Chapter XXVIII
Knight of DeathAuriel
Maingat naming tinahak ang madilim na pasilyo ng west wing. Sa paglipas ng mga minuto, unti-unting nasanay ang mga mata ko sa dilim.
“Wala siguro tayong makakasalubong na main chess pieces,” komento ni Kiel na nasa likuran ko.
“Boriiiing,” wika naman ni Unnie kasabay nang pagsangga sa patalim ng isang kalabang sumulpot mula sa bintana. Iglap lang, nasaksak niya na 'to at nagpatuloy kami sa paglalakad na parang walang nangyari.
“'Wag tayong pakasiguro.” Si Canary na blanko naman ang ekspresyon. “Baka may grupong mag-abang sa 'tin at hindi sumunod sa ruta na mas madaling daanan.”
“Sana nga. After all, hindi naman labag sa patakaran ng laro ang sumugod sa main chess pieces ng kalabang faction.” Halatang mas gusto ni Unnie ang gano'ng sitwasyon.
Ayon sa rules ng Kill Off, may nakatalagang starting point ang bawat faction: north, south, east and west entrance. At nasa main chess pieces ng bawat faction ang desisyon kung didiretso mula ro'n hanggang sa end point o mag-iikot pa. Kaya hindi malabong mangyari ang ma-ambush nga kami.
“Kung mangyayari 'yan.” Katatapos lang gilitan ni Kiel ang aatake sana galing sa likuran bago itinuloy ang sasabihin. “Baka Silent Killers galing sa north wing ang makasalubong natin.”
“O 'di kaya, Bloodlust na nasa south,” dagdag ni Canary habang nakatingin sa 'kin.
“I prefer Death Gods even if their route is in the east.” Tila tuwang-tuwa sa mga posibilidad na pwedeng mangyari si Unnie na huling nagsalita.
Habang umaakyat ng hagdan, naaktuhan naming nag-aagawan sa isang kutsilyo ang dalawang estudyanteng galing sa magkaibang faction. Dinaanan lang namin sila na parang wala kaming nakikita.
“Here's another selfish wish of mine. Sana may pumuntirya sa rank n'yo,” tukoy ni Unnie kay Cannary at Kiel. “Swiping rank 10 and 8 in one group is a steal.”
“Parang joke pero sigurado akong hindi ka nagbibiro,” kontra agad ni Canary.
“Thrill-seeker?” natatawa namang tanong ni Kiel.
“Obviously. Kaya nga gusto kong may umatake sa inyo na may ibubuga,” nakangiting sagot ng kausap ng dalawa.
Tuloy lang sila sa kanina pang daldalan maliban sa presidente na kanina pa rin walang imik. Ang tanging nagagawa ko lang ay pagmasdan siya mula sa likod habang walang tigil sa paglalakad.
“Third floor na 'to, 'no?” Si Unnie na naman ang nagsalita.
“Para tayong raid party.” Napabaling kami kay Canary. “Ako ang mage. Ang captain ang swordsman. Si Eunice ang assassin,” dugtong niya kasunod ng matalim na tingin kay Unnie, na gumanti lang ng ngiti sa kanya. “Si Kiel ang ranger at si Auriel ang priest na kailangang protektahan.” Sinadya niyang diinan ang salitang protektahan.
“Just like in an online game.” May pagkaaliw na dagdag ni Kiel.
Nagsimulang mag-usap ang dalawa tungkol sa laro. Nilamon sila ng sarili nilang mundo. Nakangiti silang nag-uusap tungkol sa mga bagay na sila lang ang nagkakaintindihan na parang mga normal na estudyante.
“Bagay kayo,” singit ni Unnie na eksperto sa pang-aasar.
“Hindi nakakatawa ang—” Hindi na natapos ni Canary ang sasabihin dahil sa biglaang pag-atake ng dalawang anino galing sa gilid na lumabas galing sa loob ng classroom. Iwinasiwas nila ang mga hawak na patalim na ginantihan din ni Canary. Ang tatlo ay mga hindi nagkatamaan.
Muling naglaho ang mga anino pabalik sa madilim na classroom.
Bahagya akong itinulak ng presidente palayo sa kanya kasabay nang pagsangga sa patalim na akmang lilipad papunta sa direksyon ko. Sa harap, isang silweta ang sumugod patungo sa 'min na sinabayan ng tatlo pa sa magkabilang gilid. Ang una ay hinarap ng presidente habang ang dalawa ay pinaghatiang labanan ni Canary at Kiel. Ang natitirang isa ay napunta kay Eunice.
“This is the end line for you!” sigaw nang babaeng mabilis na paparating. Kinuha nito ang pagkakataon habang abala ang mga kasama ko.
Pareho pa kaming nagulat ni Yasmin nang mailagan ko ang unang wasiwas niya ng patalim.
“Don't dare, Ms. Balmaceda!” pananakot ng presidente kahit pa kasalukuyan na siyang napapalibutan ng limang kalabang ingat na ingat mapadikit sa kanya.
Siya talaga ang pinakabinantayan nila.
“Part of the game, President,” walang anumang tugon ng sekretarya ng student council na hindi inaalis ang paningin sa 'kin.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkadesperadang patayin ako.
“Sinuwerte ka kanina, ngayon hindi na.” Gaya nga ng sinabi niya, sa sumunod niyang wasiwas, bahagya niya na 'kong nahiwaan sa bandang balikat.
Ilang segundo lang, nakaunday na uli ang patalim sa harapan ko. Hindi ko na 'yon maiilagan kaya ipinansalag ko ang sariling mga braso.
“Masyado ka namang nawili.” Bigla na lang pumagitna si Unnie na siyang pumigil sa nakaambang panaksak ni Yasmin. Pigil niya 'yon ng sariling patalim.
Naulinigan ko ang tila bulong mula kay Unnie na sandaling nakapagpatigil kay Yasmin sa kinatatayuan. Pero hindi ko 'yon malinaw na naintindihan.
Ano kaya ang sinabi niya rito?
Magsasalita pa sana ang captain ng Bloodlust kundi lang sa mabilisang pagsugod ng presidente na nagawa na palang patumbahin ang lima nitong kalaban. Unang bitaw pa lang ng lalaki ay tumama agad kay Yasmin na malaking distansya ang agarang inilayo habang hawak ang brasong nagdurugo na rin. Halata ang laki ng sugat na tinamo ng huli sa loob lang ng ilang segundo.
“You should have taken my warning seriously. Hindi na daplis lang ang susunod!” Dama ang galit sa boses ng presidente.
Bakas ang matinding takot sa mukha ni Yasmin bago ako saglit pinukol nang masamang tingin saka walang anu-ano'y tumalon sa terrace ng corridor pababa kasama ng mga natitira niyang buhay na miyembro. Iyon na lang siguro ang naisip nitong pinakamabilis na paraan para iligtas ang sarili.
Ikinagulat ko naman nang makitang nasa harap ko na pala ang presidente. Walang salitang naglabas siya ng panyo at ibinalot 'yon sa balikat ko. Nilamig na lang ako habang nakatingin sa matalim niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mistério / SuspenseA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017