XIV: Purgatory

99.9K 3.6K 116
                                    

Chapter XIV
Purgatory



Auriel



Ilang segundo nang 'di kumikilos ang duguang nakahiga sa sahig bago bigla na lang napaluhod ang may hawak sa patalim. Lito akong napatitig dito nang mapansin ang tumutulong luha sa mga mata niya.



“Caught red-handed.”



Ikinagulat ko ang narinig na boses ni Stephan galing sa isang madilim na sulok. Bigla na lang kasi 'tong sumulpot.




“W-wala akong kasalanan,” nangangatal na saad ng lalaking nakaluhod pa rin. “Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko. H-hindi ko gustong pumatay.” Nanginginig ang mga kamay nitong nabitiwan ang hawak na kutsilyo.




“K-kanina pa ba nandito si Stephan?” naisaboses ko ang nasa isip.



“Kasabay natin siyang dumating,” walang anumang sagot sa 'kin ng presidente.




Si Stephan yata ang rason kaya pinigil niya 'kong lumapit kanina. He could also be the reason why the president said that the fate of those two were already decided.




“Your excuses don't matter. Nakapatay ka at may mga saksi,” nakangising anas ni Stephan na binigyang-diin ang huling salitang binigkas. Saglit pa nitong nilingon ang direksyon namin bago ibinalik sa nasa harap niya ang mga mata. “The purgatory will be your judge according to K-High's law. Kapag nabuhay ka pagkatapos parusahan, wala kang kasalanan. Kapag namatay ka, nagkasala ka. As simple as that.” Lalong lumapad ang ngiti nito.



Purgatory?



Tumayo ang lalaki at sumunod na lang. Kung susuway siya siguradong dito pa lang papatayin na siya ni Stephan. Nasundan ko na lang ng tingin ang mga 'to na magkaagapay na naglakad palayo hanggang sa maglaho sila sa dilim.




“Remember this very well, Ms. Fortalejo. Killing is only unpunishable when you're not caught. So, never be caught. Especially by Stephan Sebastian,” paalala sa 'kin ng presidente bago sumunod sa direksyon kung saan nawala ang dalawa. “Isa pa nga pala, pumunta ka sa dormitoryo. Sabihan mo si Ms. Salazar na ihanda ang dorm clinic,” utos nito bago tuluyan na ring nilamon ng dilim.




Kahit hindi ko alam kung para saan ang iniutos niya, tumakbo na lang din ako pabalik sa dorm. Pagkasabi ko ng ibinilin ng presidente, mabilis na kumilos si Canary. Inihanda nito ang kuwarto at naglabas ng mga halamang gamot.





Hindi ako mapakali habang sinusundan ang mga kamay ng orasan sa pag-ikot. Labinlimang minuto na lang at mag i-isang oras na mula nang maghiwalay kami ng presidente.




“Malamang pabalik na ang captain. Halika,” tawag sa 'kin ni Canary bago tumayo.




Imbes na sa main door, sa stockroom ng clinic kami nagtungo. Tinulungan ko si Canary na iurong ang isang istanteng puno ng mga garapong naglalaman ng iba't ibang uri ng halaman. Isang lihim na pintuan pala ang natatakpan no'n. Saglit lang ay nakarinig kami ng tatlong magkakahiwalay na katok. Dalawa o tatlong segundo ang pagitan ng bawat isa. Agad binuksan ni Canary ang pinto at mula ro'n, pumasok ang presidente kasama ang lalaking pinarusahan ni Stephan.





Tumulong si Canary sa pag-alalay. “Auriel, i-lock mo ang lahat ng pinto,” utos niya na sinunod ko kahit wala akong ideya sa kung ano ang nangyayari.




Naabutan kong nakahiga na sa clinic bed ang lalaking tadtad ng pasa, galos at sugat. Puro dugo na rin ang suot nitong uniporme. Nakita ko ang bimpo at planggana sa ibabaw ng mesa kaya naisip kong punasan 'to. Saka ko lang napansin na nakaupo pala ang presidente sa malapit at tahimik na nanonood. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa paraan niya ng pagtitig.





“Captain, sigurado kayong hindi na dapat bendahan 'yan?” bungad ni Canary pagkalabas ng stockroom. May dala siyang mga halamang gamot na itinapal niya sa braso ng presidente.





“Napa'no 'yan?” usisa ko nang mapansin ang mga pulang bakas sa braso ng kasalukuyang ginagamot ni Canary.




Walang sumagot ni isa sa kanila.




“E, ang mga halamang gamot sa'n nanggagaling?” pag-iiba ko sana ng usapan.




Makahulugan silang nagkatinginan bago nagsalita ang presidente. “Your curiosity will be the cause of your own demise, Ms. Fortalejo.”




Natahimik ako dahil may punto siya. Ang pagiging mausisa ko ang dahilan kaya ako nasasangkot sa delikadong mga sitwasyon. Curiosity and bad luck is never a good combination.



Itinuloy ko na lang ang pagpupunas sa wala pa ring malay na nakaratay sa kama. Ako na rin ang nagpalit ng damit nito habang nagdidikdik si Canary ng halaman para sa mga pasa at sugat. Wala namang imik ang presidente na pinagmamasdan uli ang mga kilos ko. Nahirapan akong kumilos dahil alam kong nakatingin siya. His piercing gaze made me self-conscious.




“N-nasaan ako?” tanong agad ng sugatang lalaki na biglang nagising.




“Sa dorm.” Si Canary ang sumagot.




“Nasa'n ang president?” Iginala nito ang mga mata. At nang matagpuan ang hinahanap na nakaupo at nakasandal sa pader ay muli 'tong nagsalita. “Salamat po.”




“'Wag mo 'kong pasalamatan,” malamig na tugon ng presidente. Seryoso ang ekspresyon nito sa mukha. “Hindi na 'to mauulit kahit pa miyembro ka ng faction na hawak ko.” Tumayo 'to saka naglakad palabas ng clinic. “Also, Mr. Cuervo, you're suspended.” Huling narinig namin bago tuluyang sumara ang pinto.




“Salamat,” nakayukong bulong ng lalaki na sa tingin ko'y hindi na narinig ng umalis. Ibinaling na nito sa 'kin ang mga mata. Parang nagulat pa 'tong makita ako sa tabi niya. “S-sino ka?”





“Auriel Fortalejo.” Napigil ng pagsagot ni Canary ang gagawin ko sanang pagtayo at pag-alis na lang nang walang sinasabi. “Siya ang naglinis at nag-alaga sa 'yo, Rafael.”





“Salamat, Auriel. Salamat din, Ms. Canary.”




“Hindi sapat ang pasasalamat mo.” Iyon lang at humakbang na si Canary palabas.




“Bagay sa 'yo ang pangalan mo,” sabi ng lalaki na sa 'kin na uli nakatingin.




Mapait akong napangiti nang maisip kung bakit niya nasabi 'yon. Ganyan pa rin kaya ang magiging tingin niya kapag nalaman niyang nando'n ako kanina at pinanood lang sila?






“Ano'ng nangyari kanina? Bakit ka pumatay?” lakas loob kong tanong.





Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ko ginusto 'yon. Magkaibigan kami. Kaibigan ko na si Ric bago pa kami mapasok sa eskuwelahang 'to. Kaya lang may lumason sa isip niya.” Naikuyom ni Rafael ang kamay na may benda. “Sabi niya sa 'kin kanina, may nakakaalam daw ng sikreto namin at pareho kaming mamamatay kung hindi niya 'ko papatayin,” may pait sa boses nitong dagdag. “Nadala lang ng takot si Ric.” Natahimik siya saglit. “Gaya niya, nadala rin ako. Lahat naman tayo takot mamatay.”





“Sa'ng faction miyembro ang kaibigan mo?”




“Bloodlust.”




Napatda ako. Bloodlust na naman.





May nangyayari yata talaga sa Bloodlust. Para silang iniisa-isa. May katotohanan siguro ang narinig ko noon kay Yasmin: may gustong magpabagsak sa Bloodlust.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon