Real Talk

227 8 0
                                    

Eunhye's POV

Wha ang weird ng panaginip ko! Bakit ganun, iniwan daw ako ni Luhan at sumama kay Suzy. At bakit ganon, yung tibok ng puso ko parang kakaiba, oo alam kong may gusto ako kay Luhan pero bakit parang higit pa dun ang nararamdaman ko. Baka naman inlove na ako sa kanya. Hala erase erase, masyado pang maaga para magung ganun kalalim ang naramdaman ko sa kanya. Hayst ewan sarili ko din naman ang niloloko ko.

Tumayo na lang ako, at pagtingin ko sa kabilang kama ay wala ng tao, asan kaya yung dalawang yun. Pumunta na ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng cabin at pumunta kina Suho. Kumatok muna ako at yun may nagbukas si Sehun.

"Good Morning Eunnie." bati nito at pinapasok siya.

"Morning, kumusta ang tulog nyo?"

"Okay naman, pero naantala kati nambulabog ti Luhan at D.O kanina."

"Ha talaga? asan na yung dalawa?"

"Ti D.O ayun tulog pa dun, katabi ti Tuho. Ewan ko lang kung atan ti Luhan."

"Baka naman andun sa iba si Luhan at nambubulabog."

"Baka nga, kumain kana ba Eunnie?"

"Hindi pa nga, tara bumili dun sa restaurant dun."

"Tara." ayun at naglakad lakad na kami ni Sehun. Ang ganda talaga nitong lugar ,presko ang hangin at payapa.

"Nga pala Eunnie, okay na ba yung dalwa?"

"Ewan ko lang, pero mukhang okay na sila kasi hindi na sila nag aaway."

"Buti naman."

"Subukan lang nilang mag away pa at makikita nila."

"Haha kaya akoy hanga tayo eh. Ahm nga pala Eunnie, maiba ako, ta amin bang lahat eh may naguguttuhan kana?"

Natigilan ako sa sinabi nito. "Ahm anu, lahat naman kayo eh espesyal sa akin hehe."

"Alam ko yun, pero wag na ka ng magkunwari, alam kong may pinaka etpetyal tayo."

"Hayst, anu ba namang tanong yan Sehun."

"Tagutin mo na lang."

Bumuntong hininga na lang ako, mukhang di naman ako titigilan ni Sehun. "Sa totoo lang lahat kayo espesyal sa akin. Nung una ikaw talaga yung crush ko, remember nung nagkabangaan tayo, ang cute at ang bait mo kasi. And then lahat kayo naging kaibigan ko, si D.O naging bestfriend ko kasi parang kailangan nya ng girl na kaibigan. Pero unexpected ko ang nangyari, kasi sya yung nakilala ko sa inyo sa paraang di maganda. Oo aaminin ko na sya ang pinaka espesyal sa inyo."

"Ti Luhan yun diba."

Tumango lang ako. "Pero Sehun nalilito ako sa nararamdaman ko sa kanya."

"What do you mean?"

"Hindi ko alam kung gusto ko lang siya o higit pa doon, naiinis ako sa mga babaeng nalapit sa kanya lalo na kay Suzy, at yung puso ko ambilis ng tibok."

"Baka mahal mo na pala tya ng di mo alam, tabi mo nga unexpected ang lahat."

"Siguro tama ka, pero natatakot ako sa mga pwedeng mangyari."

"Wag kangmatakot, andito lang naman kami tutuportahan ka namin, at taka enjoyin mo lang yang nararamdaman mo."

"Thanks Sehun, sana wala ng makaalam ng napag usapan natin."

"Ture, pero alam mo tayang pala, kung nag pacute pa ako tayo ako ang mahal mo, haha." kumamot pa ito sa noo. Kumapit ako sa braso nito at ngumiti.

"Wag ka ng malungkot, ikaw parin ang crush ko."

"Totoo ba yan?" sumigla pa ito.

"Oo naman, ikaw ang crush ko, si D.O ang bestfriend ko at si Luhan ang mahal ko."

"Okie na yun, simula ngayon ikaw na si Crush."

"Okay Crush" ayun at nagpunta na kami sa kainan. Masaya ako at narealize ko na ang nararamdaman ko. Atleast masarap sa pakiramdam, ayiee mahal ko si Luhan.

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon