Chapter XIII
RulebreakersAuriel
Gaya kahapon, sa 'kin na naman nakatingin ang karamihan sa loob ng classroom. Mas nadagdagan nga lang sila. Pati kasi ang mga babae kong kaklase na dating walang pakialam sa 'kin ay nagkaro'n na ng pake ngayon.
“The nerd's going to have the president all to herself.”
Takang napalingon ako sa maarteng nagsalita na tinaasan lang ako ng kilay bago ko nalilitong iginala ang paningin. Inggit ang nakita kong ekspresyon sa mukha ng mga babaeng nakatingin din sa 'kin.
Oo nga at walang mapaghambingan sa kagwapuhan ang student council president pero wala ring mapaghahambingan ang nakakakilabot nitong presensiya. Ang akala ko, takot lang ang nararamdaman ng mga estudyante rito para sa kanya, pati pala paghanga na kasalanang maramdaman.
Binalewala ko na kang sila at isinalansan ang mga librong nasa mesa ko. Mabilis ko 'yong isinilid sa bag at binitbit palabas ng classroom. Kanina pa rin naman kasi nakaalis ang guro, wala lang talagang kumikilos sa kanila.
Dahil sa ginawa ng presidente kahapon, wala nang naglalakas loob habulin o sundan man lang ako ng tingin. Pero masasabi bang ligtas ako kung ang lagi kong makakasama ay ang pinakadelikadong tao sa K-High? Death is practically sitting by my side. It was worse than before.
“Congratulations sa promotion,” bati ni Canary nang madaanan ko 'to sa pasilyo.
Promotion?
Pakiramdam ko, may pagkasarkastiko ang pagkakasabi niya no'n. May halo ring inis sa boses nito pero bakit?
Inihanda ko muna ang isip bago patulak na binuksan ang pinto ng student council office. Napatigil ako sa kinatatayuan nang mapansing kumpleto ang mga demonyo sa loob.
“Welcome!” nakakalokong salubong ni Stephan nang humakbang na 'ko papasok.
Sa katapat ng mesa nito ay naro'n at nakapuwesto ang vice president na sinuri lang ako mula ulo hanggang paa. Ang babae namang patalikod na nakaupo sa direksyon ko ay sigurado kong ang captain ng Bloodlust.
“Barely on time, Ms. Fortalejo,” walang lingong anas ng presidente na kasalukuyang nagsusulat.
“Time for work.” Tumayo si Stephan. “Coming, Xander?” tukoy na nito sa vice president na nag-aayos ng gamit.
Ilang segundo lang, sabay ang dalawa na lumabas.
“'Wag kang tumayo lang.” Nagulat ako dahil sa biglang pag-imik ng nag-iisang lalaking naiwan sa kuwarto. “Grab a chair and sit,” turo nito sa puwestong malapit sa tabi niya.
Nando'n na rin naman ako kaya tahimik na lang akong sumunod. Kinuha ko ang isang monobloc sa sulok at binuhat 'yon papunta sa kanya. Samantalang, inirapan lang ako ng sekretarya nang magtama ang mga mata namin bago 'to padabog na tumayo at lumabas. Nahuli ko ang pasimpleng pagngisi ng presidente kahit tuloy pa rin sa pagsusulat.
Lumipas ang mga araw na lagi lang akong nasa tabi ng presidente pagkatapos ng mga klase ko. Inuutusan niya 'kong gawin ang kung anu-ano nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Naro'ng pinagsalansan niya 'ko ng mga papeles. Pinaglinis ng opisina. Pati nga pagpapalit ng fluorescent tubes, sa 'kin niya na pinagawa. Dati basahan ang turing niya sa 'kin, ngayon janitress na.
“Wake up!” Bahagya kong iminulat ang mata nang maulinigan sa malapit ang pamilyar na boses. “Ms. Fortalejo, gigising ka ba ng kusa o gusto mong gisingin kita sa ibang paraan?!”
Naibuka ko ng tuluyan ang mga talukap dahil sa narinig.
“Punasan mo 'yang laway mong nasa mesa,” naiiling na utos ng presidente na nasa harap ko.
