Chapter XLII
The FallenAuriel
“One—two—three.”
Gaya nga ng sinabi ni Yasmin, nakatalikod siyang nagsimulang magbilang.
Hindi man posibleng makalayo ako, sinubukan ko pa ring gumapang patungo sa pinakamasukal na parte ng gubat.
Sa likod ng natagpuang malaking tipak ng bato, napili kong magtago. Napasandal ako ro'n habang nilalabanan ang kirot dala ng malaking hiwa sa hita ko. Nagdurugo pa rin 'yon. Pumunit ako sa laylayan ng suot kong palda. Mariin kong kinagat ang labi ko bago mahigpit na ipinulupot ang tela sa sugat ko.
Napigil ng tela ang pagdurugo habang napigil naman ng pagkagat ko sa sariling labi ang maaaring naging pagsigaw ko dahil sa sakit na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko.
Hinihingal akong napasandal uli at napapikit.
Tumigil nga ang pag-agos ng dugo pero hindi pa rin ako ligtas. Kailangang makalabas ako sa gubat. Dinampot ko ang mahabang sangang nasa tabi ko at ginamit 'yon na pang-alalay para makatayo. Tatakasan ko si Yasmin. Wala akong balak na isuko sa kanya ang buhay ko.
“Twenty!” Dinig kong huling bilang ng student council secretary.
Talagang hindi ako nakalayo.
“I hope you hid yourself well.”
Nanatili akong nakatayo kahit pa kumikirot ko pa rin ang hita ko. Nasilip ko siyang palingon-lingon habang dahan-dahang naglalakad.
Pansin na pansin sa lupa at mga tuyong dahon ang bakas ng dugo ko kaya siguradong mayamaya lang ay matutunton niya kung nasa'n ako.
“Baka naman maubusan ka ng dugo at 'yon pa ang ikamatay mo.”
Habang tumatagal palakas nang palakas ang boses niya. Senyales na papalapit na siya ng papalapit.
“Found you a—”
Balak niya sana akong gulatin pero kabaliktaran ang nangyari nang malakas kong isampal sa mukha niya ang hawak kong sanga. Siya ang nagulat at napaatras.
Paika-ika akong nagmadaling humakbang na sa malas ay walang kahirap-hirap niyang naharang saka sinipa sa sikmura pahiga.
“You sly little bitch! Namumuro ka na!”
“Luciel.” Wala sa sariling naibulong ko habang nakatingin sa naka-ambang patalim ni Yasmin.
“Sana ay alam mo ang magiging resulta ng ginawa mong 'to Ms. Balmaceda!” madiing wika ng lalaking bigla na lang sumulpot at sumalag sa pag-atake ni Yasmin gamit ang sarili niyang patalim.
Para akong namamalik-mata habang tulalang nakatitig sa likuran ni Luciel.
“I hope you're also ready with the consequences, Mr. President,” kumpiyansang sagot ni Yasmin pagkatapos dumistansya. “Mukha kasing pagod ka na.”
“Be my guest!” sagot ng presidenteng halatang wala nga sa kundisyon. Tumatagaktak ang pawis niya at malalim ang paghinga. Dahil 'yon sa Killing Spree.
Saktong naiupo ko ang sarili, nasilip ko ang paglapad ng ngiti sa mga labi ni Yasmin.
“Nakakatawang isipin na ang mismong student council president ang lumalabag sa isa sa pinaka ipinagbabawal na rule ng K-High.” Panandalian nitong inalis ang tingin sa presidente at ibinaling 'yon sa 'kin. “Sa pinaka walang kwenta at tangang babae pa sa buong eskuwelahan.”
Imposible. Para akong nabingi sa narinig. Napatingin tuloy ako kay Luciel na hindi inaalis ang mga mata sa kaharap.
“If you ask me, this good-for-nothing Auriel isn't worth risking your life for.” Halata ang pang-uuyam sa boses ni Yasmin. “Mahina, pabigat at walang kayang gawin.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Wala akong maikontra sa kanya dahil totoo ang lahat ng sinasabi niya.
“Naramdaman mo na ba na may gusto kang protektahan?” Biglang tanong ni Luciel sa kaharap. “Out of a sudden, rather than kill, your priority became protecting. That's Auriel's effect on me.”
Naaninag ko ang gulat na napalitan din ng tila pait sa mukha ni Yasmin. Para bang may gusto siyang sabihin pero sa halip na ituloy 'yon, pinatigas niya na lang uli ang ekspresyon. “Then, die for her sake and from K-High's rules!”
Iwawasiwas na sana niya ang hawak kundi lang siya napigil ng isang kamay na may tangan ding patalim. Iglap lang, nagawa siyang gilitan ng kamay na 'yon.
Napaawang na lang ang bibig ko nang unti-unting bumagsak sa lupa ang kanina lang ay palabang sekretarya.
Kadiliman lang ang tumambad sa 'kin nang magawi ang mga mata ko sa kinatatayuan niya kanina. Walang anino ng kahit sino.
“Stay close.” Iniharang ni Luciel ang isang braso sa 'kin habang hawak pa rin ang patalim niya sa kabilang kamay. Patunay na hindi lang kami ang naroro'n.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017