Thanks

251 6 0
                                    

Aray ko, ansakit ng katawan ko. Ikaw ba naman ang magpaint ng matagal tapos wala pang kain. Try mo, haha. Nagawa kasi ako ng project ko sa drawing at super hirap grabe. Bukas na pass nito.

Maya maya lang ay may narinig akong katok sa pinto ng unit ko. Sino kaya yun? napatingin ako sa orasan 9:45pm na pala. Hala kanina pang lunch ako nag umpisa kaya pala liyo na ako.

Agad kong binuksan yung pinto at si Luhan ang nakita ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Ahm anu kasi, itatanong ko lang sana kung nakakain kana."

"Ah"

"So ano nakakain kana ba?"

"Ahm anu kasi Luhan eh anu kasi haha."

"Para kang baliw, ano nakakain kana?"

"Eh kasi hindi pa"

"What? it's already quarter to 10pm pero di ka pa nakain. Come with me kakain ka."

"Huh saan, gabi na Luhan at wala ng bukas na kainan"

"Meron akong alam na lugar na pwede mong kainan." hinila na lang siya nito palabas.

"Pero Luhan kelangan ko pang tapusin yung painting ko."

"Makakapag intay yon, pero yang sikmura mo hindi na. Sana naman wag mong kakalimutan yang kalusugan mo, kasi may mga taong nag aalala sayo."

"I'm sorry." nagpahila na lang ako sa kanya, sabagay wala na din akong lakas para makipagtalo pa sa kanya.

Lumabas kami ng building at naglakad kami papunta sa 24/7 na convenience store. Buti na lang at naka bonet at hoodie si Luhan, kung nagkataon kasi baka pagkaguluhan ito. Pumasok kami don at umorder si Luhan, habang ako ay nasa likod lang niya.

"Isa pong bibimbop, yung large po at dalawang hot choco." pagkakuha nito ng order ay pumunta na kami sa dulong lugar nitong convenience store. Buti at di nakilala nung crew si Luhan.

"Kumain ka na." sabi nito. Ini abot nito sa kanya ang chopsticks at yung pagkain.

Nagsimula na akong kumain at gosh ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Mabilis ko ngang naubos yung pagkain pati na din yung hot choco. Wha grabe nabusog ako.

"Dapat pala pati linggo ay sa amin ka pa din nakain. Para hindi mo napapabayaan ang sarili mo." sabi nito.

"Nakalimutan ko lang kasi talaga. Kailangan kasi talagang matapos yung painting."

"Pero napapabayaan mo ang sarili mo."

"Sorry."

"Basta sa susunod wag kang magpapalipas ng pagkain. Kung halimbawa at busy ka pwede mo akong sabihan para madadalhan kita ng pagkain."

"Masyado na ata akong nagiging pagbigat sa inyo. Nakakahiya na din kasi."

"Eunhye wala kang dapat ikahiya. Kaibigan ka namin, please lang wag kang magpabaya."

Tumango lang ako. "Salamat Luhan."

"Basta ikaw. So tara ng bumalik at ng matapos mo na ang painting mo."

"Sige."

At naglakad na uli kami pabalik sa unit ko, bumili pa nga ng tinapay at kape si Luhan.

Pagtapat namin sa unit ko ay nabigla pa ako ng di pa umalis si Luhan.

"Hindi ka pa ba tutulog?" tanong ko.

"Pwede bang samahan kita habang nagpapaint ka?" nanantyang tanong nito.

"Pero baka mapuyat ka"

"Sanay na naman ako, pati hindi pa ako ina antok."

"Ah eh, sige. Pero sasabihin mo kung ina antok ka ha."

"Sige."

At pumasok na kami sa unit ko, at umakyat sa kwarto ko, hoy wag kayong malisyoso at malisyosa. Ako naman ay pumwesto na para magpaint. Actually patapos na naman to, konting shadowing na lang ang kailangan. Nakita kong umupo ito sa kama ko.

Napatingin ako sa orasan 10:38pm. Kelangan ko ng matapos ito para makapag pahinga na ako at si Luhan.

So I put my mind on my work, para hindi mawala ang focus ko.

Pero shit ang hirap, andito kasi si Luhan kaya di ako makapagconcentrate, patay tayo nyan.

"Ahm Eunhye nakakaabala ba ako?"

"Ha? bakit mo naman nasabi yan?"

"Kanina kapa kasi nagbubuntong hininga dyan at nakatitig ka lang sa canvas."

"Hala anu kasi ahm, naiilang kasi ako sayo."

"Ganun ba, sige dun muna ako sa sala. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka ha."

"Salamat Luhan." tumango lang ito at bumababa na. Argh ambait nya.

At yun nagstart na kong magpaint, at inspired pa ako kasi nasa malapit lang yung espesyal na lalaki sa buhay ko. Oo aaminin kong mabait at gwapo ang lahat ng EXO pero si Luhan lang ang kakaiba para sa akin. Siguro ay dahil hindi maganda ang first encounter namin pero ng tumagal naman ay naging okay ang lahat. At hindi ko akalain na magkakagusto pa ako sa kanya. At sa tingin ko nga ay lumalalim pa, napangiti na lang ako sa kaisipang yon.

Sa wakas tapos na, pagtingin ko sa orasan 12:05am na. Hala antagal ko pala. Agad ako bumababa at hinanap si Luhan, nakita ko syang nakahiga sa sofa. Buti na lang at mahaba ang sofa ko kung hindi hirap tong matulog. Umaykyat muna uli ako at kumuha ng kumot agad din naman akong bumalik, hindi ko na sya gigisingin. Kinumutan ko siya at tinitigan ng mabuti, napaka cute nya. At kung tutuusin mukha syang babae. Napatingin ako sa labi nya at gosh parang ang sarap halkan. Erase erase Eunhye, ang manyak mo. Pero kung tutuusin nahalkan na nya ako. ayiee. Hala yae na kiss ko na lang siya sa cheeks. At kiniss ko nga siya pero bigla naman itong gumalaw kaya ayun sa lips nito naglanding. Gosh, agad akong napatayo. Buti na lang at tulog pa din ito. "Thanks Luhan." sabi ko bago umakyat ng kwarto. Ayie kakakilig naman haha

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon