Ows?! Really?!

336 7 0
                                    

Eunhye's POV

Nagising na ako ng hapon na, mga five pm na din. Masama parin ang pakiramdam ko. Pero paano ba ako napunta sa kwarto ko? Ang naalala lang niya ay inihatid siya ni Luhan. Sino kayang nag akyat sa akin dito. Ah bahala na, pero sino nga kaya? baka naman si manong guard. Tama siya nga siguro.

Napalingon siya sa cellphone niya ng bigla iyong tumunog. Agad niyang sinagot ang tawag, wala ng tingin tingin.

"Hello?"

(Hi Eunhye, ok ka na ba?) agad siyang napa ayos ng upo ng marinig ang boses nito.

"Ha? Sino to?"

(Si Luhan to, pasensya na kung hindi na kita naalagaan. May importante kasi kaming ginawa.)

"Ha? eh hindi mo naman talaga ako kelangang alagaan eh."

(Pero nung inihatid kasi kita dyan sa kwarto mo eh mataas ang lagnat mo. Inihabilin na nga kita sa mga empleyado dyan para may mag alaga sayo.)  natigilan siya sa narinig. Si Luhan ang naghatid sa akin dito! Hala

"Ah eh, anu ayos na naman ako. Salamat na lang."

(Ah ganun ba? pero kung sumama parin pakiramdam mo tawagan mo lang ako ha.)  

"Kaya ko naman ang sarili ko, pero salamat na din."

(Basta ikaw, nga pala kumain ka na ba?)   

"Hindi pa. Kakagising ko pa lang eh."

(What?! wait for me. Ibibili kita ng pagkain at gamot mo.)  

"Ala huy wag na. Kaya ko na---"

(Basta, wait for me. Wag kang makulet. Sige bye) 

Eh? pinagbabaan siya nito. Talaga bang si Luhan yun? Bakit ang bait ata. At siya pala ang naghatid sa akin dito. Ows di nga.

Tumunog ulit ang cellphone nya pero text lang iyon. Unknown number.

From: 09*********

Bestfriend! Si Seohyun to, kinuha ko sa registar ang number mo. Kumusta ka na?

Napangiti siya, nakakatuwa naman at may nag aalala pa pala sa kanya. Masarap pala talaga ang my kaibigan. Isinave muna niya ang number ni Seohyun bago magreply.

To: Bestfriend :)

Thanks best, ok na ako medyo liyo na lang.

Send!

Napangiti siya dahil ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan. Agad namang nagreply si Seohyun.

From: Bestfriend :)

Buti naman. Pagaling ka ha. Natapos ko na pati yung activity natin. Nga pala naihatid ka ba ng maayos ni Luhan?

Napatulala siya sa text nito. Naalala na naman niya si Luhan. Argh.

To: Bestfriend :)

Ah oo, naihatid nya ako. Salamat ha. Sige bukas na lang ulit, pahinga muna ako.

Send!!!

Nagreply ulit ito.

From: Bestfriend :)

Welcome. Sige pagaling ka. Kita kits bukas :D.

Napaka understanding talaga ni Seohyun. Itinabi na niya ang kanyang cellphone. Tumayo siya at pumunta sa kusina. Nagugutom na din kasi ako. Pagbukas ko ng ref, tadah! tubig, water at h2o. Shete oh, wala man lang ibang laman. Kaya ayun kumuha muna ako ng jacket. Pupunta ako sa jollibee, malapit lang yun dito eh.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng may kumatok. Edi yun binuksan ko na nga, at na gulat talaga ako ha.

"San ka pupunta?" hinihingal na sabi ni Luhan.

"Eh sa labas, kakain."

"Diba sabi ko sayo wag kang aalis. Baka mabinat ka."

"Ang O.A mo naman, kaya ko naman eh."

"Hala wag ng makulet, pasok na. May dala na akong pagkain. Sabi ko naman sayo eh ibibili kita diba." umatras siya at pinapasok ito. Dumiretso agad ito sa kusina at inayos ang dala nito.

"May masakit pa ba sayo?" tanong nito habang nag aahin. Puro lugaw ang pagkain. Hay gusto ko pa naman ng float.

"Wala na."

"Good, upo ka na kain na tayo. Napagod din ako eh." sumunod lang siya dito. May sapi ata ito eh.

"Luhan umamin ka nga, anu ba talagang plano mo at ang bait mo sa akin?" natigil ito sa pagsubo.

"Its because I like you."

"Wag na tayong maglokohan. Aminin mo ng my ulterior motive ka."

"Bakit ba nagdududa ka sa ipinapakita ko?"

"Simple lang, kasi hindi ka naman ganan talaga. Parang ang plastic mo. Please lang Luhan, magpakatotoo ka."

"Eto naman talaga ako eh. Masama bang magkagusto sayo? masama bang mag alala sayo? Look Eunhye, hindi porke pangit ang first encounter natin eh ganun na tayo hangang dulo."

"Ewan, basta ang gusto ko eh tigilan mo ako. Tapos"

"Hindi pwede yan, ngayon pa at nakuha muna ang atensyon ko. Hayaan mo lang ako, just go with the flow wala namang mawawala eh."

"Bahala ka na nga." kumain na lang siya pero tumawa lang ito.

"Ang cute mo talaga. Kaya naman gusto kita eh."

Inirapan na lang niya ito. Kapal talaga ng mukha eh. Kala mo kung sino. Mabulunan ka sana.

Unexpectedly You (EXO Luhan's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon