Chapter XXXIV
Those Who Conquered DeathAuriel
Pagmulat ng mga mata ko, natulala na lang ako sa puting kisame bago agad na napaupo. Nasapo ko ang ulong medyo kumikirot habang inililibot ang paningin ko sa kuwartong nasisiguro kong ang dorm clinic.
Tumayo ako at tinungo ang pintuan palabas. May tao akong gusto kong makita agad. Kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa Forest Park na para bang sigurado ako na naro'n ang hinahanap. Lutang ang isip ko kaya nagpadala na lang ako sa galaw ng katawan ko. Para 'tong may sariling desisyon.
Natyempuhan ko pang patakbong lumabas ng greenhouse si Canary na hindi ako napansin.
Ilang sandali lang, tanaw ko na ang taong gusto kong makita. “Tama pala ako, nandito ka,” anas ko na nakakuha agad ng atensyon niya.
Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Saglit lang akong napakurap, pagmulat ko, nasa mga bisig na 'ko ng presidente.
Agad niya rin akong inilayo. Parang siya mismo, nabigla sa ginawa niya.
“You finally decided to wake up,” walang anuman niyang sabi.
“Kahapon lang naman natapos ang Kill Off?” takang komento ko.
“That's almost a week ago. Pang anim na araw na ng Kill Break.”
Muntik na 'kong mag freak-out sa nalaman, buti at nahamig ko agad ang sarili. “Pasalamat pala ako at nagising pa 'ko.”
Napatingin ako sa mga mata niya. Mukha siyang pagod. Parang ilang araw siyang walang tulog.
“Ibig sabihin matatapos na ang Kill Break bukas?”
Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya papunta sa pinto ng greenhouse na sinundan ko naman.
“Bakit nandito ka? Wala kang balak makisaya?”
“I don't want to play around even if it's Kill Break.”
Mayamaya'y nakalabas na kami sa greenhouse at naglalakad na sa Forest Park.
“Dahil ba ikaw ang student council president?” dugtong ko.
“Dahil ayoko.” Diretso lang siya sa paglalakad.
Napailing ako dahil sa isinagot niya. Siya lang din pala ang nagbabawal sa sarili.
“You better go back to the dorm and rest. May isang araw pa naman na natitira.”
“May tanong lang ako. Naalala ko kasing kinapos ako ng hininga pagkatapos kong inumin ang pangatlong baso.”
Tandang-tanda ko 'yon. Malinaw sa 'kin ang pakiramdam na nauubusan ako ng hangin.
Hindi ko alam kung bakit pero kunot noo siyang nakatitig sa 'kin habang ipinapaliwanag ko ang nasa isip. “Naaalala ko ring kusang bumalik ang hangin papasok sa bibig—”
“I have no idea what you're talking about,” putol niya sa sasabihin ko pa sana saka nag-iwas ng tingin. “Rest for now,” pag-uulit niya sa sinabi kanina bago humakbang papunta sa north wing.
“Ikaw din kailangan mong magpahinga. Ang laki ng eyebags mo.” Kinalimutan ko na lang ang naalala. Baka delusyon ko lang din 'yon sa gitna ng pag-aagaw buhay.
Linggo, huling araw ng pinakahihintay ko sanang Kill Break na isang araw ko na lang masusulit. Maaga akong gumising dahil sa planong muntik nang hindi magpatulog sa 'kin kagabi.
Pasimple akong umakyat papunta sa ikaapat na palapag saka inilagay ang passcode na hinihingi ng electronic lock. Para do'n ang petsang binanggit ng presidente noon.
Dumiretso ako sa kuwartong pakay ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto bago sinulyapan ang lalaking natutulog pa sa kama. Maingat akong naglakad papunta sa kabinet na sinimulan kong halughugin.
“Auriel, ano'ng ginagawa mo rito?”
Halos mapatalon ako dahil sa boses na biglang tumawag sa 'kin.
Imbes na sumagot, kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ng kabinet at ibinato 'yon sa kanya. “Maligo ka, dali.”
“You barged in my room without permission and now you're telling me to take a bath?” salubong ang kilay na tanong ng presidente.
Dali-dali akong lumapit sa kanya at hinila siya sa kamay patayo. Napabangon ko siya at naihatid sa pintuan. “Sige na, maligo ka na.” Itinulak ko pa siya palabas at pinagsarhan ng pinto.
Umalis lang ako sa kinatatayuan nang marinig na ang mga yapak niya palayo sa kuwarto.
Ipinagpatuloy ko ang paghahalughog hanggang sa makabalik siyang nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan pagkatapos ng ilang minuto.
Pilit kong inignora ang nakikita. “Isuot mo 'to.” Ibinato ko sa presidente ang mga damit na nahagilap sa kabinet niya bago tumalikod. “Magbihis ka na. Hindi ako titingin.”
Nakarinig ako ng mahinang tawa bago nasundan ng tunog ng telang kumikiskis sa balat.
“This better be good.”
Humarap na 'ko sa kanya at hinila siya papunta sa salamin. Pinaupo ko ang presidente, na hindi naman niya tinanggihan. Mabilis kong ibinuhos ang laman ng maliit kong bag sa mesa at sinimulan siyang ayusan.
“This really better be good,” may diin niyang wika.
Dinampot ko ang wax at ipinahid sa malambot niyang buhok. Gamit ang suklay, sinigurado kong walang hibla ang mawawala sa puwesto. Inalis ko rin ang dalawang hikaw niya na nasa iisang tenga bago siya ginamitan ng face powder sa mukha at leeg. Nabawasan ang kaputian niya dahil sa inilagay ko, ayon na rin sa plano ko talagang mangyari. Huli kong kinuha ang eyeglasses na nasa bulsa ko. Bukod 'yon sa suot ko.
“Ano sa palagay mo?” tanong ko sa kanya habang sinisipat ang suot niyang asul na hooded shirt at ang pantalon na simple lang ang yari. Pareho kaming nakatingin sa salaming nasa harap.
“Tell me what's all this for.” Halata ang pagka-inis niya sa ginawa ko.
“Mamaya ka na magalit sa 'kin. Samahan mo muna akong maglibot sa campus. Wala nang makakakilala sa 'yo.” Balak ko sana siyang hilahin palabas pero ako ang hinila niya palapit sa kanya.
Tinitigan niya 'ko sa mga mata. Para bang may hinahanap siya na dating naro'n pero ngayon ay wala na. “People who conquered death becomes too fearless and reckless,” bulong niya.
Saka ko lang narealize na totoo nga yata ang sinabi niya. Mula kasi nang umakyat ako rito hanggang sa maipagtulakan ko siyang gawin ang mga gusto ko, ni minsan hindi ako nakaramdam ng takot. Oo kinabahan ako pero hindi lang naman takot ang dahilan ng kaba.
Tulad ng kabang nararamdaman ko ngayon habang nakikipagtitigan sa kanya nang mata sa mata. “Lahat ba kayo na nasa ranking ay natakasan na rin ang kamatayan?”
“I didn't run away from death, I'm living with it. May utang ka sa 'kin,” makahulugang niyang turan bago ako hinatak palabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017