Luhan's POV
Andito kami sa garden at iniintay sina Eunhye. Lunch break na kasi namin.
"Mga dude anung masasabi nyo dun sa transferee?" tanong ni Kris.
"Wala naman, she's like the other girls na papansin." sagot ni Tao
"I agree, pacute ng pacute di naman cute. Pasalamat siya at gentlemen pa tayo eh." dugtong ni Suho.
"Sinong pa cute?" nagulat naman kami ng bigla na lang sumulpot si Eunhye kasama ang mga kaibigan nito.
"Yung transferee ang tinutukoy namin." sagot ni Chen.
"Bakit anung meron?" tanong ni Krystal.
"Masyado kasing papansin tapos pa cute pa. Nakakayamot lang ang pagmumukha." sagot ni Lay.
"Wag nyo na yung isipin. Baka hindi pa kayo matunawan." sabi ni Eunhye at dire diretsong kumain. Wala talaga tong arte sa katawan. Yan ang mga babaeng dapat gayahin.
Kumain at nagkwentuhan kaming lahat, natatawa pa nga kami kay Xiumin at Yoona na nagbabangayan.
"May gusto kasa akin no! aminin" sabi ni Xiumin kay Yoona.
"Spell asa, ikaw yun Xiumin. Ang kapal talaga ng taba mo."
"Oy wala akong taba, abs pwede pa."
"Eeeww, madiri ka nga dyan sa mga pinagsasabi mo."
"Uy magtigil nga kayong dalwa dyan. Baka mamaya kayo pa ang magkatuluyan." awat ni D.O sa mga ito.
"Huh asa, si Eunhye lang makakatuluyan ko." sagot ni Xiumin.
"Asa ka namang magugustuhan ka nya, eh iba ang gusto nya." sagot ni Yoona. Napatingin halos lahat kami sa sinabi nito. Tiningnan lang ito ng masama ni Eunhye.
"Hoy Yoona sabihin mo lang kung nagseselos ka, hindi yang gagawa ka ng kwento." dugtong pa ni Xiumin. Inirapan lang ito ng dalaga at nagtawanan kaming lahat.
" Luhan sinong naka toka ngayon sa pagluluto?" tanong sa akin ni Eunhye.
"Ako, bakit? gusto mo na bang matikman ang specialty ko?" napansin niyang namula ito.
"Ang yabang mo din eh." umirap pa ito.
" Cute mo talaga." sabi ko. Nag wacky face lang ito kaya natawa ako. Nagkulitan na naman kaming lahat ng biglang dumating si Suzy, siya yung transferee na flirt at nakakairita.
"Hi guys, can i join you?" pacute na tanong nito.
Nagkatinginan kaming lahat at halata sa amin ang pag ka yamot.
"Wala na kasing space, next time na lang Suzy" sagot ni Tao, prangka talaga nito. Napansin ko ang pagkairita sa makha ni Suzy. Tumingin ito sa kanila at tumigil sa kanya. Oh ow. Lumapit ito sa kanya at yumakap sa braso nya.
"Bakit next time pa, eto oh may space sa tabi ni Luhan dear." nakita niyang nagulat ang lahat lalo na si Eunhye.
Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at umisod palayo dito. "Eh aalis na din naman kami eh." sabi ko. Anak ng pusa humawak na naman.
"Edi sasabay na ako." narinig ko ang pagtikhim ni Eunhye.
"Excuse lang ha, mauna na kami." tumayo na ito at sumabay na din sina Yoona na masama ang tingin sa akin. Patay ako.
"Eunhye kita na lang tayo mamaya sa unit." pahabol ni D.O. Tumango lang ito at umalis.
"Pwede bang wag kamg humawak sa akin." sabi ko habang tinatanggal ang kamay nito.
"Bakit ba ang bad nyo sa akin." pag iinarte nito.
"Simple lang, ayaw namin sa mga flirt na babae." sagot ni Kris.
"Eh bakit may kasama kayong mga bitch!!!!" nag init ang ulo ko sa sinabi nito. Wala itong karapatang sabihan ng ganun sina Eunhye. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Xiumin.
"Wala kang karapatang sabihan ng ganun sina Eunhye, kasi kahit kakikilala lang din halos namin sa kanila alam namin ang ugali nila, di katulad mo na halos ipimigay ang sarili. I'm sorry to say pero they are much better than you." napanganga si Suzy sa sinabi nito. Ayun at nagwalk out.
Nagpalakpakan pa kami.
"Very well said." sabi ni Lay.
"Thank you, Thank you." sabi pa nito.
"Wag tayong papayag na apihin nya sina Eunhye, ayaw na naman nating mangyari yung paglayo nya sa atin diba." sabi ni Chen.
"Tama" sagot naming lahat. Kelangan kong bumawi mamaya kay Eunhye, nairita yata eh. haha
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Teen FictionWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...