Halos mag-init naman ang buong mukha ko sa hiya bago pahirin ang laway gamit ang uniporme ko.
Napailing pa siya dahil sa pagkadismaya. “Stand up and let's go,” utos na nito nang makabawi.
“B-bakit?” Nagtataka ko siyang tinitigan. “Sa'n tayo pupunta?”
“Hunting,” tipid naman niyang tugon bago pinihit ang seradura pabukas.
Kinakabahan man, agad ko siyang sinundan. Walang reaksyon siyang naglakad sa pasilyo ng sixth floor. Inikot namin ang buong palapag bago bumaba sa ikalima. Para kaming mga guwardiyang rumoronda.
Habang naglalakad sa corridor na nasa pinakadulo ng palapag na 'yon, galing sa kung saan ay nakarinig ako nang mahinang halinghing. Alam kong dinig din 'yon ng presidente dahil nagsimula siyang humakbang nang hindi gumagawa ng ingay.
“Ano'ng ginagawa nila?” hindi makapaniwala kong tanong nang maaninag sa loob ng madilim na classroom ang isang babaeng nakaupo sa ibabaw nakahigang lalaki. Naitakip ko na lang ang mga palad sa mukha ko.
“Wala ka ba talagang muwang sa mundo?”
“Alam ko naman kung ano talaga ang ginagawa nila. Napalakas lang ang tanong ko na para lang dapat sa sarili ko. Hindi naman ako tanga,” hindi ko napigilang isatinig dahil sa inis.
Mahinang ungol ang umalingawngaw uli na nagpatigil sa 'kin. Hindi pa rin pala kami napapansin ng dalawa sa loob. Nilingon ko ang katabi. Kitang-kita ko ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Siguradong hindi makakaligtas ang mga nasa kuwarto.
Bahagyang yumuko ang presidente para bulungan ako. Ikinagulat ko ang iniuutos niyang gawin ko. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya.
“Do it, Ms. Fortalejo,” walang anumang udyok nito sa 'kin.
Hindi ako pwedeng tumanggi. “Nakita ko ang student council president!” pagtalima ko sa utos niyang sumigaw ako ng malakas.
Dahil sa narinig, nagkukumahog na dinampot ng dalawang nasa classroom ang mga damit nila. Pareho pa silang nag-panic bago tumakbo palayo nang hindi pa nakakapagbihis.
Walang salitang nagpatuloy sa pag-iikot sa buong palapag hanggang sa mga sumunod pa ang presidente. Mataman ko naman siyang pinagmasdan na may halong pagkalito dahil sa ipinagawa niya sa 'kin kanina.
Tatanungin ko na sana siya dahil sa kuryosidad na kumakain na naman sa isip ko kundi lang sa mabilis niyang paghatak sa 'kin papunta sa gilid ng isang classroom. Inilagay niya ang hintuturo sa tapat ng labi niya, senyas para tumahimik ako. Bahagya siyang sumilip mula sa pader na agad ko ring ginaya.
Isang estudyante ang naaktuhan naming pumapatay. Ilang beses nitong sinaksak ang kaharap bago 'yon dumausdus pababa ng pader. Gusto ko na lang sanang pumikit dahil sa nasasaksihan pero ayaw magsara ng mga mata ko. Nang makita kong buhay pa ang nakahandusay sa sahig, tatakbuhin ko na sana 'to pero pinigil ako ng presidente.
“Bitiwan mo 'ko.” Habang malakas kong hinahatak ang kamay ko. “Tutulungan ko siya.”
“Wala ka nang magagawa.”
“Meron pa!”
“Kaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo?” mahinahon pero madiin nitong anas na nakapagpatigil sa 'kin. “Kapag lumapit ka ro'n, mamamatay ka rin.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. “Ikaw na lang ang tumulong,” lakas loob kong hiling. “Pigilan mo siya. Ikaw naman ang student council president.”
“You're really too naive. Kung ako ang lalapit sa kanila mas lalong walang mabubuhay dahil ako nga ang student council president.” Sumilay na naman mula sa labi niya ang nakakakilabot niyang ngisi. “Besides, it's too late. Their fate were already decided the moment you saw them.”
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017