Chapter XXXIX
King's RewardAuriel
Assassination Report: Double Kill. Points to Silent Killers.Ipinagwalang-bahala ko ang narinig at itinuloy lang ang paglalakad. Dalawang linggo na mula nang natapos ang Kill Break. Balik sa normal ang lahat. Ang K-High ay hindi magiging K-High kung mawawala ang patayan.
Assassination Report: Points to Bloodlust.
Napailing na lang ako nang marinig na naman ang speaker. Pagkatapos ng isang linggong pahinga, mas naging hayok at sabik ang mga estudyante. Mas dumami ang pinapatay kada araw.
“Auriel!” tawag na nagpabaling ng atensyon ko pabalik sa pinanggalingang direksyon. “I need your help.” Humahangos papalapit sa 'kin si Kiel.
“Ano'ng problema? May humahabol ba sa 'yo?”
Ilang beses siyang mabilis na tumango bilang sagot.
Sa malayo, naulinigan ko ang mga yabag, hindi lang ng dalawa kundi ng higit yata sa sampung sapatos na gumagawa ng ingay sa makintab na sahig ng pasilyo.
Walang paalam kong hinila si Kiel at sinimulang pihitin ang lahat nang madaanan naming seradura hanggang sa bumukas ang isa. Ipinagtulakan ko siya sa loob ng bakanteng classroom bago ako pumasok din. “Magtago ka sa likod ng pinto,” suhestiyon ko na sinunod naman niya agad.
Ilang segundo lang ang lumipas, nasilip ko mula sa bintana ang mabilis na pagdaan ng isang grupo ng mga babaeng estudyante. Palingon-lingon ang mga 'to at may hinahanap.
“Baka dumiretso ro'n?” Turo ng isa na sinundan ng iba pa hanggang sa tuluyan na silang nawala.
“Ang dami yata ng gustong pumatay sa 'yo?” baling ko kay Kiel. “Sa dorm ka kaya muna?”
Nginitian niya 'ko bago walang sabi-sabing pasalampak na naupo sa sahig. “May ipapakita ako sa 'yo.” Tinapik-tapik niya ang puwesto sa tabi niya kung saan gusto niya 'kong umupo rin.
Kasabay nang pag-upo ko, ibinuhos niya ang laman ng bag. Bukod sa mga notebook at librong nalaglag, kapansin-pansin ang ilang pink na sobre at papel. Tiningnan ko siya ng makahulugan na agad naman niyang naintindihan kung para saan.
“Sige lang, basahin mo,” aniya nang nakangiti pa rin.
Dinampot ko agad ang isang sobre na may card pala sa loob. Naningkit ang mata ko nang mabasa ang nakasulat. Kumuha ako ng ilan pa at pinasadahan ang mga 'yon ng basa. “Puro love letter ang mga 'to.”
Naiintindihan ko kung para saan ang mga love letter. Marami ang nahumaling sa magandang boses ni Kiel na ipinarinig niya sa lahat no'ng Kill Break. Idagdag pa na isa siya sa mga pinakaguwapong estudyante ng K-High na buhay pa. Ang mga babaeng humahabol sa kanya kanina ay siguradong mga fans niya.
Ngumiti lang uli siya sa 'kin. “Bukod sa death threats, nakakatanggap na rin ako ng mga anonymous love letter.”
Mas na-focus ako sa una niyang sinabi. “Death threats?”
Iniabot niya sa 'kin ang isang nilamukos na papel. Mukha 'yong pinilas lang sa notebook.
Magiging akin ang puwesto mo.
“Bakit kailangan ka pa nilang takutin kung pwede ka naman nilang atakehin na lang?”
“It's a psychological tactic.” Ang ngiti sa mga labi ni Kiel ay naging nakakaloko.
Ipinaalala sa 'kin ng ngiti niya na ang kasama ko ngayon ay isa nga pala sa may hawak ng mataas na posisyon sa kill ranking.
“Fear is everyone's weakness. It can manipulate people into making the wrong moves,” pagpapatuloy niya.
Parang gaya ko kapag kinakain na ng matinding kuryosidad, nalilimutan ko ang consequences ng pagiging mausisa ko.
“Your own fear and confusion will make it easier for your enemies to bring you down.”
The senders want to instill fear in Kiel to make him vulnerable.
“Here's another one that can lead anyone to death,” dugtong niya. “Trust.”
Pakiramdam ko, may gusto siyang ipahiwatig sa sinasabi.
“A lot of people are not true. Being good is just a pretense.” Umakyat ang kilabot sa katawan ko dahil sa ngisi ni Kiel na halos katulad ng dating ng ngisi ni Stephan. “The one who saves you could also be the one to stab you in the end. Humans are indeed the most deceitful beings ever created.”
“S-si Unnie kaya, sikat na rin gaya mo?” pag-iiba ko usapan. Kinakabahan na kasi ako sa takbo ng pakikipag-usap ni Kiel.
“Close kayo?” Bumalik ang normal niyang ngiti. “Don't worry, I don't care about the rules,” dagdag niya agad. Nahalata niya yata na natigilan ako sa tanong niya. “In fact, I already consider you as a friend.”
“Talaga?” Hindi ko napigil ang tuwa. Ito ang unang pagkakataon na may nagturing sa 'kin bilang kaibigan sa loob ng K-High.
Inilahad niya ang hinliliit. “Here's the proof.”
Nakangiti kong inilahad din ang hinliliit ko.
Pinagkawit niya ang dalawang daliri namin. “We're now partners in crime.”
What he said made sense. Sa batas ng K-High mas itinuturing na krimen ang pakikipagkaibigan kaysa sa pagpatay.
Sa patuloy naming pag-uusap, nalaman kong magkababata sila ni Canary. Kaya pala gan'on na lang sila mag-usap. Nalaman ko ring tatlong taon palang si Kiel sa K-High.
“Bakit hindi ka pa umaalis dito?” hindi ko napigilang usisa.
“Nandito ang fiancée ko.”
Nanlaki ang mata ko. “F-fiancée?” pabulong kong pag-uulit.
“Sinusubukan niyang abutin ang mga pangarap niya rito at gusto kong makitang maabot niya ang mga 'yon.”
“Dito pa talaga gustong abutin ng fiancée mo ang mga pangarap niya?”
“I know she's weird.” Natawa siya. “Pero ang kabaliwan niya ang isa sa minahal ko sa kanya.” Naramdaman ko ang senseridad sa sinabi ni Kiel.
Nakakatuwang malaman na may mga gaya nila na hindi nagpapadala sa takot.
“Anyway, how are you coping with your rank?”
Nalaglag ang mga balikat ko nang banggitin niya ang tungkol sa bagay na pilit kong iniignora.
Ang rank na iniwan ng dalawang king na namatay no'ng Kill Off ay ibinigay sa 'kin at sa isa pang king na nakaligtas, kay Janina, bilang premyo na hindi pwedeng tanggihan.
“Iniisip ko na lang na kunwari hindi ko alam na nasa ranking na 'ko.”
Bahagyang tumawa si Kiel saka nagpatuloy sa mga tanong niya sa 'kin.
Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan bago nagpasyang lumabas na sa classroom. Kalalabas lang namin sa pinto nang maaktuhan kami ng sekretarya ng student council na permanente nang masama ang tingin sa 'kin. Pero ang talagang ikinagulat ko ay ang lalaking biglang sumilip galing sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017