Auriel
PAHIKAB-HIKAB akong naglalakad sa pasilyo ng third floor para sana tunguhin na ang classroom ko nang mamataan ang isang pamilyar na pigurang mabilis na natabingan ng mayayabong na dahon ng mga puno. Imbes na ituloy ang paghakbang paabante, napapihit ako para sundan ang lalaking pumasok sa Forest Park.
Nakaramdam agad ako ng lungkot nang maabutan siyang nakatayo at nakatitig sa lupa. Katulad ko, hindi rin siguro niya makalimutan ang eksaktong lugar kung saan bumagsak ang wala nang buhay na katawan ni Yasmin. Pati nga ang pasilyo kung saan nakita kong duguan si Kiel na iniiwasan ko nang daanan ay tandang-tanda ko pa rin.
Nakakadurog ng puso makita ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Stephan.
Saglit ko siyang iniwan dahil sa ideyang biglang pumasok sa isip ko. Pagbalik ko, agad ko siyang nilapitan.
“Para kay Yasmin.” Napalingon siya sa 'kin bago napatingin sa hawak ko.
“How did you know I was here?” hindi makapaniwala niyang tanong.
“Stalker mo 'ko.” Mas inilapit ko pa ang hawak sa kanya dahil parang wala siyang balak kunin 'yon.
Malakas siyang tumawa. “Isusumbong kita sa presidente,” biro niya bago kinuha ang mga bulaklak sa kamay ko. “Salamat,” seryoso niya nang wika habang umuupo. Dahan-dahang inilalapag sa lupa ang mga rosas na ibinigay ko. “Your favorite white roses, Yas.”
Napangiti ako sa nalaman. Pareho pala ang interes namin sa bulaklak ni Yasmin.
Hinayaan ko muna ang katahimikan sa pagitan namin ni Stephan bago uli ako nagsalita. “Hindi mo kailangang pigilin ang sarili mo.”
“Pigilin ang ano?” patay-malisya niyang tugon.
“'Yang nararamdaman mo. Hindi masamang umiyak. ”
“You say the weirdest things during the weirdest times.” Nahuli ko ang pasimple niyang pag-iwas ng tingin. Saglit lang, nakarinig na 'ko ng mahinang paghikbi.
“Siguradong minahal ka rin ni Yasmin.”
“Of course, she did. How can she refuse my charm?” Ang mahina niyang pag-iyak ay unti-unting lumakas.
Damang-dama ko ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.
“Suwerte ni Yasmin at iniiyakan siya ng isang Stephan Sebastian,”
sabi ko kasabay nang pag-upo sa tabi niya.Alam kong sinusubukan niyang pigilin ang mga luha niya pero patuloy lang 'yon sa pag-agos kaya paulit-ulit niya na lang na pinunasan gamit ang sariling kamay. “Why did she have to go and leave me here? She was my everything,” puno ng hinagpis na sambit ni Stephan na nakapag-paiyak na rin sa 'kin. “I—I'm sorry for letting you down, Yasmin. I'm sorry.” Tuluyan niya nang isinubsob ang sarili sa lupa. Para bang gusto niyang ilabas ang sakit sa mismong lugar kung saan huli niyang nakita ang babaeng minahal. Samantalang ang tanging nagawa ko lang ay himasin ang likod niya at tahimik siyang damayan.
Umalis kami nang hindi nag-usap at dumiretso sa magkaibang direksyon. Huling sulyap ang ginawa ko sa kanya na nakatalikod at papalayo na. Alam kong kailangan niya ng oras para sa sarili at mas gugustihing mapag-isa kaya hinayaan ko na siya.
Pumasok ako sa classroom ko at ipinagpatuloy ang mga natitira ko pang klase. Nagdaan ang oras hanggang sa nakita ko ang sarili na naglalakad na papunta sa student council office. Nagkasabay pa kami ni Canary sa tapat mismo ng pinto. Pagkapasok, pareho kaming napalingon kay Xander na nakaupo sa puwesto nito.
“Your Majesty.” Saka ko lang napansin si Stephan na nasa likuran na pala namin. Yumukod siya nang makita ang bisi presidente.
“That's right, bow down before me.”
Nagkatinginan kami ni Canary bago ako napatingin sa mukha ni Stephan na halata ring nagulat. Hindi niya inaasahan na ang biro niya ay magiging totohanan pala.
“Nagbibiro lang ako,” seryosong bawi ni Xander. “Treat me whatever way you want. Dito lang sa loob ng opisina ako komportable.”
“You scared the hell out of me, Xan,” natatawang naupo sa upuan niya si Stephan.
Kahit papa'no, masasabi kong okay na siya kahit halata pa rin ang namumula niyang mga mata.
Kami ni Canary ay naupo na rin habang si Luciel ay parang hangin lang sa loob ng kuwarto. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa nang hindi ako tinitingnan at patuloy lang sa ginagawa niya.
“I have no intention of taking over K-High for now. Dealing with the Mercenaries is my priority.”
Hindi ko alam kung tama ang iniisip kong kaya sinabi ni Xander ang mga bagay na 'yon ay para mawala ang tensyon sa loob ng kuwarto. Malamang kasi, pare-pareho kami nina Stephan at Canary ng iniisip.
“Mangangalap ulit ako ng mga sasali sa Strike Corps. Siguradong marami nang gustong magpalista,” putol ni Canary sa ilang segundo nang katahimikan.
Lahat kami sa loob ay alam na totoo ang sinasabi niya dahil sa announcent na ginawa ni Xander kagabi.
Nakalabas na ang babae bago pa 'ko nakatayo. “Tutulong din uli ako,” paalam ko kay Luciel na pinisil lang ang palad ko pagkatapos ay binitiwan.
“Auriel, tell Can-Can I'll be there,” pahabol ni Stephan bago ko isinara ang pinto.
Hahakbang na sana ako palayo pero napigil ako nang aksidenteng narinig.
“I found someone who knows something about the Mercenaries,” halos pabulong na sabi ni Stephan kaya napilitan akong idikit ang tenga sa pinto. “Handa siyang makipag-usap sa 'tin pero kailangan niya pa ng panahon. I'll let you know when he's ready to talk.”
Naulinigan ko ang pag-urong ng upuan kaya pasimple na 'kong lumayo. Hanggang do'n lang ang narinig ko.
Pagdating sa gym, saglit na nawala sa isip ko ang nalaman kanina lang dahil sa pagkagulat. Mahabang linya kasi ang tumambad sa harapan ko. Alam kong maraming gustong makalabas sa K-High pero hindi ko inaasahan na ganito karami ang kayang sumugal.
Naglakad agad ako papunta kay Canary at kumuha ng isang papel para do'n pasulatin ang iba.
“Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa na ganito karami ang gustong sumali,” salubong nito sa 'kin na naiiling.
“Whoa! Sino'ng mag co-concert?” natatawang banat ng kadarating lang na si Stephan kasabay nang paghatak sa upuan na nasa tabi ni Canary at naupo. Ang kaninang dalawang pila ay naging tatlo na ngayon. “Sana sinabihan n'yo 'ko na bukas pa tayo matatapos rito, nagdala sana ako ng kumot,” dagdag biro niya.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017