D.O's POV
Pagkatapos magising ni Eunnie ay hindi na kami umalis sa tabi nya, pati na din sina Seohyun. Ang papa naman nya ay kada isang linggo nadalaw sa kanya. Inumpisahan na naming gawin ang lahat para maka alala si Eunnie, pero mukhang matatagalan pa.
Ngayon ay balik school na sya, binigyan ng chance ng school si Eunnie para makahabol sa studies, binigyan sya ng mga hand out para makahabol. Madali naman syang maka cope up sa mga bagay bagay, hilig naman pati nya ang pinag aaralan.
Sa unit na din muna namin nakatira si Eunnie sa kwarto ko sya nagsta-stay, bale lumipat ako sa kwarto ni Luhan at magkasama kami. At kita ang ang pangungulila at pagkalungkot ni Luhan sa bawat araw na nakikita nito si Eunhye.
"Eunnie ang cute mo talaga sa uniform na yan." sabi ni Chanyeol.
"Hehe salamat."
"Upo ka na dito, kumain na tayo at ng maaga tayong maka punta sa school." sabi ko at pinaghain pa sya.
"Salamat bestfriend" nagulat ako sa sinabi niya.
"Naalala mo na ako?" tanong ko.
"Eh, hindi pa."
"Ah ganun ba, sige kain ka na." akala ko pa naman naalala na nya ako kasi tinawag nya akong bestfriend hay.
"Teka asan si Luhan? bakit wala pa siya?" tanong ni Kai.
"Oo nga no, uy D.O asan si Luhan?"
"Maagang umalis, may gagawin pa daw siya sa school kasama si Suzy." sagot ko.
"Ha? bakit naman di tya nagpaalam ta akin. Kakatampo talaga ti Luhan." sabi ni Sehun.
"May problema ba sya?" tanong ni Eunnie. Napatingin kami sa kanya.
"Ahm ganun talaga yun, masyadong seryoso sa lahat ng bagay." sagot ni Tao.
"Oo nga, hayaan na natin pati sya malaki na yun." sabi ni Kris. Tumango na lang ito. Hanggang kailan kaya magpapanggap si Luhan.
Matapos kaming kumain ay nag punta na kami sa parking lot, pero hinila ko si Eunnie papunta dun sa bike nya. Kelangan nyang masanay sa ganito.
"Guy's magbi-bike na kami. Baka makaka tulng sa kanya ang ganito" sabi ko.
"Sige, ingatan mo yan D.O ha." sabi ni Suho.
"Sige. Tara na Eunnie." ayun at sumakay na kami sa bike, naka angkas lang sya.
"D.O alam mo pakiramdam ko may mali." sabi nito.
"Anung ibig mong sabihin?"
"Hindi ko alam, pero parang ambigat sa pakiramdam ko na si Luhan eh galit sa akin."
"Wag mo ng isipin yun, ganun lang talaga yun. Naninibago ka pa lang pati."
"Sabagay."
"Basta Eunhye pag may nangyari sayo tawagan mo lang ako ha."
"Sige, salamat D.O."
Nang makarating kami sa school ay agad ko syang inihatid sa room nya. Nasa may hallway na kami ng makasalubong namin si Luhan at Suzy, naka yakap pa sa braso ni Luhan si Suzy.
"Oh Luhan saan ka pupunta?" tanong ko.
"Sa canteen, kakain kami ng agahan." sagot ni Suzy.
"Ikaw na ba ngayon si Luhan?" sabi ko.
"Stop it D.O, sa canteen talaga ang punta namin."
"Bakit hindi ka ba sa amin sumabay?" sabi ni Eunnie, tumingin lang dito ng masama si Suzy at wala namang pake si Luhan.
"Wala ka na don, mauna na kami."
"Oh i'm glad nabuhay ka pa. Sige bye." sabi ni Suzy. That bitch. Napatingin ako kay Eunhye at shit naiyak sya.
Pinunasan ko ang luha nya, damn you Luhan. "Wag ka ng umiyak."
Parang nagulat pa ito sa sinabi niya. "Anu ba yan, pumatak na lang ng kusa ang luha ko." sabi nito.
"She's not worth of your tears."
"Tama ka, tara na baka malate pa ako"
"Sige." kahit siguro hindi naalala ni Eunhye si Luhan kilala naman ito ng kanyang puso. Sana tigilan na ni Luhan ang kalokohan nya.
Luhan's POV
Agad kong hinatak palayo si Suzy kay Eunhye, hindi ko gusto ang sinabi nito.
"Luhan buti natitiis mong kasama ang babaeng yun. She's very flirt." binitawhan ko sya at hinarap.
"Don't say anything about her. Wala kang alam sa kanya."
"Duh, anu ka ba naman Luhan, malandi naman talaga siya. Kaya ka nga nag kakaganan kasi gusto mo sya pero kung sino sino ang kasama nya."
"Kasi may amnesia sya kaya madami syang kasama."
"So? nag iinarte lang yan. Makakaalala din yan ng kusa."
"Stop it."
"Okay, okay." tinalikuran ko na sya at iniwan. Wala na akong balak kumain. Pumunta na lang ako sa locker room namin. Binuksan ko yung akin at nagulat ako ng may makita akong binalutan dun. Kinuha ko yun at may nakita pa akong note.
Kainin mo to ha, pasensya na kung di ka makakain kasama ang mga kaibigan mo ng dahil sa akin. Sorry talaga.
Eunnie
Nagagalit ako sa sarili ko, bakit ba hindi ko maipakita sa kanya ang tunay na ako. Alam kong nahihirapan na din siya sa sitwasyon namin, pero ayoko ng masakatan sya ng dahil sa akin. Tamang ako na lang ang masaktan.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)
Ficção AdolescenteWhat if ang isang hater ng EXO ay maging kaclose nila. To the point na nagkagusto pa sila sa kanya. Eunhye is a kind of artist who hate's music and Dance, marahil siguro sa kagagawan ng mama niya kaya dina kataka taka kung galit siya sa EXO, lalo pa...