Chapter XLIX
Selfishness And ChangeAuriel
Sa gilid ng mata ko'y nasilip ko ang paglalakad palayo ni Canary habang nag-uusap kami ni Kiel. Hindi na 'ko nakapagpaalam sa kanya dahil ang hirap putulin sa pagsasalita ang kausap kong hindi nakapansin sa pag-alis niya.
“But are you really okay? Tungkol kay Eunice?” ani Kiel na tumapos sa kanina lang ay masaya naming kuwentuhan.
Ilang marahang iling lang ang naisagot ko habang nakatitig sa damuhang inuupuan namin. Nabawasan nga ang nararamdaman ko dahil kahit papano'y nailabas ko kanina pero hindi 'yon basta na lang mawawala. “Tama ka sa ipinaliwanag mo sa 'kin noon.”
Nabigla siguro si Kiel sa diretsahan kong sagot kaya sandaling natahimik.
“Auriel,” tawag niya kasabay nang paghawak sa kamay ko. “That's reality. Not only here in K-High, that people like Eunice exist.”
Mabilis kong nakuha ang ipinupunto niya. Makapagkunwari, makasarili at mapanamantala, ang karamihan ng tao sa loob o labas man ng eskuwelahang 'to. Marami ang handang manggamit ng iba para sa sariling kapakanan.
Humans are selfish and pretentious by nature.
“Your face is getting scary.”
Dahil sa narinig, napalingon ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. Matagal akong tinitigan ni Kiel bago nagsalita uli.
“Hell's finally getting to you, isn't it?” Inilipat niya ang paningin sa magkahawak pa rin naming mga kamay.
Napabitiw ako sa kanya nang namalayang bumabaon na ang mga kuko ko sa palad niya dahil sa mahigpit kong paghawak do'n. Hihingi na sana ako ng tawad nang may marinig.
“Auriel—Auriel.”
Sabay naming sinipat ni Kiel ng tingin ang paligid para alamin kung saan galing ang mahinang boses. Nauna akong tumayo at naghanap na sinundan niya.
“Au— riel”
Nang matunton ko ang boses, nadatnan kong nakaupo't nakasandal sa puno ang hinihingal na si Janina. Basang-basa ang suot niya ng sariling pawis. Para bang may tinakasan siyang kung ano.
Napansin kong may dugo ang mga kamay niya. Lumuhod ako sa tabi niya at kinuha ang mga 'yon “Ano'ng —” Napatda ako nang makitang nagdurugo ang mga palad niya at tadtad ng hiwa.
“Kukuha ako ng pang benda at—” Akmang tatayo na 'ko nang pigilin niya 'ko sa balikat.
“Be... careful.... Auriel,” bulong niya sa pagitan nang paghabol sa sariling hininga. “Things are going to... change.” Bakas sa mga mata niya ang takot at pangamba. “You can't outrun K-High... this time.”
Pakiramdam ko para sa 'ming dalawa ang sinabi niya.
Iglap lang, nakatayo na siya't nakatakbo pabalik sa parte ng Forest Park na pinanggalingan niya. Naiwan akong tulala.
“Things are definitely going to change,” makahulugang dagdag ni Kiel.
“What are you doing there?” tawag sa atensyon ko ng pamilyar na boses habang papalapit.
Ang boses na gusto kong laging naririnig.
“May group activity pa nga pala ako.” Tarantang sinilip ni Kiel ang suot na wrist watch bago nagmadaling humakbang. “Later, Auriel,” baling niya sa 'kin bago tinanguan ang student council president bilang pagpapaalam saka tuluyang tinakbo ang entrance ng west wing.
“Back to my quest—”
Hindi niya na natapos ang sinasabi nang makalapit sa 'kin. Inabot ko kasi ang isa sa mga daliri niya at kinapitan 'yon habang nakatingala sa kanya. “Luciel.”
“My name sounds sweet coming from your lips.”
Natigilan ako. Iba talaga ang epekto sa 'kin kapag ganyan siya magsalita. Mas sanay ako na ma-awtoridad at matalas ang mga salitang binibitiwan niya. Kapag kasi ang lambing ng boses niya, ibang kaba ang nararamdaman ko.
“So, who dare made my sweet little Hany cry while I was away?” bulong niya kasabay nang pagluhod sa tabi ko. Mapang-asar ang linya niya pero may lambing ang pagkakasabi niya n'yon.
Nang makabawi, ikinuwento ko sa kanya kung sino ang nakita. Inulit ko ang mga sinabi ni Janina.
Saglit nanahimik si Luciel habang tila may malalim na iniisip bago nagsalita uli. “I already told you that I'll protect you with my life.“ Malamlam ang mga mata niyang nakatunghay sa 'kin. “More than the student council president, I am your—”
Bigla siyang tumigil at hindi na itinuloy pa ang sinasabi, na ipinagtaka ko man ay mas pinili ko na lang na 'wag usisain.
“M-may klase pa nga pala ako.” Saka ko lang naalala ang natitira ko pang mga subject.
Walang salita siyang tumayo at inalalayan ako. Naglalakad na kami palabas sa tagong parte ng garden ng dorm ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko.
“Baka may makakita sa 'tin?” tanong ko nang mapansin ang ilang estudyante sa bintana.
Imbes na bumitiw, mas dumikit pa siya sa 'kin. “Let them see.”
Gano'n kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa west wing. Bago kami maghiwalay ng pasilyong daraanan, bigla siyang may inilagay sa kamay ko: isang puting sobre at isang piraso ng paborito niyang tsokolate.
“Teka, hany mo 'to,” nagtataka kong anas.
“No, you are my Hany,” marahan niya pang idinikit sa noo ko ang hintuturo bago ako tinalikuran at naglakad palayo.
Para akong trumpo na napaikot sa kinatatayuan para lang alamin kung may ibang tao sa paligid. Hindi dahil sa natatakot akong may makahuli sa 'min, kundi para masigurado kong walang ibang nakarinig sa kanya.
Ako lang dapat ang makakarinig kapag naglalambing siya.
Mabilis kong tinakbo ang direksyon patungo sa classroom ko habang isinisilid sa loob ng bulsa ko ang puting sobre kasama ang hany na ibinigay ni Luciel. Wala na 'kong oras alamin kung kanino galing ang sulat at kung ano ang nilalaman n'yon, nasa limang minuto na lang kasi bago magsimula ang klase ko.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mystery / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017