Trip

276 6 0
                                    

Eunhye's POV

Yeah this is it pansit!!! after 1926289251911 years nakalabas na din ako ng ospital hohoho ansaya ko. Ang boring kasi dun, pakiramdam ko pati laging may mumu wha!

Well atleast nakalabas na ako. And now im on my way home, mali unit pala, serey nemen. Nagtataka siguro kayo kung bakit walang kumaon sa akin no? well ganito kasi yun. Si papa busy sa business namin at naiintindihan ko yun. At ang EXO, hindi nila alam na ngayon ako lalabas, baka umabsent yung mga yun pag nalaman na lalabas pa ako. hahaha. But speaking of papasok sa school. wha i really miss it, andami ko ng namiss na topics hay. I miss my chair, my desk, the white board, the terror teacher's, the flirt's, my tropas at ang pinaka namiss ko ang garden, syempre dyan nag umpisa ang lahat.

But wait! pwede siguro muna akong dumaan sa school, Tama i'll surprise them.

"Manong tigil po muna tayo sa school." sabi ko dun sa driver namin.

"Pero Lady Eunhye kalalabas pa lang po ninyo ng ospital, baka mapa ano kayo."

"Don't worry about me, andun naman ang EXO." tumango na lang ito. So after few minutes ipinarada na namin yung car sa parking area. "Manong wait mo ako, madali lang ako ha, bili ka na lang din ng foods pag nagutom ka ha."

"Sige po"

Ayun at nagsimula na akong magalakad papunta sa building ng Fine Arts. Namiss ko ang mga kaibigan ko. Wha, pero pag dating ko sa room walang tao, hay lunch break nga pala. So I decided na pumunta na lang sa garden. I miss that place talaga.

So nung makarating na ako dun nakita ko ang EXO at ang mga friends ko na naka upo sa grass habang nakain ng Lunch nila at teka bakit kasama ang bruhildang Suzy na yan. Argh halatang ayaw naman nilang kasama yun, flirt talaga.

Hindi muna ako lumapit sa kanila. Papakinggan ko muna yung pinag uusapan nila.

"Kelan ba lalabas si Eunnie?" tanong si Baekhyun.

"Wala pa akong balita eh, kayo ba Sulli meron ng balita?" sabi ni Lay.

"Wala pa din nga eh, sana naman maka labas na sya para masaya na ulit tayong lahat." sagot ni Sulli.

"Duh!!! sana nga dina sya lumabas, dadagdag na naman sya sa mga kagaya nyo na pasimpleng lumandi" singit pa ni Suzy sa usapan, paki epal ka talaga.

"Pinatatamaan mo ata ang sarili mo Suzy, as you can see we invited them to join us to eat our lunch unlike you na pinagsisiksikan ang sarili sa amin. At oras na makalabas si Eunnie, wag na wag mo syang sasaktan or else kami ang makakalaban mo" sabi ni D.O, wha i love you na talaga bestfriend. Nakita kong napahiya si Suzy sa sinabi ni D.O, well truth hurts talaga.

"Bakit ba ang harsh mo sa akin Kyunsoo? hindi naman sila ganan sa akin?" nakatayo na ngayon si Suzy sa harap ni D.O. At si bestfriend walang paki, kain lang ng kain haha.

"Alam mo iisa lang naman ang iniisip namin kaya ako na lang ang nag sasabi ng gusto naming sabihin towards you." at yun tuluyan ng nag walkout si Suzy, ambad naman nila.

Medyo natulala lahat sa nangyari.

"D.O you're the men" sabi pa ni Sehun sabay yapos pa dito.

"Pero ang harsh mo talaga ha." sabi ni Krystal.

Nagbigay pa ng kanya kanyamg komento ang lahat, kaya ayun hindi nila napansin na nakalapit na ako sa kanila.

"Dapat naman ginalang mo ng kahit kaunti man lang sya." sabi ko.

"Anung igalang? ang sarili nga nya hindi na nya kayang igalang tayo pa kay---, Eunhye?!" (⊙o⊙) sabi ni D.O at yung iba gulat na gulat din lalo na yung katabi kong si Xiumin haha ang epic nila. "Uy mga mamen, anyare?" sabi ko at nag snap pa ako

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon