Eunhye's POV
Maaga parin akong pumasok ngayon kahit medyo masama ang pakiramdam ko, dahil may activity kami ngayon sa photography at ang sunrise ang topic namin.
"Eunhye, tayo na lang ang partner." sabi sa kanya ni Seohyun. Mabait ito pero nakakahiya kasi ang ganda talaga nito.
"Ah sige."
"Wha thank you Eunhye! alam mo bang matagal na kitang gustong maka bonding." yumakap pa ito sa kanya.
"Hehe, ganun ba?"
"Natatakot nga lang ako kasi parang ang taray mo. Pero ngayong nalaman kong hindi naman pwede ba kitang maging BESTFRIEND?!" nagpuppy eyes pa ito.
"Bestfriend agad agad?" napa kamot pa siya sa may kilay niya.
"Yup! Please"
"S-sige" sumigaw na naman ito at niyakap siya. Hindi din naman pala masamang magkaron ng kaibigan.
Nagstart na kaming mag capture ng rising sun. At napaka galing ni Seohyun, lahat talaga ng anggulo ay nakukuha nito. Ang kulit at ang saya din nito. Nang matapos na kami ay pumunta muna kami sa room namin para magpahinga.
"Eunhye gutom ka na ba?" tanong nito sa kanya.
"Medyo, hindi kasi ako nakapag umagahan eh."
"Tara sa canteen," yaya nito sa kanya.
"Mauna kana, nanlalambot kasi ako."
"Eh gutom lang yan. Halika alalayan na lang kita." hinawakan siya nito sa kanyang braso at itinayo siya. Pero bigla na lang siyang naliyo. Muntik na siyang matumba sa sahig kung wala lang yumakap sa kanya.
"Ohmygee Eunhye are you okay?" natatarantang tanong ni Seohyun. Nakatayo ito sa tabi niya, wait lang! hindi siya ang sumambot sa akin! eh sino? Tumingala siya at nabigla siya sa nakita.
"L-luhan" aniya
"Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo." nag aalalang sabi nito.
"Wala kang pakialam. Bitiwan mo nga ako." tumayo siya at humiwalay dito pero muntik na naman siyang matumba pero naagapan ulit nito
"Wag ka ng pasaway, dadalhin kita sa clinic. Or better, iuuwi na lang kita sa inyo."
"No!!!"
"Eunhye, tama si Luhan. Ang putla mo na din kasi eh. Ako na lang ang bahala dun sa activity natin." sabi ni Seohyun.
"Pero---"
"Pahinga kana muna please." malungkot na sabi nito. Nag aalala talaga sa kanya ang kaibigan kaya tumango na lang din siya. "Luhan ikaw na ang bahala sa bestfriend ko ha. Alagaan mo yan."
"Sure. Mauna na kami." tumango lang si Seohyun. Napatili naman siya ng buhatin siya nito, yung parang bagong kasal.
"Ibaba mo nga ako."
"Wag ka ng makulet. Wala ka ng enough energy para maglakad. Ihahatid na kita sa inyo." naglakad parin ito ng dire diretso. Napansin din niyang napapatingin ang ibang estudyante sa kanila.
Nang makarating kami sa parking lot ay agad nya akong pinasakay sa kotse nya. Pinatay nito ang aircon ng sasakyan.
"San ka nakatira?" tanong nito habang nagmamaneho.
"Sa Rockpoint condominum."
"Mag isa ka lang?" nagulat na tanong nito.
"Oo." niyakap niya ang kanyang sarili. Nilalamig kasi siya. Itinigil nito ang sasakyan, tapos ay tinanggal nito ang jacket nito at ipinatong sa kanya.
"Matulog ka muna, gisingin na lang kita." tumango naman siya. Mabait din naman pala itong hambog na ito. Napangiti na lang siya.
Luhan's POV
Andito na kami sa tapat ng building ng condo ni Eunhye. Hindi ko pa sya kayang gisingin. Hindi ko alam kung anung nangyari sa akin at nag aalala ako sa kanya. Diba parte padin ito ng pag hihiganti ko sa kanya. Tama yun nga, wala ng iba. Bumaba na siya sa sasakyan at ginising ito.
"Eunhye, wake up andito na tayo."
Umungol lang ito. Hinawakan niya ang noo nito, shit ang init nya. Agad niyang binuhat ito papasok sa building. Lumapit siya sa guard.
"Excuse me Sir, pero anu pong number ng condo ni Hyun Eun hye."
Napatingin sa kanya ang guard at mabilis na lumapit. "Lady Eunhye." agad naglapitan ang mga tauhan ng building.
"Please mamaya nyo na sya pagkaguluhan. Kailangan ko muna syang madala sa kwarto nya." aniya.
"Sa Tenth floor po siya. Sa kanya po ang buong floor na yun." Sagot ng receptionist.
"Sige salamat." agad siyang pumasok sa elevator at pinindot ang floor nito. Nang makarating na sila ay agad siyang pumunta sa tapat ng pinto nito. Shit naka lock pa.
"Eunhye wake up, asan ang susi mo?" pero walang sagot. Kinuha niya ang bag nito at hinalungkat. Anu ba naman ang daming dala nito. Nakalkal na ata niya ang buong bag nito pero wala parin. "Where's that damn key!!" napatingin siya sa bulsa ng pantalon nito. Oh no, dont tell me andun ang susi. Argh, wag ng maarte Luhan kunin mo na. At pikit matang kinuha nga niya ang susi. Agad niya binuksan ang pinto at inihiga sa kama ang dalaga.
Napaupo na lang siya sa sofa at bumuntong hininga. Argh damn hormones. Bumaba siya sa reception at sinabing may sakit ang dalaga. Napag alaman din niyang ito pala ang may ari ng building. Umuwi na siya para maligo ng malamig na malamig. Im not giving up on you Hyun Eunhye.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Teen FictionWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...