XX: Fire Exit

97.7K 3.2K 161
                                    

Chapter XX
Fire Exit



Yasmin



May pinatay na naman ang Tagahatol.”





“Feeling niya yata superhero siya na nagbibigay ng hustisya.”





“Kailan pa naging hustisya ang pagpatay rin? Sinong niloloko niya?”





Kusang umangat ang kilay ko nang mapadaan sa pasilyo dahil sa mga narinig. Nagkukumpulan at nagbubulungan na naman ang mga estudyanteng mahilig sa tsismisan hindi pa man nagsisimula ang klase.





“Kailan lang si Brenda, ngayon naman si Dianne.”





Napahinto ako sa paglalakad at nagmamadaling tinungo ang grupo ng mga estudyanteng nakapalibot sa isang parte ng pasilyo.





“Tumabi kayo, nand'yan ang secretary.”






The students made way just as they saw me approaching. Ilang sandali lang, nakatayo na 'ko sa harap ng bangkay ng isang matabang babae. Dahil sa galit na nararamdaman, nakagat ko ang pang ibabang labi.





Alam kong pinatay ni Brenda si Julia Fermin sa isang safe zone pero hindi ako nagsumbong kaya pinarusahan na rin ako ng Tagahatol.






Walang papel ng kahit anong faction. Tanging mensahe lang na nakasabit sa leeg ng babae ang makikita.





Letseng Tagahatol! Wala siyang karapatang magpataw ng parusa lalong-lalo na sa mga miyembro ko. Kung gusto niya talaga ng hustisya, dapat ipinarating niya sa student council ang lahat ng nalalaman.





“Nabawasan na naman sila.”





Agad kong nilingon ang bumulong. Napatago naman 'to sa likod ng kasama matapos kong titigan ng masama.





Oo na, nabawasan na naman ang Bloodlust.





“May nabiktima na naman pala ang Tagahatol. But really, that name sucks.” Katabi ko nang nakatayo sa gitna ng kumpulan si Stephan.





Tumatawa na naman 'to. Everything is always a laughing matter to him.





“Don't glare at me,” komento niya matapos mapansing sa kanya ako nakatingin.





“Ang presidente,” bulong ng isa sa mga usisero na nakapagpalingon sa 'min ni Stephan sa direksyon kung saan nakatayo ang tinutukoy nito.





Nakatingin nga sa 'min ang presidente na ilang hakbang lang ang layo. Ilang segundo lang, nagbawi na 'to ng tingin at itinuloy ang paglalakad. Surely, he's on his way to the student council office.





Huling sulyap ang ginawa ko kay Dianne bago sinundan si Stephan na patungo na rin sa opisina.





Pagpasok namin, sinalubong kami ng titig ng presidente. Magkasalikop ang dalawang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa at nakapangalumbaba na para bang may iniisip habang nakatingin sa 'min.






Tahimik kaming umupo ni Stephan sa kanya-kanya naming puwesto. Ilang segundo lang, dumating na rin si Xander.






“I heard the news. Well, not really heard. I saw it on my way here,” ani ng bisi presidente bago naupo sa sariling upuan.






Nakipagtitigan ako sa tatlo.
Stephan and I could be in some kind of understanding, but that doesn't eliminate him from anything. Pero kung wala sa kanila ang gustong magpabagsak sa Bloodlust, sino?






“Gusto n'yo bang ako na lang ang umasikaso sa Tagahatol?” nakangising suhestiyon ni Stephan.





“I know you'll be more than happy to deal with this issue alone, Mr. Sebastian,” putol ng presidente. “Pero kailangang gampanan ng lahat ng miyembro ng student council ang parte nila. Paghahatian natin ang trabaho.”





Walang sinuman sa 'min ang tumanggi sa sinabi niya. He might be K-High's most ruthless killer, but he's reasonable when it comes to council work. Walang mairereklamo sa kanya bilang student council president.






Pagkatapos ng diskusyon sa kung paano namin hahatiin ang paghuli sa Tagahatol, bumalik na kami sa pag-aasikaso sa nakatoka talagang trabaho sa 'min.






Mabilis na lumipas ang oras. Ang alas-dose ay naging alas-dos hanggang sa naging alas-tres. Mas marami ngang araw ang wala kaming klase dahil sa mga gawain namin bilang student council pero ni isa sa 'min walang pabaya academically. Each of us is holding the top position in our respective class. Lalo na ang presidente na wala yatang hindi kayang gawin. I don't like him for various reasons, but I do acknowledge him as an outstanding student.






“You're a minute late, Ms. Fortalejo,” sita ng presidente sa kapapasok lang.






Awtomatiko nang nagsasalubong ang mga kilay ko kapag dumarating si Auriel Fortalejo: ang babaeng pinaka-ayokong nakikita sa araw-araw.






Bago naupo, naglabas 'to ng higit sa limang pack ng kung anong mumurahing tsokolate na wala akong balak alamin kung para saan.





“Balak mo ba siyang tunawin sa titig lang?” natatawang bulong sa 'kin ni Stephan na ang tinutukoy ay si Auriel.






“Honestly right now, I wish I have eyes that can shoot laser.”






Napahalakhak nang malakas si Stephan. “Why don't we get some fresh air?”makahulugan niyang dugtong.






Napailing na lang ako nang hilahin niya 'ko patayo. “I know very well what you're up to.”






Hawak pa rin ang kamay ko, lumabas kami ng opisina na hindi naman pinansin ng dalawang naiwan sa loob. Nasa sariling mundo na naman nila ang mga 'to. Si Xander naman ay kanina pa umalis.






“Of course, the fire exit,” sarcastic kong sabi nang dalhin niya 'ko sa pinakadulo ng pasilyo sa sixth floor.  “As expected of—” Hindi ko na natapos ang sasabihin, pagkatapos kasing maisara ni Stephan ang pinto, agad niya 'kong sinunggaban ng halik.






Stephan is a damn good kisser. He knows how to hold and touch a girl. He might not look like it, but he's passionate.





Mabilis kong inawat ang kamay niyang kung saan-saan na humahaplos bago pa man ako madala ng init. “I'm not in the mood right now,” pigil ko sa akma niyang pagwasak na naman sa suot kong uniporme. “And stop tearing my uniform apart. Nauubusan ako ng isusuot dahil sa 'yo.”





Natatawa siyang naupo na lang sa gilid at sumandal sa pader. “If you're not in the mood, just come and sit here.”





Another thing I like about him is that he knows how to respect my wishes. He never forced me into anything.




Hindi na 'ko tumanggi at naupo nga sa kandungan niya gaya ng hiling niya. Ipinikit niya naman ang mga mata habang nakayapos sa 'kin.






“Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo. May binabalak ka ba sa Bloodlust?”






Ilang segundo bago siya nagsalita. “Sa'yo meron, sa Bloodlust wala,” nakatawa at pabiro niyang sagot. “C'mon Yas, I'm not interested in schemes. I do things head-on.”






Hindi mawari ang pagkatao ni Stephan pero may isa siyang salita kaya natitiyak kong totoo ang sinabi niya. “Then, here's another question.”



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon