XXIII: The President's Other Side

94.8K 3.6K 716
                                    

Chapter XXIII
The President's Other Side

Auriel


You think killing is the only thing I'm good at?” the president said defensively after a short moment of silence.


Muntik na 'kong matawa. “Kung may ibang makakarinig sa 'yo ngayon, baka himatayin sa sobrang pagkagulat.”


Wala kasi talagang makakaisip na ang isang gaya ng student council president ay mahilig sa mga halaman at bulaklak.


“I'll kill anyone else who hears, except you.”


“Oo dahil magka-faction tayo.”


“No, it's not because we're in one faction.”


“B-biro ba 'yan?” dahil sa pagkabigla ay naisaboses ko.



“Wala akong sense of humor, Auriel. Hindi ako marunong magbiro.”


Kusang napabilis ang paglalakad ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko na para sa kanya, hindi ako basta gaya lang ng iba?


Imposible!


Napahinto lang ako sa pag de-delusyon nang mapansin ang isang pamilyar na halaman. “Teka, mayana 'to.” Inilibot ko ang paningin. Saka ko lang namalayan na puro mga halamang gamot ang nasa parteng 'yon ng hardin.


Nilingon ko ang presidente na nag-iwas lang ng tingin gaya kanina. Sa kanya pala nanggagaling ang mga halamang gamot sa dorm. Napangiti ako sa nalaman. Medyo nagbabago na talaga ang pananaw ko tungkol sa kanya.


Nagpatuloy ako sa pag-iikot na napatigil lang nang may matanaw akong swing bench na gawa sa magkakapulupot na mga baging ang magkabilang tali at ginagapangan ng mga bulaklak.



“Go on, and sit.” Napansin yata ng presidente ang hindi ko maitagong tuwa. “May kukunin lang din ako.”


Pagkatalikod niya, parang batang tinakbo ko agad ang duyan saka umupo at marahang iniugoy 'yon. Pinagala ko uli ang mga mata sa kabuuan ng tahimik na greenhouse. Parang mas gusto kong magkulong na lang dito at 'wag nang tumapak pa sa campus.



“Inumin mo 'to.” Salubong agad ng presidente nang makabalik habang iniaabot sa 'kin ang isang tasa


Nang kunin ko 'yon, umupo siya sa tabi ko bago uminom sa sariling tasa.



Saglit kong tinitigan ang hawak bago 'yon ininom. Muntik kong ibuga ang nasa bibig kundi lang sa maagap niyang pagpigil.



“'Wag mong iluluwa 'yan.” Para bang alam niya nang gano'n ang magiging reaksyon ko.



Napansin kong naubos niya na ang sa kanya. Napilitan tuloy akong lunukin ang nasa bibig.



“That java tea is good for the health.”




Nalunok ko na ang tsaang sinasabi niya pero parang naiwan sa dila ko ang hindi maipaliwanag nitong lasa.




“Daig mo pa ang nilason.” Bahagya siyang ngumiti. Ngiting hindi gaya ng nakakalokong ngisi na lagi kong namamalas sa kanya. Ito ang klase ng ngiti na pwedeng makapagpalimot sa kahit sino na delikado siyang tao.


“President, trust that your secret is safe with me. Walang makakaalam tungkol sa greenhouse.” Nasabi ko na lang. Sa palagay ko kasi, dito lang siya nakakangiti ng ganito.




Ilang segundo niya 'kong tinitigan lang bago nagsalita. “Halika na,” pag-iiba niya na sa usapan. Dumilim bigla ang langit. Mukhang uulan.”



Tumingala ako at sinalubong ng madilim na mga ulap. Tama nga siya. Saka ko lang din napansin na wala ni isang camera sa paligid. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa lugar.




Mabilis niyang hinubad ang suot na apron at ipinatong sa nadaanan naming mesa ang mga tasa. Sakto namang nakarating kami sa pintuan ng greenhouse, bumuhos ang malakas na ulan.



“Titila rin siguro agad 'to,” pagwawalang bahala ko.



“I don't think so. Masyadong madilim baka abutin tayo ng ilang oras dito.” Saglit siyang natahimik bago bigla na lang kinalas ang pagkakabutones ng suot na polo.




“H-hoy, 'wag kang maghubad!” Pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya. “Mababasa pa rin naman 'yan kahit ibulsa mo.” Nag-iisang logical reason na naisip ko kung bakit niya inaalis ang suot.




“It's for a different reason.” Walang pasabi niyang itinalukbong sa ulo ko ang polo niyang kahuhubad lang. “Tara.”




Hindi na 'ko nakatanggi nang hawakan niya ang kamay ko at hatakin ako papunta sa ulan. Imbes na lamig, nakapagtatakang init ang naramdaman ko. Kahit kailan, hindi ko naisip na makakasama kong tumakbo sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan ang presidente.



“Basang-basa ka na,” puna ko nang makasilong kami sa punong malapit na sa dorm.


“A little rain can't kill me,” sagot niya habang isinusuklay ang daliri sa basa niyang buhok.



Hindi sinasadyang kusang napasunod ang mga mata ko sa mga nag-uunahang tubig ulan na naglalandas sa katawan niya. Kung normal na eskuwelahan ang K-High, baka araw-araw siyang pinagkakaguluhan dahil sa gwapo niyang mukha at magandang katawan.



“Auriel, ang damit ko.” Naibalik ako ng boses niya sa realidad. Ilang beses niya na yata akong tinawag.



Dali-dali kong piniga ang polo niya bago 'yon iniabot sa kanya. Napansin ko na pangiti-ngiti siya habang ibinubutones uli ang suot.

Ano kaya ang nakakatuwa?


“Go in,” utos niya na.



“Pa'no ka? Hindi ka ba magkakasakit n'yan?”



“Hindi ka nawawalan ng isasagot sa mga utos ko. Just go in!” Seryoso na ang ekspresyon niya kaya sumunod na lang ako.



Ilang hakbang na ang nagagawa ko nang may biglang naalala. Idinukot ko ang kamay sa loob ng sariling uniporme at ibinato sa presidente ang laman ng bulsa ko. “Favorite mo,” tukoy ko sa isang pirasong hany na nasa kamay niya na.



Kinahiligan niya ang tsokolate magmula nang dinalhan ko siya noon kaya lagi ko na siyang binibigyan kapag may pagkakataon.



Sandali siyang ngumiti bago nagsungit din agad. “Go in, Auriel. Don't waste the effort I've done for you.”



Itinuloy ko na ang pagtakbo papunta sa dorm at hindi na siya nilingon pa.





Kinabukasan, lumipas ang buong umaga nang hindi ako sigurado sa kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Para akong wala sa sarili.


Nahihilo man, nagawa kong marating ang opisina ng student council. Pagtulak ko sa pinto, walang ibang tao maliban sa presidente.


Dumiretso agad ako sa upuan ko at payukong sumubsob sa mesa. Nagsalita siya pero halos hindi ko naintindihan. Saktong nag-angat ako ng ulo ay naramdaman ko ang palad niya sa noo ko. Napailing siya bago walang sali-salitang binuhat ako.


“Matulog ka lang.”


Hindi ko sigurado kung tama ang narinig dahil bukod sa hindi malinaw ang pagkakaintindi ko, halos ibulong niya sa 'kin ang sinabi.



Hindi ko masabi kung totoo ba talaga o panaginip lang na buhat ako ng presidente habang naglalakad sa pasilyo. Pati na ang inis na nasilip ko sa mukha ni Canary bago nagdilim ang paningin ko.


K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon