wo ai ni/ saranghae

355 13 1
                                    

Luhan's POV

Andito na kami ni Eunhye sa tapat ng isang amusement park. Todo disguise na din ako.

"Anung ginagawa natin dito?" tanong nito.

Isinuot ko muna yung bonet at shades ko bago sumagot. "We're going to have fun."

"Talaga?!"

"Yup so ano tara na?" tumango lang ito at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Pumila ba kami sa bilihan ng ticket at after that pumasok na kami.

"Saan mo gustong sumakay?" tanong ko.

"Sa roller coaster." masiglang sabi nito. Bigla naman akong pinag pawisan ng malamig. Takot kasi ako sa matataas na lugar.... paano kaya ito. "Uy Luhan okay ka lang ba? takot ka ba?" tanong nito.

"Y-yeah, t-tara na."

"Sigurado ka ba?"

"Y-yup" ngumiti pa ako.

"Sabi mo yan ha, sige tara na." nagulat naman ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila palapit sa pila ng roller coaster. Bigla na naman akong kinabahan ng makita ko kung gaano kataas ang binabagsakan, kaya ko to... sana

So after few minutes kami na yung sasakay. Tapos dun pa sa dulong part kami nakapwesto para daw walang makakilala sa akin. Nang ibaba na yung safety gear sa amin bigla na lang akong nanlamig, patay na ito... wala na talagang atrasan, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nung unti unti ng umaandar ang sadakyan ay napapikit na lang ako... para to kay Eunnie... natatakot talaga ako.... konting tiis lang to. Nagulat ako ng may maramdaman akong mainit na bagay na humawak sa kamay ko, napatingin ako kay Eunnie.

"Hahawakan ko na lang ang kamay mo para kahit paano hindi ka matakot. Sumigaw ka pagnatatakot ka na" ngumiti pa ito sa kanya. Parang biglang nawala yung takot at kaba ko, ngumiti ako sa kanya.

Nag umpisa ng umandar at napakabilis ng andar. "Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" sigaw ng halos lahat. Tapos nang makarating kami dun sa pinakamataas ay tumigil bg saglit yung ride. Napatingin ako kay Eunnie.

"Ready ka na?" lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Yeah" hinigpitan ko din ang hawak dito. At unti unti na kaming bumababa. Sumigaw yung iba pero iba ang isinigaw ko.

"WO AI NI HYUN EUN HYE!!!"

Matapos kaming sumakay sa roller coaster eh sinakyan pa namin yung ibang extreme rides, at hindi naman binibitawan ni Eunnie ang kamay ko.

Pero nung pumasok kami sa haunted house nagkalimutan na haha, pareho kaming duwag eh. Iniwan pa nga ako, ambilis kasi tumakbo.

Ngayon ay sa Ferris Wheel na kami sasakay...medyo kinakabahan na naman ako, pero sa ibang dahilan.

Umadar na ang Ferris Wheel at dahan dahan pa talaga. Mga sira ulo talaga ang mga yun.

"Wow ang ganda, kitang kita mula dito ang Seoul." sabi ni Eunnie at nakangiti pa.

"Oo nga" takte ang taas na namin, wrong idea ata tong sinabi ni D.O ah.

Nang makarating na kami sa tuktok ay biglang tumoigil at nawalan pa ng ilaw. Madaming tao ang nag panic.

"Luhan anong nangyayari?" nakita kong medyo natakot si Eunnie.

"H-hindi ko din alam." medyo kinakabahan kasi ako, idagdag mo pa na nasa mataas na lugar kami.

"Sa lahat po, wag po tayong magkagulo. Mabilis naman pong maayos ito" sabi nung isang staff na nasa baba.

"Eh Luhan, medyo delikado tayo dito. Natatakot ka ba?"

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon