Wha ang saya naman, fifth day na ng aming vacation at super duper saya, nasubukan na din namin lahat ng water sports, nag punta din kami dun sa hoyop hoyopan cave at lahat ng place na maganda dito sa bicol. Sinubukan din namin yung bicol express at ang sarap, gusto ko magdala sa korea nun.
At ngayon ay mag ni-night swimming kami, may mga pagkain din kami. Simula nung marealize ko yung nararamdaman ko kay Luhan naging madali na sa akin ang lahat.
"Eunhye, tara na maglangoy." sabi ni Luhan, at ang hudyo yumakap pa sa akin. Nung isang araw pang ganito si Luhan, kung hindi yayapos hahalkan ako, di nga lang sa lips haha.
"Maya maya ng konti, at pwede bang wag mo akong yapusin." kasi naman wala na itong pang itaas, samantalang ako ay naka swimsuit na, ang awkward kaya. Nagpout pa ito.
"Daya, may atraso ka pa nga sa akin."
"At ano naman yun?"
"Bakit Crush ang tawagan nyo ni Sehun? okay lang yung kay D.O eh."
"Ah ayun ba, haha tawagan talaga namin yun kasi crush ko sya."
"What?! a-anung ibig mong sabihin? akala ko ba ako ang gusto mo?!" sigaw nito. haha nakakatawa si Luhan, mapag tripan nga muna.
"Ha? sino namang nagsabi na ikaw ang gusto ko?"
"Pero yung narinig ko sayo habang nanaginip ka."
"Huh? anu naman yun?" anung sinasabi nito, hindi kaya nag sleep talk ako. Gosh
"Yung sinabi mo, ganito yun eh. eherm eherm. Wag mo akong iwan. Please Lu Han mahal na mahal kita." ginaya pa nito ang boses niya, wait teka nga yun yung sinabi ko sa panaginip ko ah, hindi kaya nasabi ko nga yun.
"S-sinabi ko ba yun? naku baka guni guni mo lang yun."
"Talaga lang ha, eh bakit nauutal at namumula ka?!" inilapit pa nito ang mukha sa kanya.
"H-ha a-anu k-ka ba naman Luhan, mainit kasi kya namumula ako."
"Talaga lang ha." wha anu ba yan konti na lang at mahahalkan na nya ako, grabe na ito. "So hindi pala ako ang crush mo."
"O-oo, wala naman kasing nagsabing gusto kita ah."
"Eh ano mo lang ako?"
"Wala!!!" kahit mahal kita, syempre pakipot muna pero hala anung sinabi ko. "I mean---" hala ayun nag walk out at mukhang galit.
"Uy Luhan saan ka pupunta?" tanong ni D.O. Hindi ito pinansin ni Luhan, kaya lumapit na ito sa akin. "Anyare dun?"
"Kasalanan ko kasi." tumungo pa ako.
"Wag mong sisihin ang sarili mo, nag iinarte lang yang si Lulu, maya maya okay na din yun." inalo pa siya nito. Yumapos na siya dito.
"Ayokong makitang ganun si Luhan." naiiyak kong sabi.
"Ssh, tahan na."
"Hala uy Crush anung nangyari?" sabi ni Sehun at tumabi din sa amin.
"Si Luhan ang may kasalanan, nag inarte kasi." sagot ni D.O.
"Hala, atan na ti Luhan?"
"Ewan ko, nilampasan nga lang ako kanina."
"Hala patay tayo nyan" sabi ni Chen na nakikinig din pala.
"Bakit?" tanong ko.
"Pag nagagalit kasi si Luhan ay nalalapit yun sa aksidente. Ang last na nagalit yun ay nung buhusan mo sya nung paint, sa sobrang galit pinaandar yung kotse ng mabilis at muntik ng mabangga buti na lang at nakapreno sya." sagot ni Kris. Agad akong kinabahan sa narinig ko.
Tumayo ako, "Hahanapin ko si Luhan"
"Sasamahan kita." sabi ni D.O
"Wag na, ako ng bahala. Ako naman kasi ang may kasalanan sige." ayun at kinuha ko yung robe at isinuot bago hinanap ko na si Luhan.
Una kong pinuntahan ang cabin namin pero wala siya, kumuha muna ako ng jacket kasi walang damit yun. Pumunta din ako sa may wake boarding, wala din, restaurant wala din, bar wala din. Wha asan na kaya yun. Pumunta ako dun sa may pathway, yun yung lugar kung saan nadaan ang mga sasakyan. At grabe ang ganda din nung lugar.
Naglakad lakad ako at nagbabakasakaling makita ko si Luhan. Malapit na ako sa dulo mg may maaninag akong tao na nakayuko sa may damuhan. Agad akong lumapit nung makita kong si Luhan yun.
Agad kong ipinatong yung jacket sa kanya. Tumingin ito sa kanya na agad namang nag iwas, tinggal din nito yung jacket. Nangilid ang luha ko, hindi ako sanay na cold sya sa akin. Tatayo na sana ito ng pigilan ko sya.
"Please Luhan, im sorry. Wag kang umalis" sabi ko, parang ganito yung nasa panaginip ko iba nga lang ang dahilan
"Para ano? para marinig ang mga katotohanan na hindi mo ako kayang magustuhan."
"Hindi yun, mali ka ng akala."
"At anung sasabihin mo na hindi si Sehun ang gusto mo kung di si D.O."
"Anung sinasabi mo?"
"Akala ko iba ka, pero katulad ka lang din ng iba. Lahat kami finiflirt mo."
PAK!!!
Hindi ko na napagilan ang sarili ko at sinampal ko siya. Aung karapatan nyang sabihan ako na flirt.
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganan, kasi hindi mo ako kilala. Wag na wag mo akong masasabihan ng ganun dahil hindi ako katulad mga ibang babae na tinutukoy mo. Kung ang pag lapit sa inyo ay masasabing panglalandi, pwes simula ngayon wag na tayong magpansinan." tumayo na ako. "Mauuna na akong bumalik sa korea, pakasaya sana kayo." tumakbo na ako palayo, narinig ko pang tinawag nya ako pero di na ako lumingon. Nasilaw ako sa liwanag, at nanlaki ang mata ko ng makitang sa kotse yun nagmumula at mabilis ang takbo, hindi na ako nakaiwas kaya ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Teen FictionWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...