IV: Hell's Scythe

121K 4.5K 537
                                    

Chapter IV
Hell's Scythe

Third Person




Muntik na tayo!”



Napalingon pa ang isa sa dalawang lalaki sa pinanggalingang pasilyo kung saan nila nakasalubong ang taong kayang tapusin ang mga buhay nila nang walang pag-aalinlangan.



Mabuti na lang at safe zone.



“Gago ka kasi. Sabi mo habulin lang natin.”



“Gusto mo rin naman,” biro nito sa kasama. “Suwerte ng nerd na 'yon. Kung naabutan natin siya, kakapasok niya pa lang ngayon, bukas drop out na agad siya.”



Napatawa na lang ang dalawa.



“Kayo, hindi susuwertehin.”

Mula sa dilim, isang anino ang naaninag ng mga 'to na nakapagpatahimik sa kanila.


“Mayamaya lang, drop out na kayo.”




Auriel



Mabuti at buhay ka pa, Ms. Auriel Fortalejo,” bungad sa 'kin ng babaeng nadatnan ko sa pintuan ng gusaling tinutukoy sa mapang nasa kamay ko.



Minarkahan nito ng tsek ang pangalan kong nakasulat sa hawak na organizer. “Pero mukhang malapit ka na ring mamatay,” dagdag nito nang mapansin ang walang tigil na pagdurugo ng sugat sa leeg ko. “Gusto mo ng first aid?”



Tango na lang ang naisagot ko.



Saglit siyang nawala. Pagbalik, may dala na siyang kahon ng first aid na iniabot niya sa 'kin.



“May bote d'yan na may katas ng dahon ng mayana. Patakan mo no'n ang sugat mo bago mo lagyan ng band aid o bulak. Sa dorm hall mo na rin gamutin ang sugat mo. May announcement ako,” walang anumang sabi niya bago nawala sa paningin ko.



Mabigat ang mga paa, tinungo ko ang lugar na binanggit nito. Iyon ang pinakasentro ng apat na palapag na gusaling sinisilungan ko ngayon na maihahalintulad sa mansyon ang laki. Naabutan ko ang mga estudyante ro'n na naghinihintay. Nakatayo ang iba, habang ang iba naman, sa sahig nakuntentong umupo.



Masaya silang nagkukuwentuhan na madalas ay may kasamang ngiti. Simula kanina, masasabi kong 'yon ang pinakanormal na sitwasyong nakita ko buong araw.



Naupo ako sa isang bakanteng upuan na malayo sa karamihan bago sinimulang gamutin ang sugat ko. Ang alam ko, hindi naman gano'n kalaki ang hiwa sa leeg ko pero halos magkulay pula na ang kuwelyo ng suot kong uniporme.



“Kumpleto na ba ang mga bago?” tawag sa atensyon ng lahat ng babaeng nag-abot sa 'kin kanina ng first aid. “Mukhang kumpleto naman na. Akala ko mababawasan na agad ng isa, unang araw palang.”



Siguradong ako ang tinutukoy niya.



“Once again, welcome to K-High. I am Canary Salazar, Hell Scythe's territory manager.”



“That's our faction, Hell's Scythe.”



Muntik na 'kong mapatalon dahil sa biglang pagsulpot ni Eunice sa tabi ko. Ni hindi ko napansin ang paglapit niya.



Napatingin agad ako sa kamay niyang may bahid ng dugo. “May sugat ka. Heto ang first aid.” Akmang iaabot ko na sa kanya ang hawak.



“I'm fine,” walang pakialam nitong ipinunas ang mga kamay sa unipormeng suot. “See?” Iniharap pa niya sa 'kin ang mga palad na wala ngang sugat. “May nilinis lang kasi ako,” nakangiti niyang dagdag.



Ipinagwalang bahala ko na lang din ang dugo at ibinalik na ang atensyon ko sa territory manager na nagsasalita pa rin sa unahan.



“This will be your home and your lifeline. The dormitory is a safe zone. Same as those other dormitories for each faction. Umasa kayo na sa loob ng dormitoryo hindi kayo mapapatay. O kung mapatay man kayo, tiyak na susunod agad sa inyo ang gagong naglakas-loob na pumasok dito.”



Sa sinabing 'yon ni Canary, parang wala ring safe zone. At this rate, nowhere in this school can really be considered safe.



“Ampalaya girl, mukhang malakas ang kapit mo sa suwerte,” bulong ng katabi ko nang hindi ako nililingon. “You're under the direct command of the student council president.”


Kasasabi pa lang ni Eunice n'yon nang patotohanan ni Canary.



“Matuwa kayo dahil ang nag-iisang student council president mismo ang may hawak ng mga buhay n'yo,” may pagmamalaking saad nito.



Hindi na 'ko nabigla na malamang ibang tao na ang may hawak ng buhay ko.



“Unfortunately, hindi makakadalo ngayong gabi ang captain natin dahil abala siya sa student council—” Naputol ang sasabihin pa sana ni Canary dahil sa biglang pagsasalita ng isang boses sa speaker.



Assasination report: Double kill. Kill points to Hell's Scythe.



Bago ko pa kumpletong marinig ang mensahe, nagtakbuhan na palabas ang lahat ng nasa dorm hall. Wala na rin akong nagawa nang hilahin ako ni Eunice palabas.



Sinundan namin ang agos ng mga nagkakagulo na dinala kami sa open field ng eskuwelahan. Naro'n din ang ibang estudyante na mahahalatang galing sa ibang faction base sa pinagmulan nilang direksyon.



Nakipagsiksikan si Eunice nang hindi ako binibitiwan. Halos makagat ko naman ang kamay na itinakip ko sa 'king bibig nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.


“Siguradong ang president ang may gawa nito.”



Nagsimula silang magbulungan.



“Siya lang naman ang wala sa dorm.”



Hindi ako pwedeng magkamali, ang dalawang wala nang buhay na lalaki sa harapan ay ang mga humahabol sa 'kin kanina lang. Magkatalikod ang mga 'to na nakasandal sa isa't isa habang may tig-isang patalim ang nakasaksak sa kanilang lalamunan.



It was chilling and terrifying to look at.



Kapansin-pansin ang papel na nasa kandungan ng isa sa kanila. A symbol was printed on it. Dalawang karet ni kamatayan na nakaposisyon tulad ng letrang 'X'.



“What a welcome party!” tukoy ni Eunice sa nangyari.



“It's more like a farewell party,” wala sa sariling naisagot ko na nagpahalakhak sa kanya.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon