Luhan's POV
"Lady Eunhye, ito na po ang EXO." narinig kong sabi ng secretary nila.
"Ah sige," humarap na sa kanila si Eunhye and darn it ang ganda nya. Nakasuot kasi ito ng black dress na napapatungan coat. Nakalugay din ang buhok nito. "Hi, Welcome sa inyong lahat. Ako nga pala si Hyun Eun Hye." ngumiti pa ito. Napansin niyang natulala ang mga kasamahan niya.
"Ikaw pala may ari nito Eunhye." napatingin kaming lahat kay Sehun. Napansin niyang namula ang dalaga, NO WAY!
"Hehe, hindi pa naman ako ang may ari. Sa mga magulang ko parin ito, ipinapahandle lang sa akin."
"Miss Eunhye, thank you po at tinanggap nyo po kami dito." Sabi ni Kris at nag bow pa, sumunod naman kami dito.
"Walang anuman, and please stop the formalities. Magkakabatch lang tayo, you can call me Eunhye."
"Sige salamat ulit." tumango lang ito. Nagpaalam na yung iba na pupunta na sa kwarto namin pero nagpaiwan pa ako.
"Eunhye you look like a goddess." aniya.
"Hay nako Luhan wala akong oras makipag bolahan sayo."
"Hindi kita binobola."
"Ewan ko sayo. At isa pa nga pala, bakit nyo naisipang bumili ng unit dito sa amin?"
"Kelangan kasi namin ng lugar na malapit sa school at lugar na mapoprotektahan kami."
"Bakit dito pa?!"
"I suggested it. Nung inihatid kasi kita dito eh hindi man lang ako dinumog ng tao kahit alam nilang member ako ng EXO."
"Yun lang ba talaga o may iba pa?"
"Anu ba naman Eunhye, yun lang talaga. At tama ka pala may isa pang dahilan at yun ay ang mapalapit sayo at makita ka araw araw." kinindatan pa niya ito bago lumabas, nakita pa niyang natulala ito. Cute.
Pagpasok ko sa room namin eh nabigla ako. Hindi bat ito ang unit ni Eun hye, panung nangyari na ganito. Ang ganda kasi ng buong lugar, parang pinasadya. Kumpleto ang lahat.
"Luhan anung masasabi mo?" tanong sa kanya ni D.O na nakadungaw mula sa verandah sa second floor.
"Wow" yun lang ang nasabi niya. Umakyat na siya sa second floor. Bali ang nangyari eh nasa right side kaming EXO M at nasa left side ang EXO K. At mula dito sa taas ay kita ang lahat at ang ganda. Nasa huling kwarto yung akin.
"This place is heaven dude." sabi ni Chanyeol.
"Yeah, tamang tama talaga sa atin" sang ayon ni Chen.
"Nga pala Luhan, panu mo nalaman tong building na to?" tanong ni Suho.
Tumingin ang lahat sa akin. "Inihatid ko kasi dito si Eunhye nung nagkasakit sya."
"Wow, dumadamoves ka na pala baby Lulu." kantsaw ni Xiumin sa akin.
"Yeah right. Pero alam nyo bang itong 10th floor eh kwarto ni Eunhye. Kaya medyo nagtataka ako at dito ang kwarto natin." aniya
"Baka ipinarenovate nila para sa atin. Diba nga kinausap muna sila ni manager bago tayo lumipat dito." sagot ni Lay.
"Pero grabe naman diba, siya ang may ari ng lugar na ito pero sya ang lumipat para sa atin." dugtong ni Tao.
"Baka kasi crush nya si Sehun." pan aasar ni Baekhyun. Tiningnan niya ito ng masama.
"Sa akin lang sya pwede magkagusto." aniya.
"Aba hindi naman patas yun, ang ganda kaya ni Eunhye kung sayo lang siya magkakagusto." tutol ni Kai.
"Pati ginagawa mo lang yang pagpapansin na yan eh para maitayo mo ulit ang pride mo." dugtong ni Kris.
"Pleath Luhan, wag kanang mag higanti kay Eunhye. Theth (She's) adorable." sabi ni Sehun.
Seryosong nakatingin sa akin ang lahat. Bumuntong hininga na lang ako. "Bahala na, basta enjoyin natin ang pagtira natin dito. Let's have a party."
"Tama! Party party tayo. Let's invite Eunhye." sigaw ni Xiumin.
"Alright!!!" sigaw ng lahat at nagkanya kanya sa pagpasok sa mga kwarto. Nagkatinginan muna sila ni Sehun, magkatapat kasi kwarto namin.
"Luhan, mabilith ang karma kaya wag munang gawin yun kay Eunhye para walang mataktan." sabi nito pagkatapos ay pumasok na. Problema nun? may gusto ba sya kay Eunhye! argh bakit naiinis ako sa isiping yun. I hate this feeling, Shit.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Teen FictionWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...