Crush!!!!

363 10 2
                                    

Eto kami ngayon back to school at wala na din akong pakealam sa mga pagpaparinig nung iba tungkol sa pagkakalapit ko sa EXO.

"Uy nabalitaan nyo bang may transferee daw sa section ng EXO?" sabi ni Yoona habang nagpapaint kami.

"Eh talaga? Gwapo?" tanong ni Seohyun.

"Ang alam ko eh babae." sagot ni Krystal

"Talaga? edi may muse na sila." sabi ni Sulli.

"May muse na kaya ang EXO, di ba andyan si Eunhye." sagot ni Shinhye.

"Tama!!!" sagot ng mga ito.

"Luka nyo talaga." sabi ko na lang.

"Pero umamin ka Eunhye may crush ka ba sa isa sa EXO? wag mong sasabihing wala kasi pektos ka sa amin." sabi ni Krystal.

"Ha? anu namang klaseng tanong yan?"

"Just answer it!!!" sabi ni Sulli

"Oo na, may crush na ako sa isa sa kanila."

"Ayiee!!!!! sino?"

"Eh si anu, ahm"

"Sino nga? pabitin pa eh." angil ni Seohyun.

"S-si Luhan, pero nung una si Sehun talaga. Hindi ko lang alam kung bakit napaltan."

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE"

halos mabingi ata ako sa sigaw ng mga ito.

"May gosh I knew it. Sabi ko na nga ba at kay Luhan dear ka magkakagusto. Im so happy." kinikilig na sabi ni Shinhye.

"So anung plano mo?" tanong ni Sulli.

"What do you mean?"

"Aaminin mo ba sa kanya?"

"Ofcourse not! hindi naman ganun kalalim yung nararamdaman ko sa kanya no."

"Panu kung nainlove kana sa kanya? itatago mo parin ba?" tanong ni Seohyun.

"Depende siguro sa sitwasyon. Atsaka impossible mainlove ako dun."

"Wag magsalita ng tapos dear, madaming pwedeng mangyari." sabi ni Krystal.

"Tama!!!" sang ayon pa ng apat. Hay nakakaluka talagang kasama ang mga ito.

Nang matapos na ang klase namin ay agad akong nagdesisyong umuwi. Nakakapagod kasi yung mga ginawa namin. Nag painting kami, nag edit ng pictures, nagmold ng paso at nagcurve sa kahoy. Ang sakit sa kamay.

Nang makarating na ako sa unit ko ay agad akong umakyat sa kwarto at nahiga. Alas sinko palang naman, mamaya na ako magluluto. Umidlip muna siya ng sandali.

Nagising ako ng makarinig ako ng katok sa pintuan kaya agad kong binuksan iyon. Nakita ko si Luhan.

dug . . .dug . . .dug . . .dug . . .dug . .

Patay na naman, nagwawala na naman ang puso ko. Nyemas ka Luhan!

"A-anung kailangan mo?" nauutal kong tanong.

"Aalukin ka sana naming mag dinner. It's already 7:30pm na kasi."

"What?! gosh antagal kong nakatulog!"

"Mukha nga, so tara na." hinawakan na nito ang kamay niya at hinila papasok ng elevator. At mygulay ang awkward, nakakailang pala talaga pag kasama mo ang crush mo. Whuhu anlandi.

Nang makarating na kami ay agad kaming pumasok. Binati pa nga ako ng EXO.

"Kain ka lang ng kain Eunhye. Ako ang nagluto ng mga yan" sabi ni Sehun.

"Thank you, ang galing mo naman."

"Nagkataon lang na siya ang nakatoka sa pagluluto ngayong araw. Bukas Eunhye dito ka din kumain at ng matikman mo ang speacial dish ko." pagmamayabang ni Chanyeol.

"Hehe sige."

"Eunhye, what happen to your hands?" puna sa akin ni Tao.

"Ah eh anu kasi, nadaplisan nung blade kanina habang nag cucurve kami dun sa kahoy."

"What?!" tanong ng mga ito.

"Araw araw ba kayong nag gaganon?" tanong ni Luhan.

"M,W,F lang, pero my molding parin halos pareho lang sila at araw araw yun."

"Talaga? kapagod yun ah. Kaya siguro di kana nakapagluto." sagot ni Lay.

"Napagod kasi talaga ako. Salamat din at niyaya nyo ako dito."

"Wala yun. Pero I have a better idea." sabi ni Kris.

"Anu yun?" tanong nila.

"Dito kana lagi magdinner. Lagi namang madami ang niluluto namin."

''Uo nga Eunhye, para hindi kana mapagod."

"Hala nakakahiya! wag na"

"We insist"

"Anla anu kasi naman eh."

"Ganito na lang, tuwing Saturday eh ikaw na lang ang magluluto para sa ating lahat." suhestsyon ni Baekhyun.

"Sounds fair. So ayan bawal ka ng tumanggi Eunhye. Dito kana lagi magdidinner." sabi ni Xiumin.

"Eh sige na nga."

"Yes!!!!" sabay sabay na sagot ng mga ito.

Nang matapos kaming kumain eh tinulungan ko si Sehun na magligpit ng pinagkainan. Maglilinis pa din sya, kasi siya ang nakatoka ngayong araw.

"Thank you ta pagtulong Eunhye, magpahinga ka na."

"Okay lang, ako na ang magwawalis ng buong first floor."

"Wag na, ipahinga muna lang yang kamay mo."

"Nakakahiya naman kasi."

"Anu ka ba naman, okay na nga ta amin yun. Babawi ka naman ta Tabado eh."

"Hehe Salamat talaga. Sige mauna na ako Sehun."

"Geh, good night."

"Night din"

Pumunta muna ako sa sala nila at nagpaalam. "Guys mauna na ako sa inyo ha maaga pa kasi klase ko. Thank you ulit"

"Sige ingat ka Good night."

"Dream of me Eunhye." pahabol pa ni Kai.

Lalabas na siya ng pigilan siya ni Luhan. "Bakit?"

"Hahatid na kita."

"Wag na, malapit lang naman eh."

"Wag ng makulet tara na." ayun at hinawakan na naman nito ang kamay niya. Hindi din nito iyon binitiwan kahit nasa elevator na sila. Ah kilig much.

Nang nasa tapat na kami ng unit ko eh nagpaalam na ako. "Sige goodnight na Luhan, Salamat sa paghatid."

"Sige." papasok na sana siya ng pigilan siya nito. Nagulat siya sa ginawa nito. Hinalkan nya ako sa pisngi. Ramdam kong namumula ako ngayon. "Goodnight" ayun at nagtatakbo na palayo ang hudyo. Napahawak ako sa pisngi ko at napangit. Ayiee hinalkan ako ni crush whaha kinikilig ako. Agad akong nagtatakbo papunta sa kwarto ko at gumulong gulong.

AUTHOR'S NOTE: thanks for reading po. Please vote at comment po kayo. Atsaka po may question ako. Sa tingin nyo kontrabida yung transferee? answer po please antayin ko sagot nyo. God Bless

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon