Camarines Sur

240 7 2
                                    

After 24 hours na byahe mula korea hanggang bicol, sa wakas naka dating na din kami.

A/N: Estimated ko lang po yung oras na travel nila. Kaya kung mahaba o kulang yung oras eh pasensya na po.

At kung ini isip nyo kung okay na yung dalwang kulugo, ay naku ayun at magka away pa, pati kasi sa van na maghahatid sa amin dito sa CWC eh nag agawan pa sa pagtabi sa akin, kaya ayun kay Lay at Kai ako tumabi, ang gulo naman kasi nila hayst.

Anyways, so andito na nga kami sa Bicol, Camarines sur. At grabe ang ganda ng lugar at ang sarap sa pakiramdam ng klima tama lang. Ang daming water sports. At ang cucute ng cabin. Grabe *^O^*

So ayun at nagpunta na kami sa reception, ang dami nilang dala haha, kasi ako may taga dala, haha joke. Pinagdala kasi ako ni Tao at Baekhyun. Agad naman kaming ina sikaso nung receptionist.

"Welcome to CWC water sports complex." bati sa amin.

"Thanks."

"So kayo po yung mga taga korea na nagpabook ng four cabins."

"Four? ahm miss hindi ba five cabins yung nasabi nung kumausap sa inyo?" tanong ko, kasi sa bawat cabin eh tatlong tao lang ang pwede.

"Eh Ma'am four lang po talaga ang pina reserve na cabin."

"Ganun ba, ahm pwede pa bang magdagdag ng isang cabin yung malapit lang din dun sa apat na cabin?"

Tiningnan muna nito ang logbook tsaka tumingin uli sa akin. "Naku Ma'am naka reserve na po kasi lahat ng cabin sa phase one kung saan na dun yung apat na reserve ba cabin, sa phase two pa po may available pero medyo malayo po."

"Ehh? eh panu ako? sakto lang sila para sa apat na cabin."

"May problema ba Eunnie," lumapit sa akin si Kris, Eunnie na talaga tawag nila sa akin, kasi kanina sa van napag diskitahan nila ang pangalan ko, medyo mahaba daw kaya Eunnie na lang daw.

"Anu kasi, apat lang yung cabin na nareserve ,eh tatlong tao lang sa bawat cabin."

"Miss hindi ba pwede mag apat dun sa isang cabin?" tanong pa nito.

"Ahm anu po kasi, tatlo lang po talaga ang pwede."

"Please naman Miss, malalayo kasi sa amin yang muse namin kung sa ibang cabin nyo pa sya ilalagay." lumapit na din si Suho at kumindat pa dun sa receptionist, ay nako mga taktika talaga nila.

"Ahm s-sige po. So ito po ang mga cabin number nyo. 12,13,14 at 15 po. Enjoy your stay po." ayun at nautal pa si Ate haha, ayun at kinuha na namin yung mga susi. At nagkasundo na si Suho ang mag aassign ng magkakasama sa kwarto.

"Sa Cabin number 12 ay si Chanyeol, Chen at Tao. So ikaw na Tao ang bahala dyan sa dalwa, oh ito ang susi nyo, magpahinga na kayo" sabi ni Suho.

"Yeah boy!!!" sabi nung tatlo at pumunta na sa cabin nila.

"Cabin 13 ay sina Kris, Kai at Baekhyun. Oh Kris alam mo na ha."

"Bakit nahiwalay ako kay Lay?" sabi ni Kai.

"May problema ka Kai?" tanong ni Suho na nakakatakot.

"Sabi ko nga ang swerte ko sa mga kasama ko ,tara na Kris at ng makapagpahinga na tayo." ayun at naglayasan na din yung tatlo.

"Cabin 14, Sehun, Xiumin, Lay at Ako."

"What!!!!??? uy Suho ano namang kalokohan yan.?" sabi ko.

"Ikaw na ang bahala dyan sa dalawang yan, mukha namang okay sa kanila na kayo ang mag kakasama. Enjoy." ayun at binigay na nya ang susi sa akin.

"Ingat ka Eunnie, manyak pa naman yang dalawang yan." sabi pa ni Sehun at nagtawanan pa ang mga ito.

"Humanda ka sa akin Sehun." sabi ni Luhan. Ayun at nagtatakbo na si Sehun. Kinuha ni D.O at Luhan ang gamit ko.

"Tara na" yakag ni D.O . Ayun at nauna na yung dalawa, anu ba naman to kakalerki. Sumunod naman ako sa kanila.

Pagbukas ko nung pinto (⊙o⊙)(⊙o⊙)(⊙o⊙) itsura naming tatlo, grabe ang ganda, hindi mo aakalain na ang ganda at ang lawak Sa labas kasi para lang syang simpleng wooden house. May table na tama lang sa apat o tatlong tao, telephone, number book at sofa na parang kama dun sa mini sala. Tapos nung binuksan ko yung nasa right side na pinto eh may another door sa may tabi, siguro yun yung banyo at pumasok na ko ng diretso.

⊙﹏⊙ bakit dalawa lang ang kama? I mean bakit ganun? hala ganito kasi, yung isang kama malaki at kasya ang dalwang tao at yung isa pang isahan lang talaga.

Nakita kong pumasok na din yung dalwa. Nagkatinginana pa ang mga ito at sabay na tumango. Tumingin ang mga ito sa kanya.

"Kami ng dalwa ang magtatabi, ikaw na dyan sa pang isahan" sabi ni Luhan.

"S-salamat."

"Sige, labas muna kami at ng makapag ayos kana ng sarili mo. Ito na mga gamit mo." sabi ni D.O

"Sige salamat ulit." tumango lang ang mga ito at lumabas. Himala hindi ata nagtalo yung dalawa. Haha yae na, makaligo na nga muna.

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon