XXX: Truth or Lie?

86.4K 2.8K 150
                                    

Chapter XXX
Truth or Lie



Canary




Ano'ng ginagawa niya at nakikipagtawanan pa siya sa mga kalaban?!”




“That's exactly the difference between us and her.”




Natigilan ako sa sinabing 'yon ng captain. Hindi ko inaasahang sasagot siya.




“Is that a compliment, Mr. Demon President?” Para namang may gustong patunayan si Eunice sa tono ng pananalita niya.




“Whether it's a compliment or sarcasm, judge for yourselves.” Ibinalik ng captain ang atensyon kay Auriel.




May dalawang oras na lang ang natitira bago mag ala-sais ng umaga. Kanina pa namin pinanonood ang lahat ng kilos ng apat na king ng bawat faction. Nag-uusap sila at nagtatawanan pero may mga sandali ring bigla na lang silang tatahimik at magtititigan.




“Base on what I can see on the table, three of those could be poison and the remaining is a cure,” ani Kiel.




“Or you could be wrong Mr. Sherlock Holmes, and those were just juices to quench their thirst.”




Nagkatawanan na lang ang dalawang nag-uusap na sina Kiel at Eunice.




“I'm more of a Detective Conan,” nakangiting ganting biro ni Kiel. “Observation ko lang naman 'yon. Ano pa ba kasi ang pwedeng laman ng mga basong parang ayaw nilang hawakan at kung walang lunas, pa'no may mananalo?”




Ano pa nga ba?




Hindi namin alam kung ano ang nakasulat sa envelope na dinampot ni Auriel kanina. Wala rin kaming ideya kung anong klaseng test ang kailangan niyang lampasan bilang king ng Hell's Scythe. Hindi kami pwedeng makialam. Isa lang ang sigurado, siya ang pinakaimportanteng piraso sa larong 'to.




“It's a pity we can't join in their fun.” Bakas ang panghihinayang sa boses ni Eunice.




“Mas gusto mo bang ikaw na lang sana ang nando'n?”




“Of course not. Gusto ko lang sanang tulungan si Auriel mag-isip kung alin sa mga basong 'yon ang bubuhay o papatay sa kanya. Besides, pabor sa 'yo na siya ang nando'n, 'di ba Ms. Manager?”




Sinamaan ko lang siya ng tingin. Mas baliw pa siya kay Stephan. Hindi ko maintindihan kung pa'no tumatakbo ang utak niya.



“Nakakamatay ang sobrang pagseseryoso,” nakatawang tawag ni Stephan sa atensyon namin.




Awtomatikong nangunot ang noo ko nang makitang pabilog na nakaupo ang grupo nila sa sahig.




“Bakit hindi na lang tayo maglaro?” yaya pa nito.





“Anong laro 'yan?” interesadong sagot ni Eunice. “Life and death ba?”




“Parang gano'n.”





Sukat sa narinig, nagmadaling lumapit sa kanila si Eunice na sinundan ni Kiel.




Hindi naman natinag sa pagkakasandal sa wire mesh ang captain. Halata ang kawalan niya ng pakialam sa ginagawa ng mga nasa paligid maliban sa iisang babae. Tutok ang mga mata niya kay Auriel na aktong pinag-aaralan ang bawat baso sa mesa.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon