Chapter XXVII
Chess Pieces
Auriel
“Once called step forward. Death Gods chess pieces,” pagtutuloy ng principal bago tumawag ng mga pangalang galing sa faction na tinutukoy nito. Kasama si Stephan sa mga natawag.
Sunod na tinawag ang mga taga-Silent Killers na sinundan ng Bloodlust.
“Lastly Hell's Scythe chess pieces: Bishop Kiel Sandoval, Knight Luciel Villaseran, Rook Canary Salazar, Queen Eunice Ferrer and the King Auriel Fortalejo.”
Natulala na lang ako sa monitor eksaktong narinig ang pangalan ko.
Sa 'kin na naman nabaling ang atensyon ng lahat. Nakitaan ko ng pangamba at awa ang ilan habang nakatingin sa 'kin. Ang iba naman, mukhang natuwa. Kabilang na ang secretary ng student council.
Ilang segundong hindi nagsalita ang principal kaya napilitan akong humakbang papunta sa unahan kasama ng mga unang natawag. Nasilip ko pang naikuyom ng presidente ang sariling kamao pagkatapos kong tumayo sa tabi ni Unnie.
Kasalukuyang apat na grupo na binubuo ng limang estudyante bawat isa ang nasa harapan ng buong K-High. Lahat sila, nasa ranking maliban sa 'kin at sa isang nasa Bloodlust.
“The pawns will be the captains own choice. Kill Off will begin at 12 midnight tonight. Those who want to be in the ranking, this is your chance to kill for it. May the best faction triumph.” Iyon lang at mabilis na naglaho sa screen ang principal.
“Hindi ko na yata kailangang itanong kung ano ang nangyayari.”
Nilingon ako ng lahat sa grupo ko. Matagal naman nang matigas ang ekspresyon ng presidente pero tila mas lalo 'yong tumigas ngayon.
“Au, you're really jinxed, aren't you?” ani Unnie.
Ilang minuto lang, ang lahat ng miyembro ng Hell's Scythe ay nasa dorm hall na at seryosong nakikinig sa presidenteng nakatayo sa harapan, katabi namin na mga tinawag.
“To those who are not afraid to die, step forward.”
Gaya ng nabanggit ng principal kanina, kailangan pa ng tinatawag na pawns.
“Hindi magiging mahirap ang manalo dahil sa captain,” singit ni Canary. “Alam n'yo 'yan,” buong kumpyansang dagdag niya pa patungkol sa presidente na walang sinuman ang kumuwestiyon.
Marami ang naglakad paabante habang ang mangilan-ngilan, nakayukong umatras.
Nagsimulang magbilang si Canary na parang kanina pa 'ko hindi nakikita. “Kumpleto na, Captain.”
Naiwan ang tatlumpung iba pa kasama naming lima. Ang mga hindi sumali ay nagsipagbalikan sa sari-sarili nilang kuwarto. Sinimulang ipaliwanag ng presidente ang plano. Detalyado at pulido ang bawat paliwanag niya sa kung anumang role na dapat gampanan ng bawat isa.
“At ikaw Ms. Fortalejo, 'wag kang lalayo sa tabi ko. I am your knight, I will protect you,” pukaw niya sa 'kin na nakapagpatahimik sa mga kasama namin. “Alam n'yo na ang gagawin.” Agad niyang ibinalik ang atensyon sa harap.
Pinasadahan ko ang seryosong ekspresyon ng mga kaharap. Alam kong wala akong maitutulong sa kanila pero pipilitin kong hindi mamatay.
Nang matapos ang pulong, bumalik kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto para makapagpahinga at makapaghanda. Ilang oras na rin ang nakalilipas pero magmula no'n, hindi ko magawang ipikit man lang ang mga mata kahit saglit. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang oras.
Katok sa pinto ang gumulantang sa 'kin. “Ipinapatawag na tayo ng captain.” Malamig na boses ni Canary ang narinig ko na nasundan ng yabag ng mga paa niya palayo.
Nang makarating ako sa dorm hall, kumpleto na sila at handa. Walang imik ang lahat habang naghihintay. Limang minuto bago ang takdang oras.
“Captain,” tawag ni Canary sa presidente papunta sa bintana.
“As expected,” saad ng lalaki pagkatapos sumilip sa labas.
Nakisilip na rin ang karamihan sa bintana, kasama na 'ko. Tahimik at napakadilim ng gabi pero damang-dama ang mga matang nakamasid mula sa labas. Inaabangan nila kami gaya ng sinabi ng presidente na mangyayari.
Dalawang minuto.
“Auriel, I'm not obliging you to kill or even hold a knife. Dumikit ka lang sa 'kin at 'wag kang mamamatay,” bulong ng katabi sa tenga ko.
Isang minuto.
“Brace yourselves.”
Sukat sa narinig galing sa captain ng faction namin, mabilis na pumuwesto si Kiel sa likuran ko, si Unnie sa kanan, si Canary sa kaliwa at ang mismong leader ay sa harap ko tumayo. Pumalibot silang apat sa 'kin.
“Don't let our king die, Hell's Scythe!” may diing utos ng presidente.
“Let the Kill Off commence!” Tinig sa speaker na hudyat na simula na nang madugong gabi.
Naunang tumakbo palabas ang sampu sa tatlumpung pawns, ang assault team A. Sinalubong nila ang mga kalaban na nakaabang sa labas. Nagsimulang tumakbo paabante ang presidente na sinundan naming mga natitira. Lahat hawak ang kanilang patalim at iwinawasiwas sa sinumang humarang. Naiwan ang lima pa, ang defense team, kasama ng naunang assault team sa hardin ng dorm at nagsilbing barikada para walang makasunod sa 'min.
Tahimik at madilim ang west wing ng campus nang marating namin. Sinadyang patayin ang lahat ng ilaw sa buong grounds dahil nga sa Kill Off.
“Assault team B and C, kill every enemy in sight,” utos ng presidente na sinunod agad ng labinlimang huling pawns na sabay-sabay pumasok sa entrance ng west wing. Mabilis silang naglaho at nilamon ng kadiliman.
“Three words, Hell's Scythe,” tukoy niya na sa 'min na naiwan. “Show no mercy.” Sinabayan niya ang sinabi nang nakamamatay niyang titig.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017