Auriel
ILANG minutong nakipag-usap si Luciel na hindi ko nagawang sundan ang takbo hanggang sa may mga salitang nakaagaw ng atensyon ko. “Unfortunately, I won't oblige.” Nginisian niya ang camera sa sulok ng kisame bago tumayo at iginiya ako palabas ng kuwarto.
Tinatahak na namin ang madilim na pasilyong alam kong pabalik sa gym. “Ano'ng nangyayari, Luciel?”
“I liked your long hair, but your short hair also suits you,” sabi niya kasabay nang pagpapatong ng kamay sa ulo ko.
“'Wag mong ibahin ang usapan. Sagutin mo ang tanong ko.”
“Hindi ko masagot dahil hindi ko alam ang sagot.” Nakakalokong ngisi na naman ang lumitaw sa mga labi niya kasama ng makahulugan niyang tugon. “Ano'ng mangyayari ang tamang itanong, Hany.”
Hindi na 'ko nakapagsalita pa dahil paakyat na uli kami sa entablado ng mga sandaling 'yon. Umalis si Xander sa gitna at ibinigay ang mikripono kay Luciel.
“The principal isn't dead. She's somewhere else,” saad niya na nakapagpakalma sa mga estudyante kahit papaano. “Pero hindi na siya ang hahawak sa K-High.”
Natulala ang karamihan habang sa entablado ay si Canary lang ang nagulat. Si Xander ay kalamado lang na nakatingin sa presidente. Si Stephan naman ay hindi ko mahanap kahit saan.
“This is a coup d'état! The student council will take over. I will take command of K-High!”
Napanganga na lang ako. Hindi ko alam kung ano na ang dapat maging reaksyon. Nag o-overload na ang utak ko dahil sa lahat ng nagaganap. Masyadong mabilis ang takbo ng mga pangyayari.
“I will abolish K-High's current rules!”
Tuluyan na kaming napipi. Walang may lakas loob na magsalita. Maging si Eunice ay nakikinig lang nang nakangiti.
“To whoever that wants to control K-High, come and take it from me.” Sa paraan ng pagsasalita ni Luciel nangingibabaw ang pagiging wala niyang takot. “I'll be waiting.”
Mukhang magsisimula na naman ang isang gera sa loob ng K-High.
Stephan
ILANG beses ko nang isinusuntok ang sariling kamao sa katawan ng punong nasa harap ko pero kulang pa rin 'yon para matahimik ang isip ko. Napatigil lang ako nang marinig ang boses ng presidenteng nagdedeklara ng kudeta.
“Fearless yet unfair,” naibulong ko sa hangin.
“Stephan Sebastian matutulungan ka namin.”
Mula sa madilim na kasukalan, lumitaw isang taong may suot na hood at natatakpan ng maskara ang mukha. And he's not alone. I can feel the presence of the others crawling in the dark.
“Fuck off, wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.”
“Pwede nating ibalik sa kanila ang nangyari kay Yasmin Balmaceda.”
“Bingi ka ba? And why does everyone know about my business, am I that famous?!”
“Hindi sila patas.” Napailing na lang ako dahil inignora na naman ako nito. “Hahayaan mo lang ba sila?” Saka ako tinalikuran.
Nakakailang hakbang na 'to nang lingunin ako na para bang naghihintay bago pumasok sa kadawagan.
Sana ipinaglaban mo ang nararamdan n'yo sa isa't isa, Stephan.
Napailing ako sa naalala. She may be right, but it's already too late for me. I took steps toward the darkness. This is my way of saving myself from insanity, to forget that I'm suffering from losing my own heaven in hell.
Auriel
KINAUMAGAHAN, daldalan agad ng mga estudyante sa pasilyo ang sumalubong sa 'kin habang madali akong naglalakad.
“Hindi kaya gumaganti lang ang mga Addison sa mga Bryceton dahil sa mga nangyari noon?”
“Tapos lahat tayo damay!”
Hindi ko naiwasan ang hindi mapalingon sa mga nadaanan. Tama ang hinala kong kilala ng mga estudyante ang mga Addison. Lalong napukaw ang kuryosidad ko nang malamang pwedeng paghihiganti ang rason ng mga 'to. Siguradong mapaparalisa ang mga pamilyang miyembro ng Underground Government kung ang mga tagapagmana nilang nasa K-High ay mapapasakamay ng Addison Mercenaries.
Diretso na sana akong papasok sa student council office kundi lang sa mga napansin kong nagkukumpulan sa tapat ng bulletin board.
K-High's new and only rule. Effective immediately!
The whole K-High premise is now a safe zone.
The Student Council President Luciel Villaseran dares you to defy him.
SC Secretary
Canary SalazarIlang beses kong ikinurap ang mga mata para masigurado ang nababasa. Baka kasi inaantok lang ako at namamalikmata.
“Hindi mababago ang nakalagay d'yan kahit paulit-ulit kang kumurap. It's printed by ink,” giit ng kadarating lang na bisi presidente.
Nagpulasan naman ang mga nakakalat na estudyante sa tapat ng opisina nang mapansin siya.
Kibit-balikat na dumaan sa harap ko si Xander. Ilang segundo siyang hindi gumalaw sa puwesto habang hawak ang nakaawang na pinto. Saka lang siya kumilos at humakbang nang una akong pumasok sa loob.
Napatingin sa direksyon namin ang apat na taong laman ng kuwarto. Napako ang paningin ko kay Eunice na hindi ko alam kung bakit naroro'n pero mas napatitig ako kay Stephan na hindi ko inaasahang makikita pa sa loob ng opisina.
“What? Baka bigla na lang akong matunaw rito,” natatawa at direktang tanong nito sa 'kin.
Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig at ekspresyon niya. Tumatawa na uli siya gaya ng dati.
“Yo, Xander!” bati pa niya sa kasunod kong simple siyang tinanguan bago dumiretso kay Luciel.
“Nakausap ko na ang faculty. They'll continue to teach and will do as you say, President.”
Pagkatapos ng ibinalita ni Xander, seryosong tiningnan ni Luciel si Stephan na parang may hinihintay siyang sagot galing dito. Nasa gitna yata sila ng usapan na naputol lang ng pagdating namin.
Humalakhak bigla si Stephan. “I agree to follow the new rule. Why else would I be here?”
“I'll agree for now.” Si Eunice naman ang nagsalita. “Pero sa oras na mapatigil ang mga nanggugulo. Expect people power,” nakangiti niyang dagdag. “What's happening right now is like martial law. Let me play the part of former President Cory Aquino later.” Iyon lang at nilisan na nito ang kuwarto.
“That woman is more of a problem than I am.” Napalingon na lang kaming tatlo kay Stephan, maliban kay Luciel na walang pakialam sa narinig. “Tama naman ako ha?” he chuckled.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017