Auriel
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Canary, pinauna ko na siyang pumunta sa opisina ng student council. Gusto kong ayusin muna ang sarili bago humarap kay Luciel. Hindi ko kasi sigurado kung anong ekspresyon meron ang mukha ko ngayon.
Napabilis ang paghakbang ko nang makarinig ng kung anong ingay galing mismo sa loob ng restroom na balak kong puntahan. Pagkapasok ko sa loob, bumungad sa 'kin ang isang babaeng miyembro ng Bloodlust, nakaluhod at may busal sa bibig habang nahihilamusan ng sariling mga luha ang mukha. Ang magkabilang braso niya ay mahigpit na hawak ng dalawang tiyak na miyembro ng Mercenary dahil sa ayos ng mga 'to na nakahood at maskara. Bukod sa dalawa, may isa namang may hawak na itak at handa nang itaga 'yon sa leeg ng babae.
Dali-dali kong ibinato ang patalim ko diretso sa kamay ng may tangan ng itak. Bumaon 'yon sa palad nito kaya napahiyaw 'to sa sakit bago napabitiw sa hawak.
Hindi ko binigyan ng pagkakataon ang dalawa pa nitong kasama. Malakas ko silang tinadyakan sa sikmura dahilan para makalaya ang kapit-kapit nila. Hinila ko mula sa palad ng sa tingin ko'y lalaki dahil sa malaking pangangatawan nito ang patalim ko at tumayo nang nakatalikod sa babaeng humahagulgol na.
Muli ko na sanang susugurin ang tatlo pero napahinto ako nang biglang dinampot ng isa ang isang makapal na lubid na naroon pala at pinaikot 'yon ng marahas.
Hindi ako pwedeng magpabaya ng kilos. Siguradong tatalsik ako kapag tinamaan ng lakas at bigat ng umiikot na lubid. Hindi ko napigil ang mabilis nilang paglabas ng pinto. Naisip kong habulan sila pero hindi ko magawang iwan ang babaeng nanginginig sa takot habang lumuluha.
“Ayos ka lang? Wala ka bang sugat?” nag-aalala kong tanong rito.
“S-salamat... salamat... salamat,” paulit-ulit lang nitong sagot.
Inalalayan ko siya na mukhang na-trauma dahil sa naranasan. Dahil sa nakitang reaskyon niya pumasok sa 'kin ang realisasyong, tao pa rin ang mga miyembro ng Bloodlust. Tumapang at tumigas lang sila pero nakakaramdam pa rin ang karamihan sa kanila ng takot.
Pagkatapos 'tong maihatid sa tapat ng dorm nila, agad akong umalis dahil bukod sa ayokong makita ang captain nila ay hindi ko rin mapigil ang inis na nararamdaman para sa Mercenaries.
Pabalabag kong naitulak pabukas ang pinto ng student council office na kumuha sa atensyon ng lahat ng nasa loob kasama na si Luciel.
“May suggestion ako.” Hindi ko hinayaang makapagsalita ang kahit sino. Ipinagpatuloy ko lang ang gustong sabihin. “Bumuo kayo ng grupo o ng kahit na anong pwedeng magbantay at mangalaga sa mga estudyante. Kanina lang, may naabutan akong muntik nang pugutan ng ulo sa loob ng restroom na malapit mismo rito.”
Ang mga gulat nilang mukha ay naging seryoso, maliban kay Luciel na parang laging handa sa lahat ng pwedeng mangyari. Bihira siyang magpakita ng kahit anong reaksyon.
“Kailangang mapahinto ang Mercenaries!”
“And do you intend to join the group you are suggesting about?”
“Oo.” Sinasalubong ko ang titig ni Luciel.
“Then, I decline.”
“Bakit?” Napaawang ang bibig ko dahil sa sagot niyang hindi man lang yata inabot ng segundo bago niya ibinigay.
Bahagya namang gumalaw sa upuan si Xander na tila may sasabihin pero pasimple siyang pinigil ni Luciel kaya ibinalik na lang nito ang pagkakahalukipkip ng mga braso sa kanyang dibdib.
“You're suggesting something as a result of a sudden emotional outburst. Hindi mo pinag-isipan,” giit ni Luciel na hindi ko nagustuhan ang dating.
“Pinag-isipan ko. Pagkatapos ng nakita ko masasabi kong kahit sino at kahit saan pwede silang may mabiktima!” naihampas ko ang mga palad sa mesa ni Canary. “Hindi natin pwedeng hayaan lang ang mga estudyante. Mas gusto nila ang eskuwelahang walang karahasan o patayan.”
“Don't let your emotion run your mind, Auriel.”
Kahit mahinahon makipag-usap si Luciel, dama pa rin ang diin ng bawat salitang binibitiwan niya. Buo ang isip niya na 'di ako sang-ayunan. “Form a group and let me join!” pamimilit ko.
“So, this is what you call a lover's quarrel. Amusing,” singit ni Stephan na hindi ko maaalalang naro'n kung hindi pa nagsalita. Kasalukuyan siyang sumusubo ng sandwich at para bang nanonood lang ng isang eksena sa pelikula.
“Regarding your idea, the student council may consider it to protect the students. Pero ang pagsali mo sa grupong 'yon ay hindi ko papayagan.”
“Bakit?!”
“Do you really have to ask?”
“'Wag kang selfish, Luciel!” Tuluyan nang sumabog ang inis ko dahil sa takbo ng usapan. “Maraming estudyante ang kailangan ng tulong at proteksyon. At handa akong tumulong.”
“Oo nga naman, why not le—” Natigil sa pagsabat si Stephan dahil sa sandwich na isinaksak ni Canary sa bibig niya.
“Hayaan mo silang mag-usap,” awat pa nito sa lalaki na nginuya na lang ang pagkain sa bibig.
“Be it my selfishness or not, my decision is final,” kalmado pero matigas na turan ni Luciel.
Isang malakas na hampas uli sa mesa ang ginawa ko bago iritadong nilisan ang opisina. Iniwan ko ang lahat sa loob na tahimik. Hindi ko na sinulyapan pa si Luciel.
Napadiretso ako sa greenhouse. Makailang beses kong naipadyak ang mga paa sa damuhan habang nakaupo at mahigpit na nakakapit sa duyan. Sa unang pagkakataon, nagtalo kami ni Luciel. Sa unang pagkakataon, nainis ako sa kanya. Na-disappoint ako sa mga narinig ko galing sa kanya.
Naglandas sa pisngi ko ang mga luhang marahas ko ring pinahid agad. Para akong batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto kong laruan.
“Found you,” humihingal na anas ng kadarating lang na ilang hakbang ang layo sa 'kin.
Inirapan ko siya saka tumayo galing sa duyan. Padabog akong humakbang paalis.
“Let's talk,” tawag niya sa 'kin na hindi ko pinansin. “If I could build a perfect world, I'd only make you smile. I'd hang the stars, the sun and moon outside this room, but I'll...”
Kahit ayoko, kusang huminto ang mga paa ko sa paglakad. Malinaw kong naririnig ang boses ni Luciel habang pinipigil ko ang sariling lumingon.
“I'll never be perfect, though I'm gonna try. Oh, I'm gonna do better I swear that I...”
Naiinis akong pumihit pabalik at naupo sa duyan. Kahit ayoko pa sanang kausapin siya, hindi ko naman ma-hindian ang boses niya. Sino pa bang makakapag-walk out kapag kinantahan na ng student council president ng K-high?
———————
A/N: Song used: Last Time I Say Sorry by John Legend and Kane Brown
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017