Auriel
NILINGON at tinanguan ni Luciel si Xander na saka naman nagsalita. “Everyone here are all excused from class.”
Napuno ng masayang hiyawan ang cafeteria.
“Head to the gym for further announcement regarding the matter,” dagdag pa ng bisi presidente.
Tumalima at nagsipaglabasan nang walang tanong-tanong ang mga estudyante.
“Ms. Salazar, notify all other students for an assembly in ten minutes, ” utos naman ni Luciel kay Canary na sumabay sa paglabas ni Xander.
Hinintay kong maubos ang tao sa loob bago ko nilapitan si Luciel. “Pa'no mo nalaman na walang lasa ang cyanide?”
Malinaw kong naaalala ang sinabi niya kanina; cyanide is tasteless.
Babalewalain niya sana ang tanong ko kundi ko siya hinarang sa paglalakad.
“Let's just say that my older sister is fond of poison and I developed an immunity for it due to her kindness,” nakangisi pero may pagkasarkastiko niyang dagdag.
Nakakagulat ang malamang may kapatid siya pero mas nabigla ako sa huli niyang sinabi na tila may ibang kahulugan. Inulan agad ng tanong ang isip ko.
Sanay ba siya sa lason kaya marami siyang alam? Anong klaseng pamilya meron si Luciel?
Nalukot ko ang hawak na notebook na siyang nagpaalala sa 'kin sa isa ko pang tanong. “Saka bakit mo pa 'ko pinagsulat kung kabisado mo naman pala lahat ng impormasyon?” Ni minsan kasi, hindi niya sinilip ang notebook na hawak ko.
“I just need a perfect excuse to have you beside me. Lately we only spent so little time together, kaya na miss kita.” Hawak niya na ang kamay ko na inilapit niya sa kanyang labi bago hagkan.
Wala na ang labi niya sa likod ng palad ko'y ramdam ko pa rin ang init ng dampi n'yon. Nailibot ko ang mga mata para masigurong walang ibang tao.
“Why? Afraid that someone might see us?” nakakaloko niyang tanong.
“Hindi ako takot. Ayoko lang na may ibang makakita sa 'yo kapag ganyan ka.”
Nakangiting naitakip ni Luciel ang isang kamay sa sariling mukha. “'Wag mo 'kong baliwin, Hany. Baka kainin kita ng buo,” humahalakhak niyang sabi bago ako marahang hinila palabas ng cafeteria habang ako nama'y hiyang-hiya sa narinig galing sa kanya.
Pagdating namin sa gym, kumpleto na ang lahat ng faction at mga guro. Lahat interesado at nakaabang sa sasabihin ng student council tungkol sa mga nangyaring patayan na labag sa batas ng K-High.
Ang seryosong mukha ni Eunice ang agad lumutang sa dami ng estudyante. Sa kanya lang din naman nakatuon ang mga mata ko mula nang tumuntong ako sa entablado.
Saglit na nagdiskusyon sina Xander at Canary na ginabayan ni Luciel. Si Stephan naman ay nasa pinakadulong upuan at may kalayuan sa kinalalagyan ng tatlo. Wala 'tong balak makisali.
“The student council is aware that all of you are asking questions regarding the recent incidents,” panimula ni Canary matapos ang tatlong minutong pakikipag-usap sa presidente at bisi presidente. “Sa ngayon, hindi pa namin masasagot kung sino ang nasa likod ng paglabag sa batas ng K-High. But rest assured that we are hands on in the matter. We will soon find the lawbreaker and will continue to uphold K-High's rules.”
Sa gitna ng umuugong na bulungan pagkatapos ng announcement na binitiwan ng student council, sa 'di malamang dahilan, bigla na lang sinipa ni Stephan ang upuan sa tabi niya. Nag-echo sa buong gym and maingay na pagtumba n'yon na kumuha sa atensyon ng lahat. Natahimik ang mga estudyante at guro.
“Let's stop this bullshit already.” Tumayo siya't tiningnan ang mga nasa ibaba ng entablado bago ibinaling ang mga mata sa 'min ni Luciel.
Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya na puno ng galit.
“Stop talking about upholding the laws of K-High. Isang miyembro nga mismo ng student council ang may nilalabag na batas. While the other two members are pretending not to see.” Tinitigan niya si Canary na napalunok bago inilipat ang mga mata kay Xander na nakahalukipkip ang mga braso habang nakaupo.
Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak ni Luciel sa kamay ko kahit pa walang reaksyon ang kanyang mukha.
“C'mon President, why don't you reveal who's the rulebreaker within the student council,” nakangising dugtong ni Stephan.
Nang maramdaman kong tatayo na si Luciel, inunahan ko siya. “Ako na, Stephan,” saway ko sa tinutukoy kalakip ang masamang titig bago ko hinarap ang mga matang nagtatanong sa kung ano ang nangyayari. “Ako ang rulebreaker. Minahal ko si Luciel,” mahinahon pero may diin kong pahayag.
Umalingawngaw ang bulungan na naputol din nang magsalita uli ako.
“Ayoko nang magpakatanga. Hindi na 'ko papayag na alisan ako ng karapatang makaramdam.” Mabilis kong inilabas ang patalim na nasa knife holster na nakatali sa hita ko. “Handa akong ipaglaban ang nag-iisang magandang bagay na natagpuan ko sa impyernong 'to.” Mahigpit kong hinawakan ang buhok ko at pinutol 'yon gamit ang patalim ko.
Ang haba nitong dati'y abot hanggang bewang, ngayo'y lumalampas na lang ng konti sa tenga ko. Kasamang nalaglag ng mga hibla ng buhok na binitiwan ko ang mga inhibisyon ko. Hindi na 'ko takot mamatay.
Napalingon na lang ako kay Luciel na ngayon ay pinagmamasdan na rin ng lahat. Nakayuko kasi siyang tumatawa.
Ilang segundo rin bago siya naiiling na tumayo at lumapit sa 'kin. “Isn't she like an earthquake? Niyanig niya na nga ang mundo ko, pati mundo n'yo balak niya pang yanigin.”
Napanganga na lang ako ng titigan niya at buhatin paatras papunta sa kanya. Napasandal tuloy ako sa dibdib niya habang ang tenga ko'y halos mahalikan niya na.
“However, this beautiful little chaos is mine.” Masuyo niyang ibinaba ang kamay kong may patalim nang hindi ako binibitiwan bago ako binulungan. “I'd prefer to be a knight who'll fight for you rather than a king who'll just sit and do nothing.”
Lalo akong natulala sa kanya na sa harap na nakatingin.
“To those who are not afraid of dying, come forward and give us your judgement.” Sinabayan ni Luciel ang sinabi ng nakakakilabot niyang ngisi.
—————
N/A:To those who are unaware of the symbolic meaning of cutting ones hair, here are some explanations.
• Often symbolizes a rite of passage or bout of character growth.
• Considered to be symbolic of change.
• Often about transforming oneself and letting go of the past. Letting go of what has felt safe, rejecting fear and embracing change.
• When a woman cuts her hair, she feels it's time for a change, not just her outward appearance, but time to make a change about almost everything.
BINABASA MO ANG
K-High (Korosu High) Under Revision
Mistero / ThrillerA school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: June 2017