Eunhye's POV
Im on my way sa school, naka bike lang ako malapit nga lang kasi. Hindi ko nakita ang EXO eh, baka mamaya pa klase nila.
Papasok na ako ng gate ng may tumawag sa akin. Paglingon ko eh ang EXO. Ang bilis naman nila. Lumapit ang mga ito sa kanya.
"Inintay ka namin sa parking lot yun pala nauna kana." nakapout na sabi ni Chen. Napapatingin pa sa kanila ang ibang estudyante, yung iba nga ang sama pa ng tingin sa akin.
"Ah eh ganun ba, pasensya na akala ko kasi mamaya pa ang klase nyo. Pasensya na." nagbow pa siya.
"Itt okay Eunhye, hatid ka na lang namin sa room mo." sagot ni Sehun.
"Hala wag na, baka mamaya pagkaguluhan pa kayo dun."
"Hindi yan, so anung room mo?" umakbay pa sa kanya si Kris.
"Eh room ng fine arts."
"Tara na guys." yakag ni Xiumin.
"Hoy Kris wag mong akbayan si Eunhye, nagseselos ako." sigaw ni Luhan at tinanggal ang pagkaka akbay ni Kris.
"Whuhu if i know!!!!" sagot ni Kris na ikinatawa ng lahat.
Nang makarating kami sa room namin ay agad nag paalam ang mga ito. Sinalubong naman agad siya ni Seohyun.
"Best anung ibig sabihin nun? bakit ka hinatid ng EXO."
"Wala lang yun anu kaba. Nagkasabay lang kami, diba nga sa amin sila bumili ng unit."
"Ay Oo nga pala. So friends na pala kayo ha, akala ko sura ka sa kanila.?"
"Mabait naman kasi sila, mukhang nagkamali ako sa pang huhusga sa kanila."
"Ay bongga ka sister, minsan nga pakilala mo ako sa kanila."
"Haha sige ba." nagtatawanan kami ni Seohyun ng biglang may pumasok na tatlong babae at tumapat sa kanya. Mukhang fans ito ng EXO.
"Hey you bitch, ang kapal naman ng mukha mo at sumabay ka pa sa EXO. Kunwari ka pang hate na hate sila pero yun pala malandi ka din pala."
"Excuse me hindi ako malandi. And for your information sila ang nagsabi na ihahatid nila ako dito. At hindi ko kasalan kung hindi kayo napapansin EXO." mabait ako pero kung nadedehado na ako lalaban talaga ako.
"Huh, ang kapal talaga. Malandi na nga gold digger pa."
"Hoy wala kayong karapatang sabihan ako ng gold digger. Baka nga wala pa kayo sa kalingkingan ng yaman ko."
"Mayabang kang babae ka, etong bagay sayo." Sinampal ako nung babae at hindi pa natuwa binusan pa ako ng paint na nakuha ng mga ito sa table ng classmate ko. At yung isa sinabunutan pa ako.
"Hoy wag nyong ginaganan ang kaibigan ko. Girls pagtanggol muna natin si Eunhye." sabi ni Seohyun. Tumayo ang mga kaklase ko at inaway ang tatlong babae. Nang makaalis na yung tatlo ay agad lumapit sa kanya si Seohyun, Yoona, Sulli, Krystal at Shinhye.
"Ohmygod, im sorry best kung di namin sila napigilan." sabi ni Seohyun.
"Come with me, papahiramin muna kita ng damit." yakag sa kanya ni Sulli.
"Argh, ang kapal talaga nung Victoria, Luna at Yngrid na yun." galit na sabi ni Yoona.
"Ipaghihiganti ka namin Eunhye dont worry. Hindi na nila tayo maapi kahit kailan." sabi ni Krystal.
"Here take this, wag mo silang iyakan. Inggit lang sila sa iyo kasi kasama mo ang EXO." inabutan ako ng panyo ni Shinhye.
"Thank you guys." tumayo na ako. Punit punit at puro kalmot at pasa pala ako. Inilalayan ako ni Sulli. "Excuse me lang ha, punta lang ako ng C.R. May extra din akong damit." tumango ang mga ito.
Tumakbo na ako papunta sa C.R. Malapit na ako sa may pinto ng banyo ng may mabangga siya. Pagtingala niya ay nakita niya si Luhan na nag aalala.
"What happen?"
Yumuko lang siya. Niyakap siya nito, hindi niya napigilang umiyak. "Masama bang maging kaibigan kayo? bakit ganun, wala naman akong ginagawa sa kanila ah."
"Sssh, wala kang kasalanan. Wag mo silang pansinin."
Umiyak na lang siya, nang mahimas masan na siya ay umupo muna sila sa bench ni Luhan. Pinunasan nito ang mukha niya.
"Salamat Luhan. Hindi ko expected na ikaw ang dadamay sa akin."
"Im glad na ako ang kasama mo."
"Thanks. Panu ba yan punta muna ako sa locker room, maliligo muna ako." Tumango lang ito.
Kailangan ko sigurong ilugar ang sarili, para kasing naging kampante ako. Nakalimutan kong sikat nga pala ang EXO at ako ay ordinaryo lang. Kelangan kong lumayo sa kanila. Tama yun.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Teen FictionWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...