LXVI: The Heir

76.8K 3.2K 370
                                    



Auriel




NAGSIMULANG humakbang si Luciel na sinundan namin. Ilang segundo palang kaming naglalakad ay nagsimula na naman ang isang diskusyon tungkol sa katatapos lang naming matuklasan.




"Hindi malabong magpanggap ang ilang Mercenaries at sumapi sa Strike Corps." Opinyon ni Canary na katulad din ng nasa isip ko. "Siguradong may nagpapadala sa kanila ng mga gamit at armas galing sa labas. Dapat yata, chinicheck natin ang mga sulat at package na dumarating para sa mga estudyante."




"There's no use checking every package that arrives from here on," dugtong ni Xander. "The Mercenaries are not that stupid to risk their identities when we're hot on their trail."



Marahil ay tama siya. Huli na para maghanap ng mga ebidensiyang makakapagturo kung sino-sino ang kasapi sa Mercenaries.





"We can't let things go their way." Pati si Stephan ay naglabas na rin ng opinyon. "Mawawalan ng saysay ang pagbuo sa Strike Corps kung puro rin galing sa Mercenaries ang mga miyembro."



"Who said things are going their way?" nakangising sambit ni Xander na ipinagtaka namin maliban kay Luciel na kanina pa nakikinig lang.




Napahinto kaming lahat sa paglalakad sa pasilyo. Wala rin naman kasi kaming tiyak na patutunguhan. Magulo sa student council office.




"President, leave the problem regarding the Strike Corps to me."




"Do as you please, Mr. De Silva." walang tanong na tugon ni Luciel.



Natulala na lang ako sa ngising ngayon ko lang nakita sa mga labi ni Xander bago ito naglakad palayo.




"As for you, Ms. Salazar, return to the student council office and wait for Mr. Sebastian to arrive with the school's maintenance crew."




Pagkatapos nang narinig, sabay na humakbang ang dalawa patungo sa magkaibang direksyon.




"Ms. Salazar, one more thing," pahabol ni Luciel. "Announce that there will be an assembly in thirty minutes." Mukhang naguguluhan man, tumango na lang si Canary bago umalis.




Naiwan kaming mabagal na naglalakad ni Luciel. Wala akong ideya kung saan niya balak pumunta na sinusundan ko lang.



Tahimik kami ng ilang minuto bago ko nagawang magtanong. "Luciel, ikaw ba talaga ang Bryceton heir?"




Mga salitang nakapagpatigil sa kanya sa kinatatayuan at nakapagpalingon sa direksyon ko.




Nagdaan ang saglit na namang katahimikan bago niya 'ko nginisian. "What if I am, Hany?What if I came from a family of twisted killers, a family greedy to the bones that'll never think twice to kill hundreds of people?" Nakadagdag ang madilim niyang ekspresyon sa bigat ng mga sinasabi niya. "Will you look at me the same way or will you start to see horns over my head?"




Nanatili akong tahimik kaya ipinagpatuloy niya na ang paglalakad. Naiwan akong walang masabi.




Lumipas ang oras nang nakaupo lang ako sa sahig. Sa pasilyo kung saan ako iniwan ni Luciel. Hindi ako nakasagot kanina, hindi dahil may nagbago kundi dahil nag-iisip ako ng sasabihin sa kanya. Mga salitang hindi niya pag-iisipan na kasinungalingan lang. Mga salitang gusto kong panghawakan at paniwalaan niya.




Pinagpag ko ang sarili bago tumayo at tinungo ang gym, malapit na kasing magsimula ang assembly. Pagdating ko ro'n, dinaanan ko lang ang mga estudyante at dumiretso sa entablado kung saan kompleto na ang student council. Naalala ko tuloy ang biro ni Stephan. Dapat nga sigurong maging parte na 'ko ng student council kahit pa Muse lang para karapat-dapat nilang makasama.





Kabado kong sinalubong ang mga mata ni Luciel habang unti-unting lumalapit sa kanya. "Kahit saan ka pang pamilya galing o kahit ano pang pagkatao ang meron ka, hindi magbabago ang tingin ko sa 'yo. If loving you is a sin, I'm prepared to go to hell for it," sabi ko saktong makaupo na sa tabi niya. Walang kahit anong makakatibag sa kung anong meron sa 'min.





Sumilay agad ang ngiti sa mga labi niya. "Your tongue is too sweet for your own good." anas niya na nakapagpangiti na rin sa 'kin.




"President, it's time." Bahagyang sumilip si Canary mula sa kinauupuan para paalalahanan si Luciel.




Pero sa halip na si Luciel ang tumayo, si Xander ang kumilos at naglakad papunta sa mikropono. "I'm not going to make this longer. I am Xander De Silva Bryceton."




Halos malaglag ang panga ko sa narinig bago ko naibaling ang mga mata kay Luciel na kay Xander lang nakatingin.




"I was not really hiding the fact, I don't like bragging it either. Malalaman n'yo rin naman pagdating ng oras na ako na ang nagpapatakbo sa Underground Government." Ang aura ni Xander ay tuluyan nang nagbago. Parang ibang tao na ang nakikipag-usap sa 'min ngayon.




"I didn't see this coming," komento ni Stephan kasunod nang paglingon kay Luciel.




Inakala niya rin sigurong ang katabi ko ang nakatakdang mamuno sa mga Bryceton.




"Revealing who I am is not really the point why you're all here," nakangising turan ng nasa harap. "Right now I am the only one who can grant you freedom."





Ang kaninang mga hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla ay nagsimula nang mag-ingay.




"Alam kong marami sa inyo ang gusto nang makaalis dito kaya bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Do your duty in protecting K-High, be a part of the Strike Corps. And once the Mercenaries are all apprehended those who helped will receive their diploma and graduate. Nasa rank man o wala!"



Hindi ako makapaniwalang naisip ni Xander ang ganitong klaseng taktika. Tiyak na marami ang sasali sa Strike Corps at ang sinumang nagpapanggap lang ay mahihirapan nang gumalaw at kumilos dahil sa dami ng mga matang nakabantay.




"Now, the Mercenaries wouldn't dare join the Strike Corps. They must've thought that they have the upper hand, but it seems that Xander just turned the tables right in front of their faces," seryosong dagdag ni Stephan.




Nakikita ng mga mata at damang dama ko rin na si Xander nga ang Bryceton heir pero para saan ang mga sinabi ni Luciel kanina? Binalak niya lang bang subukan kung gaano katibay ang nararamdaman ko para sa kanya?





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon