Chapter 3

446 15 0
                                    

Chapter 3: Stalk ♤

===

Zion's POV

Uwian na.

Napapatingin sakin ang mga tao paglabas ko ng pito kasama sila Cyrus dahil naka itim na T-shirt ako.

Eto lang kasi yung pamalit na nahanap ko sa locker, wala akong magagawa, naagaw ko nanaman ang atensyon nila.

Bihira na lang kasi nila ako pagkaguluhan sa school hindi katulad ng dati nung unang pasok ko palang dito bilang highschool. Isang buwan ata ang dumaan nun bago nila kami tantanan ng pangiistalk at panliligaw.

Nakasalubong namin sa daan sila Klay at napansin kong nasa likuran nila si nerd na nakabungguan ko kanina.

Balak ko syang kausapin dahil sa pag-iwan nya sakin kanina kaya nagpaiwan na lang ako kila Cyrus dahil aasarin nanaman ako nun kung sakaling makita nya na may kinakausap akong babae.

Put* bakit ba ang bilis nya maglakad?

Sinundan ko pa sya at kahit na nagpapahalata akong sinusundan ko sya, mukhang hindi nya parin ako napapansin dahil nasa iba ang atensyon nya.

Huminto sya sa mga lockers.

Akala ko may kukunin lang sya sa locker nya kaya ginamit ko na yung pagkakataon na yun para lapitan sya dahil ang bilis nya nga maglakad pero napansin kong may sinisilip sya sa kabilang gilid.

Sinilip ko din kung ano yun.

Sila Klay?

Bakit nya tinitignan sila Klay?

Bumuntong hininga sya at isinarado ng malakas ang kanyang locker kung saan iniwan nya ang mga dala nyang gamit kanina at muling lumakad pasunod kila Klay.

Puta hindi ko sya nalapitan.

Dali dali akong tumakbo sa direksyon na pinuntahan nya at napansin kong bumagal ang lakad nya kaya't binagalan ko na din ang sakin.

Lumiko sya sa gilid ng Home Economics building kaya nagtaka ako.

Hanggang saan nya ba balak sundan sila Klay? At anong kailangan nya? Hindi ba nya alam na delikado ang ginagawa nya?

Napaatras ako nang liliko na din sana ako dahil muntikan na mya akong nakita.

Kinabahan ako.

Hindi pala sya nakatingin sa gawi ko kanina.

Napasandal kasi sya sa pader at mukhang nagdadalawang isip sa kung ano.

Alastres palang ng hapon ngayon at mula sa natatandaan ko sa lugar na'to, madilim na eskinita lang ang nasa gilid nya.

Dead end pa dun.

Minsan na akong nakapunta dito naang inaya ako ng grupo nila Klay, malaking pasasalamat ko lang ng nahanap ako agad nila Kyle.

Balak kasi nila ako dati i-blackmail para sa grades nila.

Putang mga gago akala nila may kontrol ako sa ganung mga bagay.

Teka. Hindi kaya inimbitahan din sya ni Klay para pumunta dito?

Tang*na bakit ang bobo naman netong nerd na'to para hindi maghinala sa lugar na pupuntahan nya?

Hindi ba nya nakikitang delikado dito?

Napapailing na lang akong naglakad papalapit sa kanya.

Siguro dahil sa kaba kaya hindi nya agad akong nakita.

Baka sumigaw pa sya kaya dali-dali kong tinakpan ng kamay ko ang bibig nya.

Nakasandal na sya ngayon sa pader na madilim at siguradong hindi nya ako nakita.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon