LXVIII: Solution

74.3K 2.7K 520
                                    


Auriel



SINUWERTENG natapos ng maaga ang pagpapalista ng mga sasali sa Strike Corps dahil sa tatlo kaming nagtulong-tulong. Pagkatapos ng klase, inipon agad lahat ang mga opisyal na miyembro na halos umabot sa isang daan.



"This feels like we're going to war," komento ni Stephan habang tinatanaw ang lahat nang nakatayo sa harapan namin kabilang na si Eunice.



Nagsimulang magpaliwanag si Xander na tahimik na pinakinggan ng lahat. Ipinagdiinan niya rin kung ano ang dapat gampanan ng Strike Corps. Pagkatapos, hinati-hati niya ang mga estudyante sa anim na grupo, tatlo ang nasa ilalim niya habang ang natitirang tatlo ay pamumunuan ni Stephan. Sa tulong namin ni Canary na nagbackground check at interview sa mga kasali, sinigurado ni Xander na hiwa-hiwalay ng grupo ang mga magkakakilala, magkaka-faction at ang may mga koneksyon sa isa't isa. Sa gano'ng paraan kung may mga Mercenaries man na nakapasok ay mahihirapan silang magpalitan ng impormasyon.



Dalawa sa grupong hawak ni Stephan ay tinawag na Day Watchers na siyang roronda sa buong eskuwelahan umaga hanggang hapon. Night Watchers naman na hawak ni Xander ang roronda sa gabi hanggang madaling-araw. At ang dalawang natirang grupo mula sa dalawang commanding officer ay itinalaga para salitang magbantay sa Bryceton heir saan man 'to magpunta.



Hindi ko masabi kung ano ang nasa isip ni Luciel habang pinagmamasdan siya. Natapos kasi ang malinaw na paliwanag ni Xander nang nasa tabi lang siya nito at hindi nagsasalita.


Lumipas ang mga araw na naging mapayapa ang K-High. Naging makabuluhan ang pagbuo sa Strike Corps na itinuturing nang parang pulis ng karamihan sa mga estudyante.



Mapapalagay na sana ako kundi lang sa impormasyong alam ni Stephan na inaabangan kong ibigay niya kina Luciel.



"Why are you staring at me? Crush mo na 'ko?" tanong ni Stephan na nakapagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan.




Balak ko sanang sumagot na hindi ko naituloy dahil sa paghampas ni Luciel sa mesa niya na lumikha ng ingay.



"What? Siya 'yong nakakatitig sa 'kin, hindi ako," natatawang dagdag ni Stephan.



"Tinititigan ka ni Auriel kasi may ketchup ka sa bibig." Siyang pasok ni Canary sa opisina na naging pinakaabala sa nakalipas na mga araw. Siya kasi ang umaasikaso sa schedule ng bawat miyembro ng Strike Corps.



Tinutulungan ko siya para kahit papa'no, gumaan ang gawain niya.



"Auriel, why didn't you say so?" reklamo ni Stephan habang pinapahid nga ang ketchup na nasa tabi ng labi niya na hindi ko naman talaga napansin kanina dahil sa kawalan ako nakatulala.




"May maliit na problema," singit ni Canary na kumuha sa atensyon namin. "Nahihirapan ang mga nagbabantay kay Xander sa gabi. Hindi sila sanay magpuyat. At may mga klase sila kinaumagahan."




Pare-pareho kaming natahimik para mag-isip hanggang sa si Xander ang naunang magsalita. "I don't really need SC members guarding me at-"



"You might not need them, but you need to be safe." Sukat sa sinabing 'yon ni Luciel ay napatingin kami sa kanya. "I have a solution."



Nagtaka ako nang ngisian niya 'ko bago nagsalita uli.



"At night, Mr. De Silva can stay in Hell's Scythe on the fourth floor."



Oo nga at ligtas si Xander do'n dahil sa electronic lock pero sinasabi ba ni Luciel na ibibigay niya ang buong palapag na siya ang nagmamay-ari?



"Kung gano'n ang gagawin natin, saan ka matutulog, Captain?" Ang tanong na gusto ko rin sanang itanong ay nauna nang banggitin ni Canary.




"I'll stay with Auriel during the night," sagot ni Luciel na alam kong hindi inaasahan ng lahat.



Sa hindi malamang dahilan napatayo sa kinauupuan niya si Stephan. "Hey, isn't that against the rule?"



"What rule, Mr. Sebastian?" nakakalokong tanong ni Luciel habang nakangisi.


"Shit!" naibulalas na lang ni Stephan nang maalala na inalis na nga pala ang lahat nang naunang batas ng K-High. "Either way that's against the law of-of etiquette. That's right! What you want is against the law of etiquette."



Tingin ko'y lumabas lang sa bibig ni Stephan ang sinabi dahil sa kawalan ng isasagot.



"I didn't know that you were this conservative, Stephan." Pakikisali ni Xander sa usapan. "Knowing that you and Yasmin always-"




Mabilis na itinakip ni Stephan ang kamay sa bibig ni Xander na tinabig din nito agad.




Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang reaksyon ni Stephan na para bang napakalaking mali ng suhestiyon ni Luciel. "Ayos lang naman sa 'kin. Malaki ang kuwarto," sagot ko na ikinabigla ni Canary at ikinatigil ni Stephan.




"Don't you know what sleeping with a guy means?"




"Bakit, ano pa bang ibang kahulugan no'n?" nagtataka kong balik tanong base sa tanong na ibinato sa 'kin ni Stephan.



Imbes na sagutin ako, nagtanong siya uli. "Bakit, sa 'yo ano bang ibig sabihin no'n?"



"Matutulog kaming magkasama sa iisang kuwarto. Pwedeng matulog si Luciel sa couch."



"Aren't you too naive? All men are wolves," paliwanag ni Stephan na ikinakunot ng noo ko bago tiningnan si Luciel na halatang naaaliw sa takbo ng usapan. "And Pres isn't an exception."



"Weird hearing this kind of things from Stephan," pag-sabat ni Xander na hindi pinansin ng tinutukoy niya.



"Hindi sa pinapaboran ko ang gusto nilang solusyon." Pati si Canary na akala ko'y makikinig lang ay nagsalita na. "Pero bakit ganyan ang reaksyon mo Stephan? Para kang tatay na nagpapaalala sa anak."



Napatingin kami kay Stephan na parang nalilito rin sa sariling ikinikilos.



"Not a father, Can-Can. I'm more of a brother. Yeah, I'm like a brother," sabi ni Stephan na parang mas mukhang kinukumbinsi ang sarili kaysa sa 'min. "Hey wait, can't the two of them share the-"



Hindi na nakatapos sa sasabihin si Stephan dahil siningitan siya ni Luciel. "Don't mind him, Hany. Mr. Sebastian is just overthinking. The main point here is that the problem is solved. Ms. Salazar, ang sabihan mo lang tungkol sa pagbabago ay ang mga nakatalagang bantay. Tell them to keep the change a secret to everyone including all the SC members," utos niya pa na tumapos sa diskusyon.



Mabilis na tumalima si Canary samantalang tahimik na lang na naupo si Stephan.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon