XL: The Girl Who Won't Cry Wolf

86.5K 3.1K 295
                                    

Chapter XL
The Girl Who Won't Cry Wolf




Yasmin



Sumama agad ang timpla ko nang mapagsino ang makakasalubong sa corridor. Bigla na lang lumitaw si Auriel galing sa loob ng saradong classroom. Nakakadismayang hanggang sa labas ng opisina siya pa rin ang makikita ko.




Nalipat ang atensyon ko sa katabi niyang si Kiel Sandoval na nasa rank 10. Bakit ba parang malapit ang Auriel na 'to sa mga nasa kill ranking?




“Why were you inside, Auriel?” may diing tanong ng lalaking kanina lang ay naglalakad sa likuran ko.



“May tina—”





“And wipe that grin off your face.” Hindi pa man nasasagot ang unang tanong ng presidente ay may kasunod na agad 'yon.




“Hindi naman ako nakangiti,” sagot ni Auriel na papalapit na sa 'min.





“Hindi ako bulag.” Pareho silang huminto sa paglalakad nang magpang-abot na. “Where are you headed?”





“Babalik na kami ni Kiel sa dorm.” Nakangiti na naman 'to.




At ang ngiting 'yon ang dahilan nang tuluyang pag-asim ng mood ng student council president.




“You can't return to the dormitory just yet, there's something you need to finish.” Inis na sabi ng presidente sa babaeng walang kaide-ideya kung bakit ganyan ang ipinapakita niya. “Pwede ka nang umalis, Ms. Balmaceda. May iba nang tatapos sa natitirang trabaho,” utos na nito sa 'kin nang hindi ako tinatapunan ng tingin.




Hindi na 'ko tumutol. Pabor sa 'kin na si Auriel na ang magtutuloy sa mga papel na iniwan ko sa mesa.




Diretso ko silang nilampasan. Kusang napataas lang ang kilay ko nang mahuling sinusundan ng tingin ni Kiel ang paglayo ko. Nginitian pa 'ko nito nang magtama ang mga mata namin.





“Sumunod ka sa 'kin, Auriel.” Huli kong narinig mula sa presidenteng halatang nagseselos.




Tinatahak ko na ang hallway papunta sa dorm ng Bloodlust nang may maramdaman na nakapagpatigil sa 'kin sa paghakbang. May pares ng matang nagmamasid sa 'kin.




Nang may aninong naaninag mula sa madilim na sulok, mabilis kong inihagis papunta ro'n ang nakahanda kong patalim. Sinalo naman 'yon ng kung sino na ngayon ay prente nang nakasandal sa pader.




“Ano'ng kailangan mo?” tanong ko nang mabistahan ang babaeng natatakpan pa rin ng dilim ang mukha.





“Ikaw ang may kailangan sa 'kin.” Hindi man masyadong maliwanag sa kinalalagyan niya, litaw pa rin ang kanyang pagngiti.





“Don't be ridiculous. Why would I need you?”




Ibinato nito pabalik ang patalim na akin ding sinalo.





“Something good will happen soon.” Lumapad ang ngisi sa labi niya. “And you'll get the chance that you're waiting for. I'll help you just like what I told you during Kill Off.”




“At bakit mo naman ako tutulungan?” Matalim na titig ang ibinigay ko sa kanya. “Kaibigan mo si Auriel Fortalejo.”





Bigla na lang siyang tumawa. “Walang lugar ang pagkakaibigan sa K-High, Ms. Student Council Secretary.”





“Then, what's in this for you?”





“I'm against love and friendship in K-High. Nasa rules ng eskuwelahan na bawal ang mga 'yon pero marami pa ring estudyante ang patagong sumusuway. I don't like incompetent people. Auriel is one of them.”




“So, you're planning to use me for your own selfishness?” taas kilay kong sagot.





“Not use.” Iwinagayway pa nito ang isang daliri para ipaalam na mali ang iniisip ko. “Call it a partnership. Iisa lang naman din ang gusto nating mangyari.” Unti-unti siyang naglakad patungo sa liwanag hanggang sa malinaw ko nang nakita ang nakangiti niyang mukha. “I follow the rules and I find it unfair, na nananatiling buhay ang mga hindi naman sumusunod. Nasa'n ang hustisya ro'n?” she said pouting like a child.





“Ikaw ba ang Tagahatol?!” tanong ko base sa mga pinagsasasabi niya.





Malakas na naman siyang humalakhak. Kulang na lang ay gumulong siya sa sahig katatawa. “I'll leave the guessing to you, Ms. Secretary.”





Hindi ko man mawari kung ano ba talaga ang nasa utak ng kaharap, totoo namang iisa lang ang gusto naming mangyari. At dahil nasa parehong faction sila ni Auriel, hindi niya magawa ang binabalak niya rito. Isama pa na laging nakabantay ang student council president na lalong nagpakumplikado sa sitwasyon.





“You said plenty, but still not enough to fool me in believing your half-baked explanation.”





“Hindi ka naniniwala o lumambot na rin ang puso mo?” Sinabayan niya ang sinabi ng nakakairitang tono ng pananalita. “Did Auriel also make you softer? Does she give off some kind of light? A ray of hope perhaps?” Halata ang pang-uuyam.





Natigilan ako. Hindi kaya may alam siya sa rason kung bakit ko gustong mawala si Auriel?




“Fine, I'll take you up on your offer, so zip it.”




Pwedeng pumabor sa 'kin ang sitwasyon. Pwede ko siyang gamitin para mapadali ang pagtrabaho ko kay Auriel. At kapag napatunayan kong may alam siya tungkol sa 'min ni Stephan, isusunod ko siya.




“Alright then.” Malakas niyang pinagdaop ang dalawang palad. She looked pleased. “I will lead the sheep to the top of the hill, and won't cry wolf even if there is one,” makahulugan niyang dugtong bago naglaho sa dilim.









Tatlong araw na ang lumipas mula nang makausap ko si Eunice Ferrer. Pagbabalik-tanaw ko habang pinagmamasdan ang mga armadong lalaking papalapit na sa arko ng eskuwelahan.




Ito ba ang sinabi niyang magandang mangyayari?





“Ngayon na lang uli may bumisita sa K-High.”





“Shit, this will be fun!”





Usapan ng ilang nasa corridor gaya ko. Sabik ang mga 'to sa magaganap. Infiltrators in K-High is a normal occurance. So normal it's automatically considered as a special event to gather points for the kill ranking.





Sa gitna nang unti-unting pagdagsa ng mga estudyante sa pasilyo, napalingon ako sa isa na tumayo sa tabi ko. Binulungan lang ako nito at agad ding umalis.





“Too bad, I can't participate in Killing Spree.” Panghihinayang ko bago naglakad patungo sa kung saan gusto nitong hintayin ko ang kawawang tupa.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon