Chapter III
CampusAuriel
Hindi ko alam kung gaano katagal na 'kong nakasubsob, ang alam ko lang, napatigil ng naramdamang kirot sa leeg ang pag-iisip ko. Nang magtaas ako ng mukha, naiurong ko na lang agad paatras ang kinauupuan.
“What's with your face?” natatawang bungad ng babae sa tabi ko.
Hawak nito ang patalim na sigurado akong nakatusok sa leeg ko kanina. Nang kapain ko ang parteng kumikirot, may dugong naglandas sa palad ko.
“'Wag kang matakot. Idinikit ko lang naman.”
Napamaang ako sa paliwanag niya.
“Just a friendly greeting.” Inosente pa nito akong nginitian na para bang hindi mali na tinutukan niya 'ko ng patalim.
“B-baliw ka.”
“I know.”
Natulala na lang ako sa kanya. I was taken aback by her, not denying the fact.
“I'm Eunice, you can call me Unnie. Eunie—Unnie, halos magkatunog lang din naman,” pagpapakilala niya uli sa sarili.
“Sinabi mo na sa 'kin ang pangalan mo kanina,” I answered as I can't think of any other appropriate response to a psycho.
“Nasabi ko na ba? Oo nga 'no.” Sinabayan niya pa nang mahinang tapik sa ulo ang sinabi. “Silly me.”
Sa unang tingin, walang mag-aakalang wala sa katinuan ang babaeng kausap ko. She's the type which majority of males go crazy for. A sophisticated beauty with a hint of sexiness and appeal. Ni hindi nga kayang itago ng suot nitong uniporme ang magandang kurba ng katawan. Idagdag pa ang maamo niyang mukha na hindi kailangang lagyan ng kahit anong makeup. She's a natural born beauty.
“Wala kang alam 'no?” nakapangalumbaba nitong tanong. “Hindi mo talaga alam 'tong pinasok mo?”
“Wala akong alam!” Huli na nang matutop ko ang sariling bibig. Napagtaasan ko na siya ng boses dahil sa frustration na nararamdaman.
Blanko ang mga matang tinitigan niya 'ko nang ilang segundo bago bigla na lang nagsalita uli na parang walang nangyari. “I thought so.”
Akala ko, tuluyan niya na 'kong sasaksakin dahil sa pagsigaw ko sa kanya.
“The students here are mostly rich. Both foreign and local. Galing sa angkan ng mga mayayamang sangkot sa ilegal na mga gawain gaya ng sindikato o mafia. Nandito para matutong pumatay,” paliwanag niya pa habang pinapaikot ang patalim sa kanyang kamay. “Well, there are also some that's from international secret organizations. Gun's for hire, the likes and whatnot. This school is considered as a training ground. The most effective way of teaching is through experience. Buhay mo ang nakataya, hindi ka pa ba matututo?” Ngumiti siya pagkatapos ng sinabi.
Nasapo ko ang sariling noo. Wala akong matandaang nasangkot ang mga magulang ko sa kahit anong organisayon. Normal ang pamilya ko, 'yon ang pagkakaalam ko.
“So, which are you from: crime syndicate, mafia, secret organization? Or is this just for fun? But, I doubt that, lalo na ganyan ang itsura ng mukha mo.” Saka 'to bumunghalit ng tawa. Tawang-tawa siya sa takot na nakarehistro sa mukha ko.
Escaping is obviously out of the question. Aside from the imprisoning high wall, there are heavily-armed guards scattered in the forest. There's nothing a normal person like me can do.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mistero / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017