I like you!!!!

304 10 0
                                    

Nyemas oh, tinanghali ako ng gising. Halos 1am kasi natapos yung party ng EXO. Ang lakas din ng saltik ng mga iyon, pero masaya at nakilala ko ang other side nila.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo. Ginawa ang mga morning rituals ko. Pagkatapos ko eh nagpalit na ako ng damit. Pupunta ako ng simbahan, syempre magpapasalamat ako sa mga blessing sa akin.

Paglabas ko ng pinto eh agad bumungad sa akin ang labingdalawang nag gagwapuhang nilalang. Ang mga biyaya ng Diyos sa kababaihan, ay chozs. Ngumiti pa ang mga ito, naka pang alis din ang mga ito, ang iba ay nakashades at ung iba ay naka bonet pang disguise siguro nila.

"Saan ang punta nyo?" tanong ko sa kanila. Umayos ang mga ito.


"Sa puso mo" sagot ni Chanyeol.

"Boom!!!" sigaw nung iba.

"Hoy anu yan, tinanong ko kayo ng ayos."

"Sisimba kami. Itatanong lang namin kung sasama ka." sagot ni Tao.

"Ah ganun ba, sige sama na din ako sa inyo. Dun din naman ang punta ko."

"Yet, tige tara na." sigaw ni Sehun. Bumaba na kami gamit yung elevator namin at sumakay sa kani kanilang kotse. Eh kanino kaya ako sasabay? Hala makapag commute na nga lang.

"Wait Eunhye dito kana sa amin ni Luhan sumabay." yaya sa kanya ni Sehun. By pairs kasi sa bawat kotse.

"Ah eh s-sige." Dun ako sumakay sa backseat. Nakaupo na kasi si Sehun dun sa passenger seat at si Luhan ang magdadrive.

Nagumpisa ng magdrive si Luhan. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila.

"Eunhye, ilang taon kana?" tanong sa kanya ni Sehun.

"Seventeen, mag18 na din ako next week."

"Talaga? edi magdedebut ka?"

"Ay depende, parang ayoko din eh."

"Kaw talaga, mat matanda pala kami tayo(sayo).

"Hehe, di naman halata."

"By the way Eunhye, I like to tay that I like you."

Ay nyemas, bigla na lang nagpreno ng malakas, napatingin ako kay Luhan at seryoso ang mukha.

"Sorry, akala ko yung gas ang naapakan ko." anito at pina andar na ulit ang sasakyan. Hay anu ba naman ito.


Nang makarating na kami sa simbahan ay sabay sabay kaming pumasok. Naka disguise na naman ang mga ito pero may ibang napapatingin parin.

Umupo kami dun sa may dulo, wala kasing masyadong tao dun. Agad akong lumuhod dun sa dasalan at nagdasal.


Dear God,

Thank you po sa blessing na ibinigay nyo sa akin. Salamat din po sa mga kaibigan. Sorry po sa mga kasalanan ko lalo na po dun sa nagawa ko sa EXO. Sana po gabayan nyo si Papa. At sana po gabayan nyo ako sa mga pagsubok na ibibigay nyo. Salamat po talaga.

Amen

Pagmulat ko nagulat ako ng makita kong nakatingin sa akin lahat ng EXO. Problema ng mga ito.

Luhan's POV


Hindi ko mapigilang mapatingin kay Eunhye habang nagdadasal. Ang ganda kasi talaga nito kahit simple lang. Nakita din niyang nakatingin dito ang iba niyang kaibigan.


Dahan dahang nagmulat ng mata si Eunhye at tumingin sa kanila. Hindi na siya nag iwas ng tingin dito.


"May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito.

"Wala. Hindi lang talaga namin mapigilang mapatingin sayo." sagot ni D.O


Nakita niyang namula ang mukha nito. "Hay nako mga boladas nyo eh eh. Tapos na ba kayo magdasal?"

"Yup, so saan ang sunod nating pupuntahan.?" tanong ni Kai.


"Tara ta park." sagot ni Sehun.


"Huwag na, baka may makakilala sa inyo eh pagkaguluhan pa kayo." sagot ni Eunhye.


"Eh san tayo pupunta?"


"Tara na lang sa unit nyo tapos ipagluluto ko kayo." sagot nito.


"Nice idea, pero kelangan muna nating dumaan sa Supermarket para mamili." sagot ni Lay


"Ako na lang ang  mamimili." sagot ni Eunhye.

"Hindi pwede yun, dapat may kasama ka. Kami na lang ni Kris ang isama mo." sagot ni Tao.


"Ah sige, mauna na kayo. Mabilis lang naman kami"

"No! ako na lang ang sasama kay Eunhye. Sehun sumama ka na din sa kanila gagamitin ko yung kotse." sabi ko.

"Anla andaya mo naman Luhan. Tama din ako ta inyo." angil ni Sehun.

"Wag ng maarte sige una na kami. Kita na lang tayo sa condo." Hinawakan ko na sa kamay si Eunhye at pinasakay sa passenger seat.

"Eh Luhan, may problema ka ba?" tanong nito.

"Ha? bakit mo natanong?"

"Para kasing ang lagi kang tahimik at nakabusangot."


"Ah wala ito, nagseselos lang siguro ako dun sa iba. Nginingitian mo kasi sila ako hindi." namula pa ito.

"Anlahui Luhan, wag mo na akong bolahin at magkaibigan na naman tayo."


"Hindi kita binobola. I like you Eunhye. Seryoso ako." hindi ko alam kung san nang galing ang nasabi kong iyon.

Natulala ito sa kanya. Ang cute talaga nito. Hay mukhang hindi lang naman ako ang may gusto sa kanya. Argh nakakafrustrate.

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon