Craziness

226 5 0
                                    

Eunhye's POV

"Sige salamat D.O, nga pala ibigay mo kay Luhan yang breakfast ha."

"Sige ,ingat ha. Kaunin ka namin mamayang lunch"

"Sige bye." pumasok na ako sa room ko. Ahm medyo naninibago ako, wha kinakabahan ako.

"Eunhye, welcome back." sinalubong ako ni Seohyun. Dumalaw sila nun sa ospital at nakilala ko sila dun.

"Eh?"

"Para ka namang baliw sa reaksyon mo eh." sabi ni Krystal.

"Kayo pala ang mga baliw, syempre naninibago yan, wala nga syang maalala diba" sabi ni Sulli.

"Pero don't worry Eunhye, wag kang matakot, andito naman kami." sabi ni Shinhye.

"Gagabayan kana man namin, asahan mo yan." sabi pa ni Yoona. Kaibigan ko ba talaga sila? kung medyo parang baliw sila how much more kaya ako? di ko maisip.

"Eh hehe salamat." ayun at umupo na kami. Kina usap pa nila ako ng kung ano ano. Kakaluka di ako mala relate. 

Dumating na yung professor namin. "Good Morning class. And welcome back Miss Hyun."

"Salamat po."

"So may announcement ako. Next next week ay magkakaron tayo ng sing and dance contest, lahat ng C.A ay kasali. And after that may Ball tayo para lang sa C.A"

"Eh Ma'am lugi naman kami sa mga major ay dance at music." sabi ni Sulli.

"Hindi yan, may tiwala ako sa inyo kaya nyo yan."

"Lugi kami sa EXO." sabi pa ni Krystal.

"Napagkasunduan na hindi sila kasali, exempted sila. Pero magbibigay pa din sila ng special number nila "

"Aba ayos pala eh, sa wakas maririnig na nila ang golden voice ko." sabi pa ni Yoona.

"Pati yung mga moves ko." dugtong pa ni Seohyun.

"So anung sasayawin at kakantahin natin?" tanong ni Shinhye.

"Makinig muna kasi kayo. Kaya nga sing and dance. Ibig sabihin may kakanta ng solo at sasayaw na grupo." sabi pa ni Ma'am.

"Ha!?" sabi naming lahat.

"Para kayong mga baliw. Tiwala lang, kaya yan." sabi pa ni Ma'am

"Tama" ssgot nila. Ang gulo naman nila. Mag usap usap sila ng tungkol sa event, nagtoka toka na din.

"Sinong kakanta sa duet?" tanong ni Krystal

"Si Eunhye na lang."

"Hala bakit ako?!"

"Wag ka ng tumanggi, basta ikaw ang kakanta."

"Sinong partner nya.?" tanong ni Sulli.

"Pwede bang sa ibang course?" tanong ni Yoona.

"Pwede naman depende kung papayag sila." sabi ni Ma'am.

"Madali na yan, kumuha ka sa EXO." sabi ni Seohyun.

"Tama" sagot ni Shinhye.

Ay nako malaking gulo to, hindi ba pwedeng exempted na din ako. Natapos amg klase namin na puro yun ang pinag usapan.

Tumayo na sila ." Eunhye sasabay ka sa amin?" tanong ni Sulli.

" Anu, sabi kasi ni D.O intayin ko sila"

"Ah ganun ba sige mauna na kami, ingat ka dyan."

"Sige salamat." umalis na sila at ako iintayin ko pa sila D.O.

Nasa sampung minuto na ata akong nag iintay pero wala parin sila. Baka busy sila, panu na to? hindi ko alam ang pasikot sikot dito sa school.

Umubob na lang ako, mukhang malilipasan ako ng gutom. May narinig akong nagbukas ng pinto, di ko na lang tiningnan baka classmate ko lang.

"Wala ka bang balak kumain?" napatunghay ako ng marinig ang boses na yun.

"L-luhan."

"Pinasundo ka nila sa akin, kakain na tayo dun sa garden"

"Ah ganun ba, sige tara na." Tumayo na ako pero napatid naman yung paa ko sa bag ko. Clumsy, iniintay ko na lang maglanding ang mukha ko sa sahig ng maramdaman kong may yumakap sa bewang ko at napigilan nun ang paglagpak ko.

"Dahan dahan, hindi naman aalis ang pagkain." sabi ni Luhan habang tinutulungan akong tumayo.

"P-pasensya na, di ko sinasadya." wha, bakit kinakabahan ako pag malapit sa akin si Luhan at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mag ingat ka lagi, baka mamaya mapaano kana naman ako pa masisi nila." nauna na itong maglakad. Nasa likod lang nya ako. Mababaliw na ata talaga ako, nakakalito kasi. Humarap ito sa kanya at lumapit, nagulat pa ako ng hawakan nito ang kamay ko.

"Ang bagal mong maglakad, hahawakan ko na ang kamay mo para hindi kana ulit madapa." nag umpisa na kaming maglakad.

"S-salamat."

Tumango lang ito at naglakad kami ng tahimik at magkahawak ang kamay. Wha bakit parang kinikilkig ako whaaaaaa

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon