Eunhye's POV
"Wha, extited na talaga ako makadating ta Philippine." sabi ni Sehun habang naka tingin sa bintana ng private plane namin, yup amin itong plane na ito, ginagamit to ni papa pag may urgent na meeting.
"Diba madaming tourist spot dun." sabi ni Lay.
"Oo nga no, nung pumunta tayo dun dahil sa world tour di tayo masyadong naka pag gala kasi umalis agad tayo." sabi pa ni Suho.
"Gusto ko nung mga pagkain nila, lalo na yung adobo. Gusto ko na talaga matikman yun." sabi ni Chanyeol.
"Naku puro kana naman katakawan, basta ang gusto ko dun ay yung fresh buko juice nila." sabi pa ni Xiumin.
"Saan ba ang exact place na pupuntahan natin?" tanong ni Tao.
"Sa Bicol, sa CWC to be exact, nung naghanap kasi ako ng mapupuntahan madaming nag suggest na dun daw magandang mag relax, pati wala masyadong makakakilala sa inyo dun." sagot ko.
"Woah, astig ka talaga Eunhye." sabi ni Kai.
"Hehe di naman, I suggest na matulog muna kayo para madami kayong energy pagdating natin."
"Okay."
Napangiti ako, mukhang maganda ang kakalabsan ng bakasyong ito. Napatingin ako kay D.O at Luhan na nasa likod ko. Ganito kasi ang ayos ng upuan.
Lay|Kai Kris
Tao Xiumin|Chanyeol
Baekhyun|Chen Sehun
Ako Suho
Luhan D.O
Nakasimangot pa din ang mga ito, kanina kasi nag agawan silang dalwa kung sino ang makakatabi ko eh ayun muntik pang magkagulo buti na lang at naawat ni Suho, kaya ayan ang kinalabsan wala akong katabi at si Suho pa ang katapat ko. Hay buhay nga naman.
"Uy wag naman kayong ganan, dapat nga mag enjoy tayo eh, please naman oh." sabi ko.
"Ewan ko kung makakapag enjoy pa ako, kung bakit ba naman kasi epal yung isa dyan, ako na dapat ang katabi mo." sabi ni D.O habang nakasimangot.
"Huh, wag ka ngang feeling, ako naman ang gusto talagang katabi ni Eunhye."
"Asa ka naman."
"Ikaw ang asa!!!"
"Mukha ka namang usa!!!"
"Ikaw mukang kwago.!!!"
"Para kang babae!!!"
"Para kang nanay!!!"
argh naiinis na ako sa dalwang ito ha, hindi ba sila nakakaramdam na may tulog na. Naku po naman.
"Panget ka kumanta."
"Panget ka sumayaw."
Ayun at tumayo ako at humarap sa kanila.
"Pwede bang itigil nyo na yang away nyo, para kayong bata na nag aagawan sa kendi. Kung ganan din naman kayong dalwa buong bakasyon wag na lang kayong sumama. At isa pa nga pala, hindi ko kayo kakausaping dalwa hanggat di kayo nag kakaayos.!!!" ayun at umupo na ako.
"Thanks Eunhye, makakatulog na din kami." sabi ni Suho.
"Nakakairita na din kasi."
"Atleast may matutunan sila."
"Uy wag ka ng magalit Eunhye." sabi ni Luhan.
"Oo nga Bestfriend, please bati na tayo." sabi ni D.O. Pero ako eto, deadma sila, matututo kayo ngayon.
"Ikaw kasi ang arte mo." narinig kong sabi ni Luhan kay D.O
"Ikaw ang maarte."
argh wala na bang katapusan ang away na ito. Napalingon ako kay Sehun ng may iabot itong MP3 sa akin.
"Makinig ka na lang ng mutic, para di ka marindi ta kanila. Wag ka mag alala puro kanta namin yan." at ngumiti pa ito. Kinuha ko yung MP3.
"Thanks Sehun"
"Batta ikaw, tige pahinga muna ako
" tumango lang ako.
"Hoy Sehun isa ka pa, bakit mo binigyan ng ganan si Eunhye? edi lalo nya kaming di pinansin." sabi ni D.O
"Sehun, gatong ka pa eh, parang hindi tayo magka tandem." sabi pa ni Luhan.
"Hoy, kayong dalawa eh tigilan si Sehun, at manahimik kayo." sigaw ko.
"Pero---"
"Quiet." isinuot ko na yung headset at max ang volume. Hay salamat at napayapa din, makakatulog din, bahala na silang dalawa. haha.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Teen FictionWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...