Starting Over Again

272 10 1
                                    

Andito na ako sa school at wala na akong sinayang na oras, papunta na sana ako sa building ng Music and Dance ng humarang sa akin si Lance.

"Saan ka pupunta Eunhye?" tanong nito.

"Sa EXO, magsosorry ako sa kanila."

"Para saan pa, diba sila oa nga ng may kasalanan sayo."

"No, ako ang may kasalanan kasi hindi ko sila pinakinggan." lalampasan ko na sana siya ng hawakan nya ako sa braso. "Anu ba Lance bitawan mo nga ako."

"Hindi kayo pwedeng magkaayos ng EXO."

"At bakit?"

"Akin ka lang Eunhye" pumalag ako pero mabilis nyang tinakpan ng panyo ang ilong ko at may pampatulog pa yun and then everything went black.

Luhan's POV

Nandito kami sa music room at nagpapraktis At itong si Suzy wala ng ginawa kung di landiin kaming lahat, nakakabwisit na.

"Hoy pwede ba hindi kami putik para landiin mo kaya kung pwede lang ha tumigil ka" sabi ni D.O, at yun inirapan sya ni Suzy sabay walkout. haha

"Hanggang kelan tayo ganito kay Eunnie?" tanong ni Sehun.

"Basta lumapit sya sa atin ng kusa, okay na yun tapos mageexplain tayo sa kanya." sabi ni Suho.

"Hay sana lumapit na siya sa atin at ng maging masaya na ulit tayong lahat." sabi ni Chen.

Nagulat kami ng sabay sabay tumunog ang cellphone namin. Agad kong tiningnan kung anung meron. At shit muntik ko ng maitapon ang cellphone ko sa nakita ko. Ganun din yung iba, napamura pa nga si Kris. May caption pa sa baba.

Kung gusto nyo pa syang mabawi pumunta kayo sa lumang gym malapit sa lumang simbahan. At wala dapat makaalam nito lalo na ang mga pulis.

Nasa picture si Eunhye na nakagapos ang kamay at paa. May panyo pa ang bibig nito.

"Shit!!! anu bang gusto patunayan ng Lance na yan ha.!!!!" sabi ni Xiumin.

"We will find it out, pupuntahan natin si Eunnie. And guy's it's showtime" sabi ni Suho. Tumango lang kami at sumakay na sa kotse. Kasama ko si D.O at Sehun.

"Nagtext si Sulli, ang sabi nya dapat daw eh magsosorry na sa atin kanina si Eunnie." sabi ni Sehun

"So kaya pala sya hawak ngayon ni Lance kasi pinigilan sya." sabi ni D.O

"I think ganun na nga." sabi ko. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan.

Hindi naman malayo ang lugar kaya mabilis din kaming nakadating.

"Ano papasukin na ba natin?" tanong ni Kai.

"No, let's wait" sabi ko. Alam ko ang ugali ni Lance, masyado syang mapanlinlang.

At hindi naman kami nag antay ng matagal at nakita namin si Lance at mga tauhan nito. Nakita ko din si Eunhye na hila hila nung isa, nakatali parin ito, nanlaki pa ang mata nito ng makita kami.

"Hay nako, mukhang ito na ang katapusan ng EXO." sabi ni Lance at tumawa pa.

"Shut up, ibalik mo na sa amin si Eunnie." sabi ni Suho.

"Hindi naman ganon kadali ang lahat." sinenyasan nito ang mga tauhan nito. "Bugbugin nyo na sila."

Agad kaming sinugod ng mga tauhan nito. Lumaban naman kami, anung akala nila hindi kami marunong lumaban, magaling kaya ang iba sa amin sa martial arts.

Medyo madami ang tauhan ni Lance at medyo napapagod na kami. Nakita kong may susugod sa likod ni Sehun kaya mabilis ko yung sinipa. Tulungan na kaming lahat. At sa wakas lilima na lang sila at kasama na din doon si Lance.

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon