourth floor.


Wala na 'kong ibang nagawa kundi ang lisanin ang dorm para maghanap na naman ng pagbubuntunan ng inis.





Auriel




Nagising ako nang maginhawang lamig sa 'king noo sa kabila ng init na nararamdaman. Pagmulat ko, iginala ko agad sa paligid ang paningin. Para akong namalik
mata nang madatnang nakasubsob na natutulog sa gilid ng kamang hinihigaan ko ang presidente. Inabot ko siya para makumpirma kung imahinasyon ko lang ba ang nakikita. Nadama ng palad ko ang malambot niyang buhok.


Totoo siya.


“Gising ka na pala.” Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa kanyang ulo. Pero imbes na bitiwan, dinala niya 'yon sa pisngi niya saka saglit na pumikit para damhin ang init sa palad ko. “Inaapoy ka pa rin ng lagnat.” Pagmulat niya, sa 'kin na nakatuon ang mga mata niya. Pinanatili niya ang kamay ko sa pisngi niya nang ilan pang segundo bago siya bigla na lang tumayo at bumitiw.


Parang gusto kong isatinig na hawakan niya lang ang kamay ko.


Kinuha niya ang nasa noo ko at ibinabad 'yon sa basin na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. Narinig ko paggalaw ng tubig bago niya ipinatong uli sa ulo ko ang hawak na pinagmumulan ng lamig.


“Nag-alala kang baka ako ang magkasakit kahit ikaw naman pala ang sakitin.” Muli niyang hinawakan ang kamay ko na nakabawas sa nararamdaman kong sakit ng katawan. “Don't make me worry, Auriel.”


“M-may sakit ako?”


Halatang muntik siyang matawa sa sinabi ko kahit hindi ko naman binalak ang magpatawa. “I'm at fault.” Malamlam na ang mga mata niyang nakatunghay sa 'kin. “Close your eyes and go back to sleep.”


“Sige pero 'wag mo 'kong iiwan, Luciel,” hiling ko bago ipinikit uli ang pagod ko nang mga mata.


“Hindi ako aalis.” Tila may halong tuwa ang boses niya.


Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kung anong malambot na bagay sa likod ng kamay ko bago ako nakatulog.





Bigla akong napabangon dahil sa napanaginipan. Buong gabi ko raw kasama ang presidente. Nasapo ko ang ulo kung saan nakapa ko ang bimpong nakapatong pala sa noo ko. Napahiga na lang uli ako nang maisip na hindi panaginip ang nangyari kagabi. Nadoble tuloy ang init na nararamdaman ko sa katawan.


Inilibot ko ang mga mata sa 'di pamilyar na silid. Saka ko lang napansin ang pagkaing may takip sa mesa katabi ang isang tasa, pitsel at baso. May nakasingit na papel sa ilalim ng huli.


Eat before drinking your medicine. I'll check on you during lunch break.


Sulat kamay ng presidente ang mensaheng nasa papel.



Kaysa isipin kung pa'no ako napunta sa sitwasyong 'yon, inuna ko ang pagkain. Masama man ang pakiramdam, nakaya ko pa ring ubusin ang nakahanda para sa 'kin kasama na ang gamot sa tasa.


Balak ko sanang hintayin ang pagbalik ng presidente pero kusang nagsara uli ang mga mata ko.







Napamulat ako nang masilaw sa liwanag galing sa bintana. Bukod do'n, nasamyo ko ang isang pamilyar na amoy. Ayoko mang aminin pero naaamoy ko ang presidente sa malapit. Paglingon ko sa paligid, wala akong nakitang kahit sino sa loob ng kuwarto.



Nagkamali ba ang ilong ko?



Hihiga na sana uli ako nang mapansin ang puting t-shirt na suot ko. Hindi 'yon ang suot ko bago nakatulog. Muntik akong mapasigaw sa naisip. Siguradong sa presidente ang damit. Napatunayan ko 'yon nang amuyin ang neckline ng t-shirt.


Nakarinig ako ng yapak ng mga paa mula sa labas bago iniluwa ng pintuan ang hubad-barong student council president. Basa ang buhok nito na kasalukuyan niyang tinutuyo ng tuwalya. Naka shorts nga siya pero lantad na naman ang upper body niya.


“Don't stare too much.” Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya.


“A-ang hilig mong magpakita nang nakahubad sa harap ko.”


“Kung ikaw lang din naman, walang problema.” Lalong lumapad ang ngiti niya habang nakatayo sa may pintuan.


Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o ano.


Sandali akong nagdalawang-isip pero sa huli ay itinuloy ko rin ang balak itanong. “Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?”


“I did, but don't worry. I didn't see anything that will interest me. You're flat as a board.” Bahagya niyang diniinan ang salitang flat na sinabayan pa niya ng ngisi. “Parang gaya ng hany na lagi mong ibinibigay sa 'kin.”



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon