Chapter LIII
Sugar With SpiceCanary
Walang imik ang presidente habang hila si Auriel na tahimik lang din hanggang sa marating namin ang dorm clinic. Sinenyasan ako ng una para lumapit saka may iniutos kaya saglit ko silang iniwan.
Pagbalik ko, naabutan kong katatapos lang linisin ng presidente ang sugat sa noo ni Auriel. Isinunod niya ang mga sugat sa palad nito. Parehong walang reaksyon at walang salita ang lumabas sa dalawa. Tapos nang bendahan ng presidente ang kamay ni Auriel nang iabot ko sa kanya ang ipinabili niya sa 'king chocolate frappe.
Sinipsipan niya 'yon bago nagsalita. “Sweets can relieve stress.” Iniabot niya ang hawak kay Auriel na kinuha at sinipsipan din nito agad.
Napatitig na lang ako sa dalawa, hindi makapaniwalang parang normal na lang sa kanila ang kumilos ng gano'n. Komportable sa isa't isa at parang walang restriksyon.
“I won't ask anything,” seryosong anas ng presidente nang mapansin na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Auriel. Blanko pa rin 'yon. “Hihintayin kong sabihin mo lahat ng kusa. However, never hurt yourself again.” Marahan niyang ipinatong ang kamay sa ulo ng tahimik pa ring kausap bago niya nilisan ang dorm clinic.
Ilang segundo kong tinitigan si Auriel na parang estatwa sa kinauupuan, hindi pa rin siya kumikilos. Lumabas na rin ako nang umabot pa ng ilang segundong hindi siya nagsasalita.
“Watch over her.” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ng presidente na nakatayo at nakasandal pala sa labas ng clinic. “I'll keep the bigger threats away from her.” Iyon lang at naglakad na 'to palayo.
Malamang na alam niya na ang sinubukang gawin ni Stephan.
Gaya ng utos ng presidente at dahil na rin sa pag-aalala ko, binantayan ko sa malayo ang bawat kilos ni Auriel. Samantalang lumipas naman ang mga araw na palaging balot ng katahimikan ang opisina ng student council. Gaya ngayon. Walang bumabanggit ng kahit anong walang kinalaman sa eskuwelahan o sa mga papel na inaasikaso namin.
Nilingon ko si Auriel at ang presidente na hindi ko na narinig o nakitang mag-usap uli mula noong nagpunta kami sa dorm clinic.
Itinigil ko agad ang ginagawa nang biglang tumayo si Auriel at lumabas ng walang paalam na inaasahan ko nang mangyayari. Ilang araw na rin kasi siyang gano'n. Saglit na mananatili sa opisina tapos ay aalis din agad. Parang ipinapakita niya lang ang sarili sa presidente.
Ilang sandali lang, tumayo na 'ko at pasimpleng lumabas na hindi kinuwestyon ng presidente at ng dalawa pa sa loob.
Palihim kong sinundan si Auriel na diretso lang ang tingin sa daan pero halatang pinapakiramdaman ang paligid. Sa mga sinabi sa 'kin ni Eunice noon, isa lang ang sasang-ayunan ko; may potensyal nga yata akong maging stalker.
Hinayaan kong makapasok muna si Auriel sa dorm bago ako sumunod sa loob dahil alam ko naman na kung saan siya makikita. Mula sa salamin ng indoor gym ng Hell's Scythe, natanaw ko siya na kasalukuyang nag-uunat. Simula no'ng nagwala siya, mas maraming oras na ang ginugol niya rito kaysa sa kahit anong lugar sa campus. Kahit nga yata sa sarili niyang kuwarto.
Pagkatapos mag-unat, humiga siya sa mat para mag sit up na araw-araw niya nang ginagawa. Ilang minuto lang ay nagsuot naman siya ng gloves at sinimulang suntukin ang nakabiting punching bag. Hindi birong oras ang inubos niya sa loob bago lumabas.
Umaagos ang pawis at halata ang pagod pero tila balewala lang 'yon sa kanya. Tiyak kasi ang mga hakbang niya patungo sa huling lugar na alam kong destinasyon niya.
Mabilis niyang narating ang likod ng dorm at sa harap ng isang punong tadtad ng hiwa at uka, ibinato ni Auriel ang dalang patalim. Paulit-ulit niyang inihagis 'yon ng buong puwersa. Para bang sa bawat pagbato, tinatantiya niya ang sariling lakas at kung gaano kalalim babaon ang patalim sa katawan ng puno. Kasama ng pagpapalakas ng katawan at pagpapaliksi ng kilos, sinasanay niya na rin ang sariling hawakan ang punyal na halos isumpa niya noon.
Mula sa likod ng halamang pinagtataguan ko, sandaling nalingat ang atensyon ko nang maramdaman ang presensiya ng bagong dating. “Hindi mo ba siya pipigilan, Captain?” tanong ko, na kay Auriel na uli nakatuon ang mga mata.
Hindi ko nakikita ang kausap pero alam kong nasa paligid lang siya.
Wala akong nakuhang sagot kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. “Baka ito ang maging dahilan ng pagbabago niya.”
“She won't change,” matipid pero may kasiguraduhang tugon ng lalaking nasa likuran ko na. Kahit na hindi sila nag-uusap, kumpyansa pa rin siya na alam niya ang nangyayari kay Auriel. “My hany will never taste bitter.”
Hindi ko kailangang makita ang captain, para masabing ang mga mata niya'y nakatitig din kay Auriel na abala sa paulit-ulit na paghahagis ng patalim sa ere na kanya ring sinasalo, na siyang dahilan ng mga sugat niya sa kamay, habang wala pa ring ideya na nasa malapit lang kami.
Umabante ako ng ilang hakbang. Alam kong alam ng presidente ang binabalak kong gawin. Dalawang hakbang pa bago ko nilingon ang kinalalagyan niya pero wala na siya ro'n. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa makuha ko ang pansin ni Auriel na nakapagbato na ng patalim papunta sa 'kin.
“Kailangang patalasin mo pa ang pakiramdam mo,” payo ko kasabay nang pagsalo sa ibinato niyang inihagis ko rin agad pabalik sa kanya.
Nahirapan man siyang saluhin 'yon kahit sinadya ko nang hinaan ang pagbato, buo naman ang loob niyang sinalubong 'yon kahit alam niyang madadagdagan ang sugat niya sa kamay at masasaktan lang siya. Matututo pa si Auriel. Makikita 'yon sa galaw niyang hindi man pulido sigurado namang may igagaling pa. Lalo na't kitang-kita sa mga mata niya ang determinasyon.
“Tuturuan kitang gamitin 'yan ng tama.”
Nagulat man sa sinabi ko, hindi na nagtanong pa si Auriel.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017