Luhan's POV
Lahat kami nakatingin lang kay Eunhye at walang nagsasalita. Labas si Suho para tawagin yung doktor.
"Eunhye, hindi mo na ba talaga kami nakikilala?" naiiyak na sabi ni Xiumin.
"Pasensya na, pero hindi ko talaga kayo kilala."
"Eunnie---" hindi na natapos ang sasabihin ni Baekhyun ng pumasok si Suho kasama ang doktor.
Agad nitong chineck up si Eunhye. "Ok na ang pasyente, pero katulad nga ng sinabi ko dati, maaring mawala ang alaala nya."
"Gaano po katagal yun?" tanong ni Suho.
"Hindi ko din alam, pwedeng mabilis lang o pwedeng dina bumalik."
"Wala na po bang solusyon?" sabi ni D.O
"I suggest na tulungan nyo na lang syang maalala ang lahat, gawin nyo yung mga bagay na lagi nyang ginagawa."
"Sige po Doc, salamat po." sabi ni Kris. Tumango lang ang doktor at lumabas.
"Tinawagan ko na nga pala ang papa ni Eunnie at sinabi ko na gising na sya." sabi ni Lay.
"Anung balak nating gawin?" tanong ko.
"Let's back to the basic one, magpapakilala tayo at ipapaliwanag ang lahat." sagot ni Suho. Tumingin kami kay Eunhye.
"Ahm kung wala kang maalala magpapakilala na lang kami ulit sayo, pero syempre dapat makilala mo muna ang sarili mo." sabi ni Kris.
"Ikaw si Hyun Eun Hye. 18 years old. Ahm Third year college kana at, anu nga bang course nya?" kakamot kamot na sabi ni Chen.
"Fine Arts, mahilig kang mag paint at mag drawing. Forte mo din ang photography." dagdag pa ni Tao.
"You hate music and dance, pero yung music lang namin ang nagustuhan mo." sabi pa ni Chanyeol.
"May ari kayo ng mga condominum buildings and resorts, mayaman ang pamilya nyo at nag iisa kang anak nina Mr. Hyun Shinlei at Mrs. Park Lyufei." dagdag pa ni Baekhyun.
"Eh?" nasabi na lang nito.
"So ano kilala mo na ang sarili mo ha" sabi pa ni Lay.
Tumango lang ito, pero parang naguguluhan padin.
"Kami naman ngayon ang magpapakilala. Kami ang EXO, at kaibigan mo kaming lahat. Pero alam mo bang galit na galit ka sa amin dati kasi nga ayaw mo sa music." Suho.
"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yup, pero in the end naging kaibigan mo pa kami." Sehun.
"Buti naman kung ganon." ngumiti pa ito.
"So magpapakilala na kami ha, ako nga pala si Kim Joon Myun o mas kilalang Suho, ako ang leader nila."
"I'm Wu Yi Fan also known as Kris, i'm the serious type. Sometimes." ^O^
"Kim Jong In, Kai for short. Magaling akong sumayaw."
"Eh wag ng mayabang. Ako nga pala si Kim Min Seok a.k.a Xiumin ako pinaka cute"
"Eunnie, Ako Ti Oh Tehun. Ako yung cruth mo"
"Tehun?" sabi ni Eunnie nagtawanan yung iba, Tehun daw. Sumimangot si Sehun.
"Ahm Eunnie, Sehun yun, bulol kasi sa S yan." sabi ni Kai.
"Mianhe" nahihiyang sabi nito.
"Okay lang, batta ikaw."
"Tama na yan ako naman, Ako nga pala si Zhang Yi Xing also known as Lay may killer smile ako."
"Eunnie, namiss talaga kita and by the way i'm Byun Baekhyun kakantahan kita."
"Kim Jong Dae, pero Chen na lang. Sana maalala mo na kami, miss kana namin."
"Sana maipagluto muna ulit kami wha."
"Magpakilala na dami pang satsat." sabi ni D.O kay Chanyeol na binatukan pa.
Nagpout lang ito. "Oo na, atat lang, Park Chanyeol nga pala Eunnie. Ka apelyido ko lang din ang mama mo para malinaw" tumango lang ito.
"Huang Zi Tao, pero Tao na lang. Ang pinaka Astig"
"Eunhye ako nga pala si Do Kyung Soo, pero D.O na lang, ako ang bestfriend mo sa kanilang lahat."
"Talaga?"
"Wag magyabang ah ah." sabi ni Lay.
"Totoo naman kaya, pag naalala na tayo ulit ni Eunnie tamo ako ang bestfriend nya."
"Oo na lamang." nagtawa
Nagtawanan kaming lahat, tumingin sa akin si Eunhye. "Ikaw sino ka?" tanong nito.
"A-ako si Lu Han, para sayo ako yung..." sasabihin ko ba? pansin kong nakatingin sa akin lahat at nag hihintay ng sagot.
"Ano ka para sa akin?"
"Ako yung taong kinaaayawan at kinasusurahan mo, mortal enemy tayo." sabi ko. Hindi ko kayang sabihin ang totoo. Nagtataka ang mga tingin sa akin ng lahat.
"Ah ganun ba, siguro naging bad ako sayo kaya ganun." sabi nito at lumungkot.
"Eunnie, hindi sa ganun. Anu kasi, parang yung asaran nyo yun na ang way nyo para magpakita ng pag kakaibigan nyo." sabi ni Baekhyun.
"Sorry padin Luhan, hayaan mo. Magiging mabait ako sayo."
"Di na kailangan." sabi ko, baka mapahamak pag lumapit kana naman sa akin.
"Pero---"
"Okay na yun, hindi naman porke wala kang maalala eh iibahin mo na ang pakikitungo mo sa akin, mas mapapadali ang pag galing mo kung gagawin mo ang mga bagay na ginagawa mo dati." sabi ko, kahit hindi totoo.
"S-sige."
"Pahinga ka na muna Eunnie, baka next week makapasok kana, dadalaw din mamaya ang iba mong kaibigan at ang papa mo." sabi ni Kris.
"Sige salamat." humiga na ulit si Eunnie at kinumutan pa ni D.O
Lumapit sa akin si D.O. "Anung ginagawa mo Luhan? bakit sinabi mo yun."
"Ayoko lang na maalala nya ako. Masasaktan lang siya. Mas mabuti na yung paniwalaan nya na kaaway nya ako."
"Sigurado kaba?"
"Oo, bahala kana sa kanya, ingatan at mahalin mo sya."
"Kahit hindi mo sabihin gagawin ko talaga."
"Salamat." tumingin ako kay Eunhye na natutulog na. Pasensya na Eunnie, pero ayokong masaktan ka pa ng dahil sa akin. Mahal na mahal lang talaga kita kayo ko ito ginagawa.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Teen FictionWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...